Two

16 2 0
                                    


Saoirse's POV

It's been a month after the incident about Gavin Santiago, para ngang nakakatakot na maging fan kasi baka pare-parehas lang sila ng ugali.

"Anak later na yung photo shoot mo para sa clothing line natin" yeah, heard it right we own a clothing line. Sikat ito all over the world.

"Yes mamey, noted" we're having our breakfast right now.

"My baka malugi tayo niyan" sabi ng kuya kong unggoy.

"Kuya wag kang epal. Mas sumikat ang business natin nung nagmodel ako ng mga damit natin" kapal ni kuya.

"Vyl anak, kailan ba kayo hindi mag-aaway ng kapatid mo?" Si dad hayss

"Dad binibiro ko lang naman po si baby eh. Kuchi kuchi ku" ginawa pa akong bata grabe.

"Ewan ko sayo kuya, inggit ka lang kasi sakin. Cause model ako" tinapos ko na lang ang pagkain ko at nag ayos na ng mga gamit ko para mamaya.

Nanood muna ako ng tv.

"Ladies and Gentelmen, let's all welcome Ross Vyke Garcia"  sabi nung host ng La Buzz. Lumabas na yung artista geapo naman siya at mukhang mabait. Wag naman sanang magaya sa ugali ni Gavin -_-

"So kumusta ang career mo ngayon? Dahil nga bago ka lang" kaya naman pala di ko kilala ay bago lang. Ako din bago, bagong fan niya chos hahahaha.

"Ayos lang naman po. Masaya po siya actually kahit pagod ako basta napapasaya ko po yung mga taga hanga ko" sabi niya sabay ngiti. Okay okay okay may kapalit na si Gavin xD

"Yan very good! Very charming. Sige lang pose pa" sabi ng baklang photographer sakin. Ang galing ko talaga. Clap clap for myself.

"Look Saoirse, you're so gorgeous talaga. Ikaw ang favorite kong model sa lahat" I know that already. Kapal ko jk hahaha.

Natapos na ang shoot nagtext ako kay mom na sunduin na ako pero hindi ang driver namin ang dumating.

"Myel! I miss you" pagkasabi ko non ay niyakap ko siya.

"I miss you too very very much. Let's have a date Siri" pagkasabi niya non ay pumunta na kami sa pinaka malapit na branch ng restaurant nila.

Pagpasok namin sa loob ay walang tao, bigla na lang may tumugtog na instrument.

Emegesh! I know this song. This is my favorite song. It's Dream by Baekhyun and Suzy. Eng sweet nemen nye.

"Lets sit down first" sabi ni Myel.

Nang makaupo kami ay dumating na ang pagkain namin.

"Sabi ko naman di ba? Babawi ako. Tsaka na lang yung kay Kyle hahaha" we ate our dinner then after that nagsayaw kaming dalawa.

"I really really really miss you Saoirse. I love you" after saying that he kissed my forehead.

I hugged him tighter "I love you my Hope" grabe baka mamaya niyan umulan ng mga langgam. Korny ko -_- btw Myel's full name is Myel Hope Gonzales, he's my Hope, cheesy ko grabe.

Papunta na kami sa sasakyan niya nang may naramdaman akong malamig sa leeg ko, kutsilyo.

Joke lang hahaha. Kinapa ko yun at tinignan it's a necklace. Hindi siya yung typical na kwintas yung pendant niya ay nakadugtong sa pinaka necklace.

"I chose this necklace na araw ang pendant cause you're my hope too, kasi kada gigising ako bagong umaga na naman ang sasalubungin ko at ikaw ang inspiration ko" napapaluha ako sa mga sinasabi niya.

I'm so lucky dahil ako ang minahal niya. He's every girls dream man. Ang perfect niya.

"Thank you very much Myel, you never fail to make me feel special" niya ako ihantid ay dumaan muna kami sa isang bakeshop at bumili siya ng cake para kila mommy. Buti mat bukas pa sa oras na to.

"Oh anak andyan ka na pala. Oh Myel andito ka din pala. Pasok kayo" salubong samin ni mommy.

Inabot ni Myel yung cake kat mom "sige ipapahanda ko lang to" agad ko namang pinigilan si mo. "Ma no need kakakain lang namin" ngumiti na lang si mommy then umalis.

Nagtagal si Myel ng mga ulang minuto then nagpaalam na din.

Kinabukasan niyaya ako ni kuya na mag-swimming sa clubhouse sumama ako at tinawagan si Hyacinth at pinapunta din dito. Di ko mayaya si Myel kasi back to work na naman siya.

"I used to bite my tongue---INA KUYAAAAAAAA!" BIGLA BA NAMAN AKONG ITULAK SA POOL.

"Hahahaha.... Saoir- hahahaha se hahahaha mukha hahahaha kang ewan hahaha" lagot ka sakin kuya. Nakita ko sa likod niya si Hyacinth habang busy si kuya sa pagtawa sinenyasan ko siya na itulak si kuya.

"Hahaha panget ni Saoirse hahaha--" di na niya natapos yung sasabihin niya kasi nasa pool na siya.

"Yan kabobohang taglay kasi" pangaasar ni Hyacinth kay kuya.

Umahon ako para puntahan si Kyle.

"Grabe naman Saoirse Dela Vega ang sexy mo dyan sa suot mo bongga!" Baliw talaga neto hahaha I'm wearing a black two piece na may cover up na see-through na nabasa dahil sa kuya ko.

"Ikaw din kaya ang daring grabe Red two piece" nagpose pa ang bruha. Hahaha.

Hay this week na ang 2nd anniversary namin ni Myel. Sana di siya busy sa araw na yun.

Bukas na ang anniversary namin pero wala pa din akong natatanggap na text or tawag galing kay Myel. Wag naman sanang magaya sa nangyari dati.

Flashback

Today is Myel's Birthday at pinaghandaan ko to. Nandito ako sa garden ng bahay namin naghanda ako ng dinner para saaming dalawa marunong naman akong magluto eh.

Niluto ko ang mga paborito niyang pagkain. Tinulungan din ako nila  mom , sa pagaayos ng garden nilagyan ko ang mga bushes ng Christmas lights.

8:16 pm na padating na siguro siya.





8:30 pm






9:00 pm wala pa din siya



10:27 ASAN BA SIYA?!

"Saoirse, ija bangon ka na 1:23 na ng umaga. Umakyat ka na da kwarto mo" gumising ako at naiyak na lang. Hindi siya dumating.

End of flashback

Ang sabi niya pumunta siya nang araw na yun sa Davao dahil nagkaproblema yung isang branch nila doon at nawala sa isip niya. Inintindi ko na lang siya pero sana wag na niyang gawin ulit.

Di naman siya nagpaparamdam kasi busy siya. Hay miss ko na siya. Myel is a perfect man but wala siyang time para sakin pero kahit papano gumagawa siya ng way para makabawi.

TruthWhere stories live. Discover now