Chapter 4

738 29 57
                                    

A/n: Hey guys sorry po kung ngayon lang ako nakapag UD. May mga problema kasi na dumating pero ngayon okey na.




Pagkatapos namin mag-almusal ay lumabas kami ni Ella at nagpunta sa swing para magpahangin.Si mama naman ay abala sa pagdidilig ng mga alaga niyang orkidyas. Daily routine na iyon ni mama. Ayaw niyang ipagkatiwala sa iba ang pag aalaga ng kanyang mga halaman. Lagi niyang sinasabi na ang pag aalaga ng halaman ay mabuti sa kalusugan ng isang tao.

Nakaupo ako sa swing at nakatingin sa malayo habang malayang pinakikiramdaman ang mabining haplos ng hangin sa aking balat. Sumagi na naman sa aking isipan ang mga nangyari kagabi. Hindi ko lubos maisip kung ano ang kahulugan ng panaginip na iyon at ang nakita kong napakalaking aso.

"Hey besty", Siniko ako ni Ella. "Parang out of this world na naman yan ah. Saang mundo ka ba nakarating?"

"Grabe ka naman. Tumingin lang sa malayo, out of this world na?" Sagot ko kay Ella. Ayokong malaman niya na gumugulo sa aking isipan ang nangyari kagabi. Masyado pa namang mausisa ang kaibigan kong ito.

"Para kasing ang lalim ng iniisip mo. Kasing lalim ng Pacific Ocean."

"Pacific Ocean ha. Itapon kaya kita sa Bermuda triangle. Gusto mo?" Nangingiti kong wika.

"Wag naman besty. Kawawa naman ako tsaka mawawalan ka ng kaibigan na maganda", wika ni Ella at nag puppy eyes pa kunwari."Wag ka ng magalit. Remember ang galit nakakapangit. Hehehe. Tsaka mamaya andito na yun."

"Sino?"

"Nagmamaang-maangan pa siya o. Sino pa nga ba kundi si Papa James. Pustahan tayo aakyat yun ng ligaw mamaya", wika ni Ella sabay sundot sa tagiliran ko. "Yiiiiiihhhh may manliligaw na siya." Tukso pa nito habang pumapalakpak na animo'y bata.

"Hindi kaya. FYI Ella, pupunta dito si James dahil ipagpapaalam niya ako kila mama para dun sa outing sa sabado." Inirapan ko si Ella. Sinundot ko rin ang tagiliran niya at nauwi na naman kami sa harutan at tawanan. Para kaming mga bata na walang alam kundi magsaya. Mga batang walang pakialam kung ano ang nangyayari sa kanyang kapaligiran.

Ilang minuto din kaming nagharutan nang maisipan na ring umuwi ni Ella kaya hinatid ko siya hanggang sa may gate.

"O besty diretso sa bahay ang uwi ha. Wag makikipaglandian kung saan saan", biro ko kay Ella.

"Opo inay", ganting biro nito.

Pagkaalis ni Ella ay pumasok na rin ako at isinara ang gate. Dumiretso ako ng hardin kung saan naroon si mama. Naabutan ko siyang nakatalikod at may hawak na pruning shear sa kanang kamay. Nakasuot siya ng bulaklaking duster na kulay berde. Mint green to be exact. Yun ang paborito niyang kulay. Bagay na bagay sa kanyang maputing kutis ang ganong kulay.

Sabi ng iba kamukhang kamukha ko si mama lalo na nung kabataan nito. Ang mga mata nito na medyo singkit, ang matangos nitong ilong, ang maputing kutis at ang mapupulang labi ay kuhang kuha ko daw. Sabi nila para daw kaming kambal sa unang tingin.

"O andyan ka na pala anak. Si Ella?"

"Kakaalis pa lang po. Tulungan na kita Ma", wika ko habang papalapit sa kanya.

"Naku wag na anak. Patapos na rin ako. Magpahinga ka na muna."

"Ang aga pa po Ma. Alas nueve pa lang. Ako na lang po ang magluluto ng tanghalian natin."

"O sige anak."

"Papasok na po ako", paalam ko kay mama. "Ay Ma tumawag po pala si James kanina. Pupunta daw po siya dito mamaya. Okay lang po ba?"

"Oo naman anak. Anong oras daw ba siya pupunta? Tsaka bakit nagpapaalam pa siya. Lagi naman siyang pumupunta dito."

Si James pumupunta dito? Bakit? "Mamayang alas kwatro daw po."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pag-ibig Sa Magkabilang Mundo ( Engkanto Love Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon