Chapter 1

1.2K 28 35
                                    

Copyright © 2016 by Queenerich All rights reserved

A/N: Sa mga readers na piniling basahin ang istoryang ito marami pong salamat. Isa po akong amateur writer at sana po suportahan niyo ang istorya hanggang sa huli. Ito po ay produkto ng aking imahinasyon at kathang isip lamang. Again readers thank you for dropping by!!..

Enjoy reading....

_______________

Marcia Jane's POV

Ring, ring, ringggg...

Nagising ako sa malakas na tunog ng cell phone.
Pupungas-pungas kong tiningnan ang orasan na nakasabit sa taas ng pintuan ng aking kwarto. Alas siete pa lamang ng umaga. Ang aga pa. Natulog akong muli at hindi ko sinagot ang tawag. Ang sarap matulog lalo na't sariwa ang hangin na pumapasok sa bintana ng aking kwarto.

Kararating ko lang kaninang madaling araw dito sa aming nayon. Sa Maynila kasi ako nag-aaral at ngayong tapos na ang pasukan napagpasyahan ng aking mga magulang na dito ako magbakasyon.

Ring, ring, ringggg....

Kahit inaantok pa ay pilit kong inabot ang cellphone sa mesa na nasa gilid ng aking higaan. Hindi ko na tiningnan kung sino ang tumatawag. Bumalik ako sa higaan at niyakap ang unan.

" Hello."

"Hello Jane?" Saad ng nasa kabilang linya.

"Ella ikaw ba yan?" wika ko habang naghihikab.

"Yes, friend ako nga. Dumating ka na daw sabi ni Nana Marcela," tukoy nito sa aking ina. "Nakasalubong ko siya kani-kanina lang. Anong oras ka dumating? Kumusta ang Maynila? Kelan ka ba pupunta dito samin?" sunod-sunod na tanong ng aking kaibigan.

"Kaninang alas tres ng madaling araw ako dumating."

"Namiss kita Jane," ani Ella.

Namiss ko din si Ella. Kaibigan ko siya at kababata. Sa aming magbabarkada siya ang pinaka close ko. Madaldal si Ella may pagka agresibo pero mabait. Taga kabilang nayon siya at sa iisang paaralan kami nagtapos ng elementarya. Nag high school siya sa paaralan na nasa bayan samantalang ako naman ay sa Maynila nag-aral. Kinuha ako ng aking tiyahin, kapatid ng tatay ko at doon ako pinag aral. Pero kahit nasa Maynila ako hindi nawala ang komunikasyon namin ni Ella.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Ella ay nag inat ako at dumungaw sa bintana. Napapangiti ako habang pinagmamasdan ang tanawin sa paligid.

Ito ang nayon ng Sta. Ines. Ang nayon kung saan ako ipinanganak at lumaki. Wala pa ring pinagbago ang aming nayon. Sa paggising sa umaga maririnig mo ang mga huni ng mga ibon, malalanghap mo ang sariwang hangin at ang pagsikat ni haring araw na tila nag aanyaya ng isang panibagong araw na punong-puno ng pag-asa.

Maliit lang ang aming nayon ngunit ito ay maganda. Ang malaking bahagi nito ay palayan at ang natitirang bahagi naman ay niyogan. Meron ding mangilan-ngilang palaisdaan at gulayan.

Iilang pamilya lamang ang nagmamay ari ng lupain sa aming nayon na kadalasan ay ipinamana pa ng kani-kanilang mga ninuno. Ito marahil ang dahilan kung bakit napapanatili nito ang kalinisan at kagandahan. May mga haka-haka naman ang ilan na sa nayon ng Sta. Ines ay may nakatirang mga dwende at engkanto na siyang nagsisilbing tagapangalaga nito.

Naputol ang aking pagmumuni-muni ng tumunog uli ang cellphone ko. Text message galing kay Ella.

Ella: hey friend punta me jan sa inyo mamaya

Me: okay. wait kita

Pagkatapos kong ilapag sa mesa ang cellphone ay pumasok ako ng banyo para maligo.

Pababa na ako ng hagdan nang makaramdam ako na parang may mga matang nakasunod sa akin. Hindi ko na ito pinansin at tuloy-tuloy na akong pumunta sa kusina.

"O, anak gising ka na pala. Nakatulog ka ba ng mahimbing?" wika ng aking ina.

"Opo, Ma. Nakatulog po ako ng mahimbing. Presko po kasi ang hangin dito. Hindi po kagaya sa Maynila na puro polusyon. Mas masarap pa rin pong tumira dito sa probinsiya."

"Tama ka, anak. Halika umupo ka at ipaghahain kita ng almusal."

"Tulungan na po kita, Ma. Sabay na po tayong mag-almusal. Nasaan po pala sila Papa?"

"Kakaalis pa lang ng Papa mo. Magde-deliver ng itlog sa bayan. Sumama ang kuya mo at sina Carrie at Carlo. Dadaan daw sila sa Ate Myrna mo."

Nagkwentuhan kami ni Mama habang kumakain. Naikwento ko sa kanya ang pag-aaral ko at ang naging buhay ko sa Maynila kasama ang aking tiyahin. Mabait naman ang aking tiyahin. Itinuring niya ako na parang isang tunay na anak.

Lima kaming makakapatid. Si Ate Myrna ang panganay. Sa bayan na siya tumira simula ng ikasal sila ni Kuya Tony. May naipundar na silang tindahan doon. Sunod si Kuya Marco. Mechanical Engineering ang kurso nya sa kolehiyo. Pangatlo ako sa magkakapatid at sumunod sa akin ang walong taong gulang na kambal na sina Carrie at Carlo.

May sariling poultry farm ang pamilya namin at ito na ang pinagkaabalahan ng aking ama simula ng mag- resign siya bilang clerk sa munisipyo. Masipag ang aking mga magulang at sa awa ng Diyos ay unti-unting umuunlad ang aming munting negosyo.

"Pupunta ako sa poultry farm Ma pagkatapos nating mag-almusal. Namiss ko na pong manguha ng itlog."

"O, sige anak. Alam kong matutuwa ka doon. Andun naman ang Tiyo Isko at Tiya Nancy mo kaya wala kang dapat na ipagalala. Alam ko naman na matatakutin ka."

Pinsan ni Mama si Tiyo Isko. Katiwala siya sa poultry farm at dito na rin sila nakatira ng pamilya niya sa lupang ipinamana ng lola ko.

"Naku, Ma hindi na po ako matatakutin ngayon. Tumira po ako sa Maynila at doon ko po narealize na hindi naman po pala totoo ang mga iyon. Naalala ko 'yung mga kwento ni lola noon yung tungkol sa mga multo, kapre, dwende at kung anu ano pang mga laman-lupa. Ngayon ko lang napagtanto, Ma na kaya pala nagkukwento si lola ng mga gano'n para matakot 'yung mga bata at sumunod sa mga magulang. At saka, Ma sa panahon ngayon wala na pong mga ganyan. Kwento lang po 'yan ng mga matatanda noon at wala naman pong katotohanan. In short hindi po ako naniniwala."

"Pero, anak maniwala ka man o hindi totoo 'yun," wika ng aking ina.

Hindi ko na pinansin ang huling sinabi ni Mama. Ipinagpatuloy ko na lang ang aking pagkain.

Pagkatapos naming mag-almusal ay hinugasan ko na ang mga plato habang si Mama naman ay nagpunta sa hardin para diligan ang mga alaga niyang rosas.

Malapit na akong matapos sa paghuhugas ng mga plato ng maramdaman ko na parang may mga yabag na papalapit sa kinatatayuan ko. Hindi ko na ito pinansin sa pag aakalang bumalik si Mama.

"Malapit na po akong matapos Ma,"  wika ko. Pagkatapos no'n naramdaman ko na lang ang mga yabag na papalayo.

Pero walang sagot mula kay Mama. Tinapos ko na lang ang mga hugasin at naglinis ako sa kusina. Pagkatapos no'n umakyat na ako sa kwarto ko. Mamaya na lang ako pupunta sa poultry farm.

Pag-ibig Sa Magkabilang Mundo ( Engkanto Love Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon