Waking up in the morning with a random text message sent to me. Hindi ko naman kilala ang sender since hindi naka phonebook ang number niya. Someone sended me a confession and I believe that it was for someone else. Hindi ito para saakin. Why? B-because the one w-whom confessed it was a... a-uhm? A g-girl. Oo b-babae! Alangan naman na ako eh babae din po ako! I'm Ella Fae Runez nga pala guys! Naniniwala sa kasabihang pangit man ang mahalin mo eh hindi mo pa rin magagarantiya na tatagal siya sayo! I thank you! Ay wait guys! Gusto niyo ba mabasa yong confession? Yes or No? If yes then type YES and send it to 222! Now na! Ay charrot! Osige ito na ang confession niyang na wrong sent:
Hi Crush! Im sure di mo ako kilala since di mo pa ako napapansin. I'm Princess Raine Dela Cruz nga pala, at your service! Handang magmahal at maging tapat sayo hanggang sa dulo ng mundo! Wala kang ikakatalo kung mamahalin mo ako! Sus! Ano pa ba ang hanap mo? Loyal, Mabait, Suplada ng onti, Maganda, Sexy, Cute, Gorgeous, Beautiful at iba pa! Bet ko baby yung eyes mo na magagandang klase ng brown. Lalo na pag nasisinagan ng araw eh ang ganda tingnan. Ang pula pula pa ng lips! Ansarap papakin! Tas yung ilong Matangos. Tas yung pilikmata eh mahaba. Tas yung katawan eh sakto lang at hindi hipon hahaha. Crush! Talagang inlove na inlove na ako sayo. Sa boses mo, the way ka kumilos, ang pagtrato mo sa mga tao sa iyong naka paligid. Sa pagiging mabuti mo at mabait kahit sa mga pulubi. Yung hinulagan mo ng pera yung pulubi na naka hilata sa may hagdan. Baby ang bait mo pala? Simpleng gesture lang iyon pero it means alot! Crush na crush kita! Mahihimatay ata ako pag kasama kita eh hahaha! Iloveyou crush! Chos! Pwede mo ba ako ma 'Iloveyou' back? Sobrang minahal na kasi kita from the first day I met you! Nung unang araw na nagka bangga tayo sa eskinita tapos nalaglag mo yung ID mo. Shet! Tinadhana ata tayo! Isipin mo sa ke ramiraming tao eh ako ang naka kuha ng ID mo? Oh diba fate?! Shet tas kainlove yung face mo sa ID bebe. Kahit na mukhang pilit yung ngiti mo na parang natatae ka eh okay lang. Makalaglag salawal naman actually bebe. Wag ka mag alala at inaalagaan ko naman ng maayos yung ID mo. Kainlove ka talaga bebe ko! Pwede ba tayo mag meet at ng maisauli ko itong ID mo? At syempre para makita ka rin. Ay bebe tinatype ko palang to eh kinikilig na akooooooo! Emeged! Ano ba bebe! Kenekeleg eke! Wala pa nga eh grabe na ang kaba ng heart ko! Shete! Otso! Nuebe! Gis! Hay kalurkey ites! Laglag na salawal ko sayo bebe! Jusmiyooo! Meet kita mamaya pag pasok mo sa school niyo ha! I'll be waiting sa front gate! Bye crush! Sayang naman yung three days na kasama ko ang ID mo. Okay lang basta maisauli ko na sayo at magkita tayo eh sapat na sakin iyon. Cant wait to meet you bebe!
At iyon nga ang naka saad sa text niya. Ewww! Hindi talaga yan para sakin no! Ano ako? Tomboy? T-bird? Bisexual siguro pwede pa since nagka crush na rin naman ako sa isang chick na nakita ko sa LRT. Hoy! Hindi siya yung simpleng crush ha or infatuation. Ilang gabi ko rin siyang napanaginipan no. Tapos kagabi napanaginipan ko siya na nakatayo somewhere. Ewan sa chick na yon! Sakit sa puson! Charut! Di ko pa makalimutan kahit na last week ko pa nakasabay sa LRT. Ganda kasi eh! Pula ng labi, maputi, Chinita tas mahabang buhok, Matangkad at sexy, Yung bewang niya na nakaka wow sa suot niyang uniform. She was wearing a long sleeves white polo with her red blazer, her fit red striped with white above the knees skirt and her black knee socks. Damn. Sino ba naman kasi nag imbento ng palda na highwaist tapos maikli pa sa tuhod plus yung black socks niya na hapit na hapit sa legs niyang makinis. Hay jusko! Uminit tukoy bigla! Kahit na ibigay ko yung one week allowance ko para lang makita yung babaeng yun! Ibibigay ko ng full yung 10,000 na weekly allowance na bigay ni Dad plus isa pang 10,000 na galing naman kay mom. Oh ano? Sino magtuturo sa akin kung asaan yung babaeng yun ha?! Chos! Kahit ibigay ko pa eh di ko rin naman siya makikita. Sa kalapad lapad ba naman ng Maynila eh buti sana kung kilala ng mga tao dito ang isat isa edi sana madali lang mahanap si crush! Pwede naman ako mag hire ng private detective but then ayoko itolerate kung ano man to. Baka kasi attraction lang. I'll just leave it to fate. Pag nakita ko siya then it means something. Anyways. Oh great! Thursday pala ngayon! SHIT! SHIT! SHIIIIIIIT! May morning practice nga pala ang soccer team! Damn! Maka ligo na nga!