[Chanyeol's POV]
Bakit? Ano ba tong nararamdaman ko? Ang puso ko parang...ah basta! Yung pakiramdam na napuputangina ka na dahil ang bilis ng pagtibok? Aish makapagpa-check up nga bukas.
Napatingin nalang ako sa kisame at.....
--flashback--
"Oh bakit natahimik ka diyan? December na kaya bawal ang malungkot okay? Dapat chill-chill lang, tulad ko saka nandito pa naman ako eh hindi kit---"
"Tangina niyong lahat. Una, wala kaming pagkain dito. Pangalawa, hindi pa rin nakabalik sina Baekby. At pangatlo, HINDI NIYO KASAMA ANG HOTDOG KO. Kaya naman makakauwi na kayo ng matiwasay."
"KJ ka talaga no? Wag ka munang makiepal kahit ngayon lang, pwede?"
--end of flashback--
Oo nasaktan ako sa sinabi ni Kelly kanina pero totoo naman eh, EPAL lang ako sa buhay niya.
Pero kahit na. Tao rin ako, nasasaktan, nakakaramdam, at NAGMAMAHAL rin. Ganun na ba siya kagalit sakin para ipamukha na nakikisiksik lang ako sa buhay niya tulad ng pagtira ko dito sa dorm?
"ChanChan ano ba ang iniisip mo? So sinasabi mong nasasaktan ka dahil binabalewala ka ni Kelly at nalalamangan ka ng iba?"
HINDI.
Hindi pwede. Dahil una pa lang, may BenBen na siya saka may Sehun at Luhan pa tapos dadagdag pa ko? Aba napakaganda niya ata para pag-aagawan siya ng apat na lalaki. Putangina ina niya.
"Leche ano ba tong pinag-iisip ko?"
Tumayo na ko at nagbihis na. Wala naman akong magagawa dito kaya susunod nalang ako sa kanila dun sa mall. Mahirap na baka may mangyaring masama.
---
[Kelly's POV]
"Bili na tayo ng bubble tea, dali!" sabi ni Sehun habang tumatalon na parang bata. Ang QT QT niya talaga.
"Ikalma mo muna yang ano mo Sese, pasalamat ka nga wala kang dinadala diyan eh. Tingnan mo si Suho, halos magkadurog-durog na ang buto niyan dahil sa dami ng dala. Tulungan mo nga!" utos naman ni Kyungsoo, ang gilagid the second.
"Aish. Oo na. Hoy tanda akin na nga yan, baka hindi ka na tumangkad kasalanan ko pa." reklamo ni Sehun saka dinala ang dalawang plastic na may laman ng groceries namin.
Ano na kaya ang ginagawa ni ChanChan ngayon? Natutulog na kaya siya?
Yan kasi Kelly, napakatabas ng dila mo. Tss, sorry naman kung nabigla ako. KJ naman talaga yun eh pero hindi ko naman sinasadyang tawagin siyang epal.
Ampota ba't parang nakokonsensya ako?
"Kelly kung iniisip mo si ChanChan, sigurado akong okay lang yun. Si Chanyeol pa, sabihin na nating parati ka niyang inaaway saka binibiro pero mabait talaga yan. Alam mo ba na sa tuwing magkasama kami sa classroom at wala ka pa, parati ka niyang kinukwento sakin? "Grabe nakakapikon na talaga ang babaeng yun. Tawagin ba naman akong ChanChan?" "Hindi ko inakala na may mabait na side rin pala siya." Nung araw na nagkasakit siya. Alam mo bang ikaw ang iniisip niya? Hindi niya sinabi sayo na may sakit siya dahil ayaw niyang mag-alala ka at saktong araw na rin yun na mag-oovernight sila Baekhyun. Mabait talaga yun kaya ang masasabi ko lang sayo Kelly...kailangan mong pahalagahan ang mga taong parating nandiyan sa tabi mo saka isa kaya ako sa mga fan ng ChanLy love team no!"
BINABASA MO ANG
Hotdog ni Kris BenBen Yi Fan [EDITING]
FanfictionSa una pa lang, hotdog niya ang tanging habol ko. Yung hotdog niya lang talaga at HINDI SIYA mismo. Kaso putangina si Kupido eh, sa dinami-dami ng pwedeng pagtripan ako pa. Ako na wala nang ibang gusto kundi ang hotdog lang ni BenBen. Ako na nananah...