Chapter 10

695 13 1
                                    


FAST FORWARD...

VHONG'S POV:

napaliwanagan ko din si Anne na ituloy na yung pagbubuntis nya.. nangako ako na hindi ko naman sya iiwan at paninindigan ko kung anong obligasyon ko sa kanya.. gagawin ko lahat sa abot ng makakaya ko.

nakiusap din ako sa kanya na kung pwede, saming dalawa muna 'to.. hindi pa ko handa na malaman ni Tanya lahat..

kakatapos lang ng live show , nagmamadali akong pumunta sa backstage , hinanap ko kagaad si Anne asan na ba yun? di ko napansin ang pag alis nya kanina . akala ko ba magpapahatid pa sya sa bahay nya?

"Kuys , nakita mo ba si Anne?" tanong ko kay Teddy

"Nasa dressing room nya , nagbibihis pa ata .. bakit?.. may lakad kayo?.. ikaw kuys ha!" pang-aasar nya .. napakunot ako ng noo.

"Wala! ano kaba .. ihahatid ko kasi sya , wala daw syang driver eh " sagot ko , ngumiti sya

"Wala naman akong sinasabi ah , ikaw talaga masyado kang defensive " umupo sya sa couch at nag cellphone . lumingon-lingon naman ako sa paligid baka andun pa si Anne pero wala .


"Kuys Vhong , oo nga pala ... labas naman tayo kasama yung mga girls , si Jas kasi namimiss na daw sila Tee . kinausap ko na rin si kuys Jhong na isama si Maia "


"Sure , sige kelan ?" tanong ko . madalas kaming lumabas noon nina kuys Teddy at Jhong kasama ang mga Mahal namin.. medyo dumalang na nga lang ngayon kasi medyo busy din lahat . si Tee din sure ako miss nya narin yung mga kaibigan nya .

"Eh mamayang gabi lang kami free ni Jas , bukas kasi day-off ng nag-aalaga sa mga bata .. wala nang magbabantay, kaya susulitin na namin ang free time hehe" sabi nya..

"sige , check ko lang si Tanya kung pwede sya tonight " sabi ko at kinuha ko kaagad ang cellphone ko sa bulsa ko.. , tawagan ko muna si Tee , namimiss ko na rin sya..

"Mahal?" tanong ni Tee ng sagutin nya yung tawag ko.


"Busy ka?" tanong ko.


"May konti lang na tinatapos mahal , bakit?"


"Ano oras balak mong umuwi" tanong ko.

"u-um di ko pa alam eh , dipende siguro kung matapos ko 'to .... sya nga pala mahal , nag text si Jasmine nag-aayang lumabas"


"yun nga dapat yung sasabihin ko sayo... alam ko namang miss mo na sila."

"Super! .. okay sige sasama ko tapusin ko lang 'to "


"sure ka?"

"Yes"

"sige Mahal, sunduin kita mamaya ha" sagot ko.. miss na miss ko na sya..

"No, mahal it's okay.. kita nalang tayo sa place text mo sakin kung saan magkikita - kita " napakunot ako ng noo .. ayan na naman sya tss isa yan sa mga pinag-aawayan namin minsan.. yung ayaw nya magpasundo .. lagi nyang dahilan , ayaw nya daw ako maabala . kailanman di naman sya naging ganoon sakin , mas masaya nga ko pag nakakagawa ako ng Effort sa mahal ko


"Sabi ko susunduin kita diba?!" pagsusungit ko , alam kong tatanggihan nya na naman ako eh , para saan pa't na naging boyfriend nya ko..


"Saka mahal, apat na taon na tayo masanay ka na nga ng ganito , ikakasal na tayo eh"

"Ayoko lang na maghintay ka ng matagal Mahal, mainipin ka pa naman.. tsaka alam mo naman yung trabaho ko diba?"

"kelan ba 'ko nainip sayo?"

VHONGTEE presents You're My FOURever MAHALTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang