Author's Note: This idea just popped out (before sleeping, bumangon pa talaga ako). I missed making poems. But I know, it's a bit fail but I pursued it. Nangati lang talaga akong mag - type. Oh well, have fun! =))
PS: Ito ay kwento ng isang makatang nagda-drama. XD
。✐✎。✐✎。✐✎。✐✎。
Balanse.
By: de_profundis
Ang Diyos ang gumawa ng mundo.
Sa mundo, may mga taong nakatira dito.
Pare – parehong may tungkuling gagampanan.
Ngunit magkakaiba ng estado, ugali, relihiyon, lahi at pinaniniwalaan.
May mahihirap, may mayayaman.
May nakakapag – aral, may napagkaitan.
May mga gustong ipahiwatig, ang iba’y walang pakialam.
May mga nagmamaang – maangan at kunwari’y walang napakikinggan.
May masasama’t, may mababait din naman.
Hindi nga lang matanto kung saan nabibilang.
May mga nagugutom, at iba’y sobra sa nilalapang.
Ni hindi maisip ang kababayang, sikmura’y kumakalam.
Pero bakit nga ba’t napakaseryoso naman nito?
Hindi ito ang gusto kong iparating sa iyo.
Ang gusto ko lang malaman mo..
Na ang lahat ng bagay, may kaakibat na tutuligsa dito.
Katulad sa pag – ibig, na may nagmamahal ng totoo‘t may nasasaktan ng todo.
May manhid at may seryoso.
May t@nga, may inosente pa rito.
May tapat, may manloloko..
At may “IKAW” at “AKO”, pero malabong magka – “TAYO”.
Pero dahil nga siguro sa atin,
Ang lahat ay nasa tamang lugar pa rin.
Dahil ang Panginoon ay may plano,
Na makapagpapanatili ng balanse ng mundo,
At isa na siguro sa mga ito,
Ay ang aking pagkakabigo na makamit ang matamis mong “Oo”.
BINABASA MO ANG
Balanse ng Mundo. (Poem -- ʿ₯ʾ)
PoetryPaano magiging balanse ang mundo, kung walang IKAW at AKO?