Kabanata 3

18 4 3
                                    


Nagising ako ng maaga dahil 7 am ang dapat time in ko roon. Nakaligo na ako at katatapos ko rin lang kumain. After brushing my teeth chineck ko na ang sarili ko sa salamin. I am wearing a pastel peach longsleeve and a black pencil skirt. I tied my hair into a bun and sprayed perfume on my body. Kinuha ko na ang mga gamit ko at sinuot na ang id ko.

"Bagong araw nanaman, kaya ko to!" I whispered to myself.

Pagkababa ko binati ko agad si mama. "Ma good morning! Kain ka na. Ako nagluto ngayon." I grinned.

"Good morning too by. Wow naman anong nakain ng baby ko. Bakit si manang?" My mom kissed my cheek.

"Sinabi ko po na ako na lang ang magluluto." I replied. Sinuot ko na ang backpack ko. "Ma, mauna na ako. Baka kanina pa naghihintay si manong." I kissed my mom.

"Sige by take care."

"And ma, labas labas rin kayo minsan para malibang naman kayo. Di niyo naman kailangang magtipid." Ngumiti ako atsaka lumabas na ng condo namin.

Last summer napagisipan naming kumuha ng condo dito sa manila, dahil nasabi ko na rin na dito ako kukuha ng internship ko. Nung august, nasa batangas pa kami pero just this september 1, lumipat na kami dito. Sumama sa akin ang mama ko dahil ayaw niya raw akong iwan magisa.

Sumakay ako sa elevator at bumaba patungo sa parking lot. Nang makita ko si manong, ang aming driver, ay sumakay na ako.

Andun parin ang bahay namin, kaso nga lang wala ng nakatira, sa ngayon. Of course we'll eventually go back there. After 45 days tapos na rin naman na ang internship ko.

Nakarating rin agad ako sa quez ave, kung nasan ang MG Inc. "Manong wag niyo na po akong sunduin mamaya. Ipasyal niyo na lang po si mama." Nagpaalam na ako kay manong Jun.

Pag pasok ko palang sa building ay marami na ang mga staff na andito. Binati ko sila at nagtanong tanong na rin ako kung saan pwede magobserba mamaya.

"How about the office ni sir, Aizel." Sabi ng isang staff sa lobby at mukang tuwang tuwa pa siya.

"Sir CEO?" No way. I laughed in my head.

"Sir Rexel." Bigla namang namula yung pisngit niya. "Ang gwapo niya." Napahawak siya sa pisngi niya. "Basta kapag makita mo siya, mabibighani ka talaga."

Tumawa ako. "Spoiled brats aren't my type Liah."

"Bahala ka jan! Basta grabe si sir." At parang lumutang yung kaluluwa niya.

"Maiwan na nga kita jan." Umalis na ako at tumungo sa elevator. Tatambay muna ako sa cafe na pinuntahan namin ni Kryne kahapon dahil wala pa naman si Miss Marga, yung nagsusupervise sa akin. Tuwang tuwa pa kahapon si mam ng makita niya ako, ka-age ko raw kasi ang anak niya and she's happy seeing a hardworking young girl like me.

Pag ka bukas ng pinto, ang unang bumungad sa akin ay ang muka ni Brade. Napangiti naman siya. "Ang aga mo a."

"Look who's talking, for sure mas maaga ka sa akin." Pumasok na ako sa loob ng elevator.

"Actually di ako umuwi. I feel so sleepy." Hinawi niya ang buhok niya.

"Hindi ka bababa dito?" I asked.

"Nope. Sumakay lang ako sa elevator. I don't know where i'm gonna go. Kaya sasama na lang ako sayo." Ngumiti ngiti siya na parang bata.

Pinindot ko yung button 2 patungo sa second floor. Umupo agad kami roon sa dulong table, kung saan comfy ang upuan, matapos naming umorder.

"So, hindi ka pa nagbreakfast?" Kumuha ako ng magazine na nakapatong sa table at tinignan ito.

"Hindi pa, coffee will do."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon