Chapter 6

4 1 0
                                    

MORNING







* Dingdong Dingdong *







" Bakla , may nagd-dorbell dun . Puntahan mo saglit . " - Jazzie







Pinuntahan ni Khen yung nag dorbell sa labas. Kasalukuyan kasi kami ngayong nagluluto ng almusal namin. 6:53 am kami nag simulang nag prepare ng lulutuin namin.







Yes, nag puyat kami kagabi . Ako naman walang maayos na tulog dahil sa mga walanghiya kong kaibigan na puro Frats ang pinagusapan.







Kinikilig sila kagabi , eh paano ba naman inaccept na sila sa facebook nung C.W. members.  Ewan ko ba kung bakit sila patay na patay dun. As I know , nagpapa fame lang ang mga yun at wala silang ginawa kung hindi ang makipag basag ulo at mang-trip ng mga estudyanteng hindi naman sila inaano.







Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung saan ako magbabakasyon. Nagp-plano kasi sila mama na mag out of town. Ako naman walang magawa kung hindi ang sumama sa kanila unless na magkaroon sila ng project ni papa doon at ako ay iiwan nila dito.







" Khate ! Nasusunog na yang itlog , ano bang iniisip mo diyan ? " napaintag ako bigla nang sumigaw si Denise.







" Ayy joke ! Paabot nga nung plato. " sagot ko naman.







Inabot na lang sakin ni Yanna yung plato na pinaglagyan ko ng itlog. Hindi ko na kasi namalayan na nasusunog na pala yung niluluto ko. Masyado akong nadala nung mga iniisip ko .






Inayos na namin yung mga naluto namin at pinwesto na namin sa lamesa. Bigla namang dumating si Khen.






" Sino yun bakla? " mabilis na tanong ni Jazzie. Tumingin muna sa amin si Khen sabay na ngumiti.






" Wala naman , kapitbahay lang namin.  Hinahanap sina mama. " sagot naman ni Khen sabay upo sa at nagyaya na siyang kumain.






Tahimik lang kaming kumain. Walang nagsasalita. Hindi ko na napigilan kaya , ako na lang ang bumasag sa katahimikan na bumabalot sa amin.






" Anong plano niyo this coming vacation? " pagtatanong ko.






" Paulit- ulit ka bakla. Yung totoo? May amnesia ka ba? Diba sinabi na namin kagabi kung saan yung appoinments namin? " tumataas ang kilay na sabi ni Khen.







" Ay joke lang . Eh kasi kayo ayaw niyong mag salita diyan. Bakit ba ang tatahimik niyo? Anong nainom niyo at parang nahila ang mga esophagus niyo't nawalan kayo ng boses diyan? "






" Wala lang. Hindi ba pwedeng kinikilig kami ng tahimik . Eh alam naman naming nainis ka samin kagabi dahil ang harot namin. HAHAHAHAHA " biglang tawa ni Jazzie.






" Mabuti naman narealize niyo na badtrip na ako kagabi "






Nagbangayan kami ng nagbangayan hanggang sa matapos na kaming kumain . Si Denise na ang nag hugas ng mga pinagkainan namin.






3 days din kaming ganito. Daily routine namin ay ganyan . Nakakaloka at nakakabaliw silang kasama.



KINABUKASAN



Balik na naman kami niyan  sa dati. Nasa bahay na ako ngayon. Kakauwi ko lang kanina. May pasok ako ngayon pero half day lang. Last na ko na ito , pagkatapos nito ay magbabakasyon na kaming magkakaibigan. Hiwa-hiwalay kami ng pagbabakasyunan.





Nag decide na sila mama na mag out of town , pero ako lang.  Hindi daw sila sasama dahil marami daw silang meeting dito sa Pinas. Hindi rin nila alam kung makakasunod silang dalawa ni papa.





SCHOOL



Ang boring ngayon. Halos hindi ako nakinig sa mga nilesson ng mga Profs ko. Parang wala ako sa kundisyon na makinig ? .



Ewan ko lang kung pumasok yung mga baliw kong kaibigan. Hindi ko pa sila nakikita mag mula kanina.






Hindi rin pumasok si Alex at si Ace sa French subject ko. Bakit kaya? Minsan talaga MIA yung mga kaibigan ko. Alam niyo yun? Missing In Action? Kaya nakakainis sila minsan eh. Kung kailan mo kailan saka hindi mo mahanap.





" BOO "





" Aaaaahhhhhhhhh "  - gulat na sigaw ko. Eh paano ba naman , bigla akong ginulat ni SAM ! . Ewan ko nga eh . Parang wala na akong nararamdaman na kaba ? Wala na yung pagbagal ng lakad or galaw ko pag nakikita ko siya? Wala na ba akong feelings sa kanya?






" Ano ka ba naman ?! Bakit ka ba nang-gugulat?? " pasigaw kong sabi sa kanya.





" Aatakihin ako sa puso sayo eh !! . Ano bang kailangan mo? " dugtong na sabi ko.






" Wala , masama bang makipagbiruan? HAHAHAHA . Nabored kasi ako , eh nakita kita kaya ayun. Naisip kong gulatin ka. " pagpapaliwanag niya.





" Ewan ko sayo , minsan talaga may sapok ka eh noh? " sagot ko sabay batok sa kanya.






" Aray ko naman ! Ikaw kayang batukan ko? "







"Siya nga pala , bakit hindi ka nanood nung play namin? Ang galing ko doon eh. "







" Play? Anong play? Saan at kailan naganap yun? " pagtatanong ko.







" Haaay , ano ba yan! Dito sa Campus natin kami nag video nun. Ang ganda kaya. Meron yata akong natagong CD nun? Ibibigay ko sayo mamaya. Panoorin mo na lang ha? " Nagpapacute niyang sabi.







" O-K?  HAHAHAHAHAHA "







Nagkwentuhan pa kami ng matagal. Wala na talaga akong naramdamang ilang. Wala na akong feelings sa kanya . Nagawa ko na rin sa wakas. Hahahaha. Eto na ba yun? Yung move on na sinasabi nila? Nagawa ko na ba talagang mag move on sa kanya? Nagka-amnesia na ba yung puso ko at hindi na ito ang tinitibok niya? Hay salamat naman. Matatahimik na ang isip ko.







Hindi na kikirot ang puso ko kapag nasasaktan. Hindi na rin ako manlalamig kapag kasama ko siya. Hindi na mangyayari ang lahat ng iyon. Hindi na. Panatag na ako ngayon.








A/N : HI SORRY KUNG MATAGAL AKONG HINDI NAKAPAG UPDATE. NAGING BUSY PO KASI AKO THIS PASSED FEW MONTHS. JUST WANT YOU TO INFORM NA YUNG NAME NG FRAT NILA SAM AY GALING PO KAY SCRIBBLERMIA SA STORY NIYA PO NA " TBND " . PERO DON'T WORRY MAPAPALITAN KO NA PO YAN . AND THIS TIME OWN NAME KO NA PO SIYA. LOVELOTS FROM THE AUTHOR 💙

UNBREAKABLE : The Hashtag GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon