Chapter 20 - Comeback Home

161 19 54
                                    

[Kelly's POV]

Tatlong araw na ang nakalipas simula nung natanggap niya ang regalong libro na Yaoi Fanfic. At simula rin ng araw na yun, ewan ko ba pero parang nagiging weird siya, yung tipong tatawa siya tapos magiging seryoso ulit? Ganon.

"Tangina sino ba ang nagsulat neto?!" sigaw na naman niya habang hawak-hawak ang libro.

"Ano bang nangyayari sa kanya bff?"

Nakatingin lang kaming lima kay ChanChan nun at pinagmamasdan ang bawat kilos niya.

"Ay grabe napakalibog naman ng role ko dito!" maktol niya saka lumaklak ng orange juice.

"Hindi ko na siya gets, tbh." sambit ni Lay.

"As always naman ata Lay." pambabara ni Jongin sa kanya.

"Aba nagka-abs ka lang ginaganyan mo na ko? Ha. Baka nakakalimutan mong mas MAPUTI at gwapo ako kesa sayo."

"Tangina, walang usapang kulay dito."

BOOM.

"Ah! May naisip na ko!" biglang sambit ni Xiumin.

"Naks, may isip ka pala hyung?"

"Pakyu ka Baek. Pero may naisip talaga ako!"

"Ano ba kasi ang naisip mo?" -Lay

"Eh kung pumunta kaya tayo sa..."

"Saan? Nambibitin pa bwisit." inis na sambit ko.

"Sa simbahan." sagot niya saka pinagdikit ang dalawa niyang palad na parang nagdadasal.

"HAHAHA GAGO HINDI KA NA TANGGAP DUN!"

"HINDI KO TINATANONG ANG OPINYON MO!!"

"MANAHIMIK NGA KAYONG LIMA DIYAN MAY NAGBABASA RITO PUNYETA!" sigaw naman ni ChanChan.

"Ah ganun? Nagsisigawan kayo? Dorm niyo eh no? Grabe hiyang-hiya naman ako." sarcastic kong sabi.

"Sabi ko nga magsisimba na tayo."

"Hoy Chanyeol! Sasama ka?" tanong ni Jongin sa kanya.

"Saan?" sagot niya habang tutok na tutok pa rin sa binabasa.

Ano ba kasi ang meron sa lintek na libro na yan?

"Magsisimba kami."

"Ahh."

"Sama ka?"

"Ok."

"Tss, walang kwentang kausap. Kausapin mo nga yan Kelly." inis na sambit ni Jongin.

Hotdog ni Kris BenBen Yi Fan [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon