New friend

3 0 0
                                    


Sammie's POV

Habang naglalakad ako papunta sa classroom namin .. Syempre nagsisitinginan/bulungan nanaman sila -,- hays. Di matapos na issue.. Dahan dahan kong binuksan yung pinto baka kasi may mahulog nanaman na tubig sakin! Hay salamat wala naman. Umupo na ko at nakatingin sakin yung mga babae at tinatarayan ako. Problema nitong mga to? Hays. "Sammieee iwas nalang" bulong ko sa isip. Umupo na ko at nagsoundtrip muna. Wala pa naman prof namin eh. At biglang dumating yung prof namin at Sabi "Eto ang bago nyong classmate si Joaquin Alijandro Santos" at nagulat ako! Myghad.. Eto namang mga babaeng tumaray sakin kilig na kilig! -.-

"Hi Joaquin omfg!"

"Akin ka nalang!"

"Shut up girls. He's mineeee"

Echosera tong mga to! Kala mo naman talaga magagand! tsaka nagtataka ako. Bakit gustong gusto nila badboy? Ano yun? Nagpapakatanga? Wait wala na palang upuan! Eh ako wala akong katabi nasa dulo pa ko. Syempre loner.. :( haha wait! "Joaquin dun ka sa tabi ni Ms. Reyes" Sabi ng prof ko. Teka bakit sa tabi ko?!!! Hala. Tumabi na sya at nakafreez lang ako as in di ako makagalaw "Hi Miss." Bati nya. Di ko nalang sya pinansin Jusko! Close ba tayo? :3 at tapos na ang 30 mins. na pag tuturo ng prof namin .. Nakahinga rin ako ng maayos ayos..

Pababa ako sa canteen.

Then bumili ako ng pagkain at dahan dahan lang ako. Naghanap ako ng upuan, yun sa dulo! .. Maya maya.. May kumalabit sakin!

"Ay palaka!" Sigaw ko

"Grabe naman muka ba kong palaka?"

"Ay sorryy! Nagulat lang ako."

Nagulat ako dun ah! Hahaha!

"Hello! I'm Franchesca." Pakilala nya. "H-hello, I'm s-Sammie." Pautal kong sabi kasi nga loner ako diba? Pero nahihiya talaga ako. "Uy wag ka matakot, haha! Pwede ba maging friends tayo?" Tanong niya. "Ah-eh oo naman." Ngti ko. Ngumiti rin sya "punta tayo sa mall!" Yaya nya. Jusko eh di pa nga kita halos kilala eh! Hays Sige na nga no choice. "Oh sige." Di na ko makatanggi eh! -.-

Uwian na namin at nakita nya ko, "Sammie! Tara na?" Sabi nya. "Tara na hehe" Sabi ko.

Nasa mall na kami at kumain.. Libre nya, sya nagyaya eh! Haha, tapos na kami kumain. Nag kwentuhan Kami saglit "Siguro kailangan mong magpaayos? Tutal may ball dance bukas!" Sabi Nya. "Huh? Ayoko chesca." Tanggi ko. Sabay.. Hinila nya ko, Wala naman akong magagawa nahila na nya ko eh! -,- pumunta kami sa beauty salon -_- pinaayusan nya na ko. Kilala sya dito kasi may ari sila ng mall na to eh, aba richkid. Tapos na kami sa beauty salon. "Woow! Ang Ganda mo!!" Gulat Nya. Tumingin ako sa salamin, "ako ba to ches?" Gulat ko din. Grabe ang bait ni chesca :) pumunta naman Kami sa EO para maayos mata ko, lagi ko kasi suot yung thick glasses ko eh.. Sabi "para matanggal yang thick glasses nya, magsusuot sya ng contact lens." Sabi ng doctor sa mata. At tapos na, sabay hinila Nya ko papunta sa f21 hays. Tulak naman! Puro hika eh! Tulak naman! .. Namimili na sya "Sige ches pili ka na muna upo muna ko dito." Sabi ko. "Hoy! Tayo, tayo ang mamimili." Sagot nya. "Ah o siya sige." Sagot ko, tapos na kami mamili at pagod na pagod ako.. Hinatid Nya ko sa bahay at gabi na. Tulog na sila papa, dahan dahan nalang ako pumasok sa kwarto ko. At "dami nangyari ngayong araw na to ah, parang ang saya ko lang. Matutulog na ko at may ball dance pa bukas, Medyo kinakabahan ako." bulong ko at natulog na ko.

==========)====================================================================

End of Sammie's POV

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon