Chapter 1: Stumbled

16.9K 229 77
                                    

Snob Me Not by HaveYouSeenThisJerk



KRIIING!!

Tumunog ang bell hudyat na Lunch Break na. Kanya kanyang kuha ng mga gamit at bag ang mga bago kong kaklase at punta sa canteen sa baba. Matamlay kong kinuha ang bag at lunch box ko pati na rin ang sandamukal na folders ng requirements at labas ng pinto.

Ako nga pala si Mitch . Michelle Gonzales kung gusto mo pahabain xD Transferee ako dito sa St.Michael Academy na halatang private school. Sa totoo lang, di ko naman talaga afford pumasok dito sa mamahaling school na 'to. Biruin mo, tumataginting na 25k per year?! Eh ilang taon ko na yatang baon yun nung 1st year ako sa public school.Kaya lang ako nakapasok dito ay dahil natuwa sakin yung tito ko na nasa abroad at pinag-aral niya ako.

Pagliko ko sa dulo ng hallway pababa ng lobby 1, nabangga ako ng isang estudyante. Nalaglag lahat ng gamit ko pati na rin ang lunch box ko. Buti na lang at lock-and-lock yn kaya hindi natapon yung ulam kong Nilagang Baka. Dagdag skandalo pag nagkataon.

"Miss, ayos ka lang?" Tanong ng nakabangga sakin.

Lalake. Buo yung boses pero malamig pakinggan. Parang sanay na sanay sa falsetto. Di ako tumigin. Naiilang kasi ako pag may kausap na hindi ko kilala, lalo na lalake. Yumuko para pulutin ang mga nalaglag kong gamit per naunahan niya ako at naianot na niya ito sakin.

"Miss, eto yung mga gamit mo oh. Sorry nga pala ha."

Di ko sinasadyang napatingin ako sa kanya nang inabot ko ang mga gamit ko.

Parang huminto ang oras ng mga sandaling nagtama ang aming mga tingin. JOKE ! Wala namang ganun eh xDD Hindi ako malandi pero parang Nagskip ng isang beat yung puso ko. I gasped involuntarily. He has these bright brown eyes that shimmer with the faintest light. He smiled. I felt my knees buckled.

"Miss, isara mo yung bibig mo. Baka pasukan yan ng kung ano."

What the ?! Gwapo sana pero mukhang masyadong presko. Tinalikuran ko siya at nagmamadaling bumaba sa lobby 1.

" Miss ! Wait lang!" Narinig kong tawag nung guy na nakabangga sakin. Di ako lumingo at binilisan lalo ang paglalakad. Buti na lang at maraming students sa baba at nakaharang sa daan. Sa dulo ng lobby 1, nakita ko ang restrooms. Dumiretso ako dun para maiwasan yung humahabol sakin.

Pagpasok sa cr, pinatong ko yung mga gamit ko sa lababo na nandun. In fairness, ang linis ng cr dito. Pwede kayang matulog dito? :)) Nang inaayos ko na yung mga gamit ko, napansin ko na wala dun yung phone ko. Aish >.< Di yun pwedeng mawala. Pagagalitan ako ni mama . Kakabili lang nun eh, mawawala lang.

Hala, hanap mitch. Pero wala talaga.

Lumabas ako ng cr para tignan kung naiwan ko sa room.

"There you are!" Yung boses na yun >.< Akala ko ba tumigil na siya sa pagsunod?. Tss.

Lumingon ako sa likod para tignan yung nakabangga sakin. Natulala na lang ako. Kasi naman! Bakit na ang gwapo netong loko na 'to ?!. Nakasandal siya sa pader at nakapamulsa. Tumindig siya ta lumapit sakin. When he was inches away from me, he fumbled inside his pockets and showed me something.

Teka ! Phone ko yun ah. Sinubukan kong agawin sa kanya pero tinaas niya yung kamay niya para di ko maabot. Tumalon ako pero di pa rin abot. Ganun ba ko kaliit? 5'4 naman ako ha. Anuh bang height neto? >.<

"Ano bang gusto mo? Akin n a nga yang phone ko."

Di sya sumagot. Sa halip ay nginitian niya ako at tuamlikod papunta ng canteen.

"Follow me." Narinig kong sabi niya.

--

To be continued. Bukas na po yung update :)

Snob Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon