Kabanata III

138 33 0
                                    

Naramdaman ko ang pag-ugong ng mundo. Hindi ko 'to ininda sapagkat alam kong nariyan ka.

Nahinuha ko na may nag-iba. Akala ko'y ayos lang ito hangga't hindi ikaw ang nagbago.

Ngunit mali ako ng akala.

Nanlilisik na kulay dugong mata ang kasalukuyang nakatitig sa'kin.

Ang maginoo at matalinong lalaking nakasap ko noong gabi lamang ay sumailalim sa ganap na pagbabago.

Habang pinapanood niya 'ko, hinihintay na kumilos ay iniiwasan ko ang tumingin sa kaniya, o sa babaeng kasama namin ngayon sa kusina ng bahay ng Ginoo, sa palagay ko, dahil sa mga karton na nakaharang sa bintana.

Tinutusok-tusok ko ang walang malay na pipino na nakahain sa plato ko kasama ng sinangag at itlog.

Kung makalalapit lamang ako sa kaniya, kung piliin lang niyang pumunta sa likod ko at hindi sa babaeng nakagapos sa upuan at lumuluha ng itim dahil sa eyeliner, hindi ang gulay na ito ang sinasaksak ko.

Nagkamali ako at napaangat ng tingin sa demonyo, ang sinag ng araw na tumatakas sa bintana sa kaniyang likod ay binabanghay ang kaniyang pigura. Bahagya siyang ngumiti na animo'y may naisip na kalokohan.

"Alam mo ba kung bakit hindi ka nakatali, Erica?" mahina niyang tanong. Ano mang gawin niyang pagbabalat kayo ay nakita ko na ang tunay niyang katauhan. Sa likod ng makisig na mukha ay nagtatago ang isang halimaw.

Nang magising ako ay binalot ako ng gikla. Wala na ako sa motel, napaliliguan din ako ng dugo at sa dami nito, na tantiya ko ay nasa apat o limang litro, hindi lamang hayop ang nagmamay-ari.

Tumakbo ako palabas ngunit nasalo ng Ginoo at dinala rito para mag-almusal.

"Para kutyain ako, na nagtiwala sa 'yo?" pakli ko. Tumawa ang Ginoo na tila nagbitiw ako ng biro at humawak sa balikat ng babaeng nasa harapan, habang ito ay nanginginig sa takot, nangungusap ang mga mata sa akin na gumawa ng paraan para kami'y makawala sa lungga ng leong kakain sa amin dahil nakasapak ang isang bola ng tela sa kaniyang bibig.

"Dahil may tiwala ako sa 'yo. Patunay do'n ang pagdala ko sa 'yo sa aking munting tirahan."

Itinaas niya ang isang puting papel. Sa harap nito ay may nakasulat na mga letra sa intrikatong paraan. Hinarap niya ang mga letra sa sarili para basahin, at nakita ko na nasa malalaking titik na nakasulat sa likod, The Judge. Tila naipit ang isang malaking tinik sa aking lalamunan.

"I find the defendant guilty..." Sumilay sa labi niya ang misteryosong ngisi. "Of thievery. She will therefore be subjected to rightful punishment."

Gumawa ng ingay ang babae na pinagbibintangang magnanakaw ng Judge, pumapalahaw na parang may gustong sabihin. Hindi natinag ang kompiyansa ng lalaki sa sarili sa kaniyang pagtayo nang matikas bago dahan-dahang maglakad paikot sa lamesa, papunta sa akin.

Sa gitna ng pag-alulong ng babae at mga yapak ng Ginoo ay naririnig ko ang malakas na pagkabog ng aking dibdib.

Katapusan ko na ba?

Humigpit ang pagkakahawak ko sa tinidor habang pinapanood siya.

"Anong kailangan mo sa 'kin?" nahanap ko ang sariling boses at nagsalita. Sa tanong ko ay napahinto siya sa paglapit at tinignan ako na tila ako ang pinakainteresanteng bagay sa silid na ito.

Gusto kong hukayin ang kaniyang mga mata gamit ang kutsara.

Tumalikod siya.

Tumalikod at bumalik sa babae.

Sinenyasan ko siya na 'wag mag-alala at siya naman ay tumango, kagaya ko ay hindi makatingin sa Judge nang hindi kinikilabutan. Nasa kamay ng lalaking ito ang humigit sampung buhay na kinitil niya.

Stockholm SyndromeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon