Chapter 13: Confused

2.7K 106 19
                                    

Chapter 13: Confused

---

Author’s Note:

At dahil lalabs ko kayo. may update kahit nganga na ko sa finals. Tapos naman na magreview eh. Edi update na lang kahit papano :) Enjoy ! ^__^

---

( Kyle’s POV )

Matagal nang nakatulog si Michelle pero di pa rin ako dalawin ng antok. Ewan ko ba. Pero parang ang hyper ko netong hapon. Dahil ba kasama ko tong transferee na ‘to? Aish. Di naman.

Naalala ko. Kaibigan ko na nga pala siya ngayon. Pero di pwedeng malaman ng ibang tao. Mahirap na. Baka dagsain ako ng fans ko.

FLASHBACK>>

After lunch ay pumunta kami ng barkada sa rooftop para magpahinga. Busog kaya masarap humilata sa couch. Tumugtog sila Xander at Liam samantalang si Vince ay abala sa pagbabasa ng bagong novel na bili niya. Weirdo eh. Pero astig yang kaibigan naming yan. Pag oras ng kagipitan sa exam ay maaasahan.

Di nga lang namin maintindihan yung mga binabasa niya. Oo marunong kaming lahat mag-english. Pero di namin kaya magbasa ng 1k pages na novel. Aish. Book nga sa history  na napaka nipis eh nakakatamad na basahin eh, yun pa kaya.  

Ako naman ay nakaupo lang sa couch at tumitingin-tingin techno magazine. Parang gusto ko magpabili ng bagong camera kay mama eh. Kaso wala naman sila. Nasa business trip.

Nahinto kaming lahat sa mga ginagawa namin nag bumukas ang pinto ng rooftop at sumilip ang isang babae na ayaw ko sana makita.

“Ate Ivy!” Sigaw ni Xander sabay lapag ng gitara at lapit kay ate.

Si Xander ang pinaka close kay ate. Dahil na rin siguro si ate ang nagturo sa kanya maggitara. Pero minsan naiisip ko may gusto siya kay ate. Yung tingin eh, malagkit na.. Basta! Yun na yun. Minsan pag nahuhuli kong ganun sya makatingin kay ate, binabatukan ko . Pampakalma ba.

“Hi guys!” Masayang bati ni ate.

Ano namang meron at nandito sya? Tss. Last time na pumunta sya dito nasermunan ako eh. Kaya as much as possible, ayoko na nagkikita kami.

Kinuha ni Xander yung handbag ni ate at pinatong sa couch. Tinapik pa yung paa ko na nakapatong sa coffee table.

“Huy, tanggalin mo nga yang paa mo dyan.”

Ay, lokong bata ‘to ah. Napaalis pa ko sa pwesto ko. Sipsip kay ate masyado.

“Ate Ivy, upo ka oh.” Pagyaya ni Xander kay ate.

“Oh, thanks Xander.” Sagot ni ate kay Xander sabay kindat.

Loko ‘to si ate.. Pati bata tinatalo. Si Xander naman halos himatayin sa kilig. Kalalakeng tao kinikilig. Buti pa ako hindi. Bwahahaha.

Umupo si ate sa tabi ko habang si Xander naman ay naupo sa arm ng couch sa tabi ni ate. Si Liam ay nanatiling nakaupo sa kanilang couch habang inaayos yung pagkakatono ng gitara. Kanina pa sila kanta nang kanta, wala pala sa tono yung gitara. Kaya pala ang sakit ng tenga ko. Si Vince naman ay di natinag sa pagbabasa niya.

“Bakit ka nandito?” Tanong ko kay ate.

“Ang warm naman ng welcome mo sa sarili mong ate.” Sagot ni ate sabay pout.

Tss. Akala naman niya madadala ko ng pag-pout niya. As if.

Nagulat ako nang hampasin ako ni Xander ng magazine sa ulo. Aray ko naman. Kahit naman gwapo nasasaktan.

“Huy! Ganyan ka ba talaga kahit sa ate mo?” Tanong ni Xander.

“Oo eh. Wla kang magagawa.” Iritang sagot ko kay Xander.

Snob Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon