Three

20 0 0
                                    

Saoirse's POV

*tok tok tok*

"Ma'am gising na po kayo kakain na po kayo ng tanghalian" bigla akong napabalikwas sa higaan kinuha ko yung orasan sa side table.

11:55 am DA HEK? Bat tinanghali ako ng gising?

"Opo manang bababa na" naligo muna ako tapos nagsuot ng short shorts tapos tank top.

Bago ako lumabas ng kwarto tinignan ko muna yung phone ko. Wala man lang siyang text kahit isa. Buti pa si Hyacinth.

From: Hyacinth

Ohmygosh! Congratulations sa inyong dalawa bestie!

Di siya nagpaparamdam. It's either nakalimutan niya or may surprise siya. Yeah cliche wala tayong magagawa.

"Oh Saoirse kain ka na dito baka maubos ko to" sabi ni kuya at pinaupo ako sa tabi niya wala na sila mom baka nasa trabaho na. Kumuha ako ng fried rice at bacon. Halos di ako makakain.

"Siri may problema ka ba? You can always tell me you know that right?" Pinatong ko ang ulo ko sa balikat ni kuya.

"Alam ko yung kuya wag kang mag-alala wala lang to" sabi ko nang malungkot.

"Saoirse kilala kita alam ko kung may problema ka o wala. Kuya mo ako. Yes inaasar kita, pero hindi ibig sabihin non ay di mo na ako makakausap ng matino" kuya lifted my head hawak niya ang baba ko at hinawi ang mga nakaharang sa mukha ko.

"Wag ka nang malungkot kung ano man yang nasa isip mo kalimutan mo na muna at kumain ka na" sinunod ko na lang ang sinabi ni kuya.

"Thanks kuya, so lucky to have you as my older brother" I kissed him on his cheek.

"Anong thank you ka dyan? Pagkatapos mo kumain maligo ka at ililibre mo ako ng pizza" ano ba naman yan pero okay lang sakin.

"Ahh ganun ba kuya? Sige babagalan kong kumain" ginagaya ko yung camel na ngumuya hahahaha kasi di ba mabag---

"KYAAAAH! PUT ME DOWN KUYA!" Bigla ba naman akong buhatin na parang sako.

"Ang bagal mo kasi diyan eh I'm craving for pizza na lil sis dun mo na lang ituloy ang lunch mo taralets" salamat at ibinaba na niya ako. Kinuha ko ang cellphone at wallet ko. Wala pa ding kahit anong text si Myel.

Sana naman wag niyang kalimutan.

"Mauna ka na Saoirse sa loob, park ko lang tong sasakyan. Maghanap ka na ng makakainan" walang hiya tong si kuya nagbait baitan para makalibre ng pizza.

Pumasok na ako sa loob, ang daming tao ah. Saan ba ako pupunta? Shakey's? Pizza hut? Yellow cab? Greenwich? Hayss sa Yellow Cab na lang gusto ko din ng pasta.

"Good afternoon Ma'am ano pong order nyo? Dine in or take out?" Namili muna ako ng pizza. Tsk.

"Dine in. Isang Bacon and Pepperoni large and Hawaiian large din. Tsaka pala Chicken Alfredo Pasta" nagbayad na ako iseserve na lang daw. Naghanap na lang ako ng upuan.

Napatingin ako sa may labas ang daming couples kaingget. Bat ba kasi walang alam si Myel? Nakalimutan ba niya talaga or busy siya? Wala na siyang time para saming dalawa.

Tinext ko na kay kuya kung saan ako pumunta. Maya maya ay dumating na siya. Ay wala kaming drinks.

"Kuya anong inumin gusto mo? Bibili ako sa Starbucks" nagisip muna siya ng matagal "hmm, ikaw na bahala" takte to pinaghintay ako.

Habang nakapila ako naisip ko yung mga moments na kasama ko si Myel.

Flashback

"Okay Siri dyan ka lang ako na ang oorder" andito kami ngayon sa Starbucks minsan lang to kasi lately nagiging busy na siya.

"Here you go" bigla niyang iniharap yung pinaglalagyan ng pangalan tsaka yung cake na binili niya.

"I ❤ U" yan yung nakalagay. Dun sa inumin ko ang "I" sa cake yung "❤" at sa inumin naman niya ang "U"

Fudge ang sweet niya grabe.

    End of flashback

"Uhmm miss? Yung order nyo po?" Bigla akong natauhan ako na pala.

"Ahh, dalawang Raspberry Black Currant Venti" gutom na ako -_-

"Name po?" Daming alama. Jk hahah

"Siri and Vyl" buti namam tama yung sinulat niya. Siri na lang ang simabi ko kasi baka mahirapan siya sa Saoirse as in Sirsya.

Kinuha ko na yung order ko. Bumalik na ako kay kuya. Sakto kakadating lang ng pagkain namin. Binigay ko na kay kuya yung inumin niya at ininom.

"T*ngina Siri ang asim nito"  buti na lang hininaan niya yung boses niya. Hahahaha grabe yung mukha ni kuya. Daig pa ang may constipation.

Kumain na lang ako ng pasta at di na siya pinansin pa. Nang matapos kami nag-gala muna kami ni kuya.

"Ah Saoirse may bibilhin lang ako sa hardware para sa sasakyan ko. Text mo na lang ako kung asan ka ha?" Tumango na lang ako at naglakad lakad.

Ano kaya kung bumili ako ng cake or ako na lang gumawa? Bibili na lang pala ako nakaktamad eh -_-

So bumili na ako ng cake actually it's an ice cream cake para maiba naman ang des---

"WHAT THE HELL?!" sa kasamaang palad nasa sahig na ang ice cream cake na binili ko.

"I am very sorry miss. Di ko sinasadya may humahabol lang kasi sakin" mahinahon ngunit naghahabol na hiningang page-explain sakin. Ano ba to magnanakaw? Bakit may mask? Yung katulad ng mask na ginagamit ng doctor pero tela yung kanya.

"Okay apology accepted, pero pwede bang paltan mo tong natapon na cake ko?!" Medyo inis na sabi ko sakanya. "Tsaka pwede bang tanggalin mo yang mask mo? Masamang tao ka ba?" Kunot noong tanong ko. "No I can't and I'm not a bad person. Tara na bibili na tayo ng cake mo. Sorry ulit" sabi niya at tingin ko ngumiti siya dahil naningkit ang mga mata niya.

"Oh eto na yung cake mo" inabot niya sakin dahil nag-insist siya na siya na lang daw ang bibili.

"Uhm thank you....." anong pangalan niya? "Ahhh I'm R-r-RV. You are very welcome and sorry again" problema nito? Why is he stuttering? Nilahad niya ang kamay niya at tinaggap ko.

"I'm Saoirse and wag ka nang magsorry aksidente lang naman yun tsaka eto oh may kapalit na" sabi ko sabay ngiti. Nagpaalam na ako sakanya at siya rin. Ang wierd ng mask niya. Biglang tumunog ang phone ko.

Kinuha ko agad ito at muntik pang mahulog sa pagmamadali dahil baka si Myel to.

1 New Message from Vyl Andrew Panget

Okay di si Myel -_-

From: Vyl Andrew Panget

Asan ka na? Tapos na ako bumili nandito ako sa tapat ng cinema.

Pagkabasa ko non ay pinuntahan ko na siya. It's already 3 in the afternoon.

"Oh eto kuya dalhin mo to para may mapala ako sa pag-gastos ko sayo kanina" nagpout lang siya.

Totoo ba to? WALANG PARAMDAM SI MYEL?! 2ND ANNIVERSARY NAMIN NGAYON. DI BA SIYA NAINFORM?

Umuwi na kami ni kuya at sabi ko sakanya di na ako makakakain ng dinner dahil busog pa ako. After ilang oras

11:59 pm



To: Myel

Hi! Didn't mean to disturb you. I just want to tell you this. Congratulations to us cause it's our 2nd anniversary.

  
            Sent!

TruthWhere stories live. Discover now