Chapter 20

103 5 0
                                    

Abala sa paguusap ang mga myembro nang biglang nagsalita si Suho.

"Guys, matulog na kayo. Tumawag si manager. Kelangan ulit tayo ng 5am sa SMEnt. building. "

Natigilan silang lahat.

"Sige na. Matulog na tayong lahat." Ani ni Kris na syang nagpabalik sa realidad mg mga miyembro.

Kawawa naman tong mga lalaking to. Anong oras na pnakauwi pero kelangan agad nilang gumising ng maaga. Papasok na din sana ako sa kwarto ng biglang narinig ko ang tawag sakin ni Suho.

"Leighla..." Mabilis akong napabaling sa kanya. Lumapit sya sa akin.

"Lahat kami aalis bukas. Ikaw lang ang maiiwan dito, okay lang ba sayo?" Kitang kita na sa mga mata ni Suho ang pagod.

"Oo naman, walang problema." Ngiti ko sa kanya.

Nakita ko syang tumango at saka ako bumaling para buksan yung pinto.

"Sya nga pala. Wag kang lalabas ng bahay bukas hanggat di pa kami nakakauwi."

Bumaling ako sa kanya.

"Copy." Saka ako pumasok sa kwarto.

Wala na sila nang nagising ako. Kinapa ko ang cellphone sa tabi ko at nakitang alas nuwebe na ng umaga. Lumabas ako at pumunta sa sala. Napatingin ako sa kabuuan ng bahay. Sobrang dumi. Nagkalat ang mga tsinelas, sapatos at mga damit nila. Sobra siguro silang nagmadali kaya di na nakapaglinis. Kaya napagisipan kong ubusin na lang ang araw na to sa paglilinis.

Nagliligpit ako ng mga sapatos ng tumunog ang cellphone ko. Tumayo ako at kinuha ito sa ibabaw ng lamesa. Merong isang mensahe doon galing sa numerong di nakasave sa cellphone ko.

Unknown number:

"Hey. It's already 1 in the afternoon. Kumain ka na ba?"

Napakunot ang noo ko. Sino naman kaya to? Mabilis akong nagtype.

Me:

"Uh. Yeah."

Kahit ang totoo hindi pa. Napatingin ako sa orasan ng cellphone ko. Ala una na nga pero di pa din ako nagugutom.

Agarang tumunog ang cellphone ko.

Unknown number:

"Good."

Me:

"By the way, who's this?"

Naghintay pa ako ng ilang minuto pero wala na akong mensaheng natanggap. Nagpasya na lang ako na ipag patuloy ang paglilinis.

4pm na nang nakaramdam ako ng gutom. Dumerecho ako sa kusina at binuksan ang ref. Napansin ko agad ang isang lalagyan doon na may lamang pagkain. Kinuha ko iyon at agad na sinarado ang ref.
Saka ko lang nakita na meron palang papel na nakadikit sa ref.

"Wag papalipas ng gutom. Nasa ref yung niluto ko. Kainin mo yan. - D.O "

Napangiti ako pag katapos mabasa. Napagpasya kong sa sala na lang ako kumain at manood ng tv.

Nagindian sit muna ako sa sofa bago ko pinidot yung remote.

" Isang myembro ng sikat na boy group na EXO ang nakitang may kayakapang babae sa labas ng kanilang dorm."

Nanlaki ang mga mata ko habang ang palad ko ay nakatakip sa aking bibig. Nakikita ko ang sarili ko sa tv na yakap si Kai.

"Pero para sa mga fans dyan. No need to worry. Ayon kay Kim Jongin ang babaeng nakikita nyo ngayon ay kanilang katulong" tumawa pa ng mahina ang babaeng reporter. Natapos na ang video ng tumalikod na si Kai.

Oh my God! It's all over the news! Baka mapanood o mabalitaan ng parents ko. Habang hinihilot ko ang ulo ko biglang nagring ang cellphone ko.

Yeollie calling...

Sinagot ko ang tawag habang nakahawak pa din sa ulo.

"Hello" panimula ko

"Leighla lock the doors and also the windows" Agad akong napatingin sa pintuan.

"Nakalock naman yung pintuan and..." tumingin ako sa bintana at nakita ang mala bazookang camera na nakatutok sakin.

"Shit! " sigaw ko at agad na binitawan ang cellphone para takbuhin ang bintana at isarado.

"Leighla anong nangyayari dyan?"

Umaalingawngaw ang boses ni Chanyeol sa kabilang linya.

"Shit" mahinang mura ko at agad kinuha yung cellphone

"Ah nothing Chanyeol. Anong oras ba kayo uuwi?"

"Hindi ko pa alam. Pero baka umuwi kami mga 8"

"Hoy nagpapractice tayo dito tama na nga yang landian nyo. Tss" Rinig kong sigaw ni Kai sa kabilang linya. Tahimik lang akong nakikinig sa sagutan nila.

"I'm just checking her." Sagot sa kanya ni Chanyeol.

"Oh tapos na diba? Nakausap mo na. Come on nagpapractice tayo magkikita naman kayo nyan."

"What's wrong with you dude?"

"Uh Chanyeol. I guess you need to end this call now. Mukang busy kayo."

"Pero.."

"Don't worry Channy. Okay lang ako"

Narinig ko ang singhap nya bago sya nagsalita. "Okay"

"Bye. Ingat!" Masayang sabi ko.

"You too. Bye" at bigla nang namatay ang tawag.

Napasapo agad ako sa aking noo.
What if mabalitaan nila daddy? Siguradong papakuha agad ako nun.

Kinagabihan saktong patapos nako magluto ng nakarating na ang grupo. Agad naman akong nakarinig ng mga yapak papunta dito sa kusina.

Nilingon ko agad kung sino ang pumasok sa kusina. Agad na nagtama ang mata namin ni Chanyeol. Kitang kita ang pagaalala sa muka nya.

"I heard the news" panimula nya.

"Yeah. At sigurado akong makakarating to kila daddy" bumagsak ang mata ko sa mga paa ko. Nakwento ko kasi sa kanya yung arrangement na ginawa sakin ni daddy.

"It's alright i'm sure gagawan ng paraan ni manager hyung to."
Nanlaki ang mata ko.

"Alam nya? Kinwento mo?"

"Oo kanina lang. Sorry gusto lang sana kita tulungan kaya nakwento ko." Bigla nyang hinawan ang braso ko at hingit nya ako sa kanya. Kaya halos magkayakap na kami. Ang muka ko ay malapit na sa kanyang balikat. "Don't worry. Sya lang nakakaalam" at naramdaman ko din ang kamay nya na humahaplos sa aking ulo.

Nang kumawala ako sa kanya ay agad nakita ng mga mata ko si Kai na madilim  na nakatitig sakin.

Never Date a Korean Guy [EXO] (On Hold)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant