Chapter 24: Twisted

1.7K 99 18
                                    

Chapter 24: Twisted

Matapos naming iwan yung dalawang babae ay bumalik na kami ng Snob Prince sa bus. Nakaakbay pa rin siya sakin kaya di ako mapakali habang naglalakad kami. Sobrang nag-iinit din yung mukha ko at alam kong namumula na ako ng sobra. Di dahil sa init ng panahon ha. Basta, alam niyo na yun!

Paakyat na kami nang masulyapan ko yung mukha ni Kyle. Nakangiti siya sa kawalan habang humuhuni ng kanta. Di ko alam yung kanta pero nagandahan ako. ganun ba kapag inlove? Teka, erase! Di ako inlove. Di pwede.

“Oh, akyat na. Hintayin ko lang sila Liam.” sabi ni Kyle at saka niya tinanggal yung pagkakaakbay niya sa akin. Sumunod naman ako. Mabuti na ring makalayo sa kanya kahit sandali para makahinga ako nang malalim at makapag-isip.

Pagdating ko sa upuan ko ay nakakita ako ng nips, kulay orange yung container. May note din sa upuan. Umupo ako at binasa yung note: 36 yan. Bayaran mo mamaya pag-akyat ko.

Sumilip ako sa bintana at nakita ko si Kyle na nakikipag-kulitan kay Liam. Nasa likod niya si Liam at nakapulupot yung braso ni Liam sa leeg niya. Mock wrestling. Tawa naman nang tawa si Kyle habang kinukunan sila ng pictures nila Xander at Bliss. Si Vince naman ay nakatayo lang sa malapit at nakangiti sa kanila. Ewan ko kung san na napadpad yung babaeng kasama ni Liam kaganina.

Naisip ko tuloy. Kung hindi lang sana nangyari yung insidente sa rooftop, edi sana kasama din nila si Jiro ngayon na nagkukulitan. Lima silang magkakabarkada dati, apat na lang ngayon. Makikita ko kaya silang magkakasama ulit? Nagkukulitan, masaya, at walang pakialam sa sasabihin ng iba…

---

“Oh, bakit di mo kinain ‘to?” tanong ni Kyle nang makaupo na siya. Umaandar na rin yung bus. Masikip yung dinadaanan namin ngayon. Di tulad kaganina sa expressway. Madami rin kaming kasabay na sasakyan kaya madalas na pahinto-hinto yung bus.

“Wala akong pambayad e.” sagot ko habang nakatingin pa rin sa labas. Ganito pala dito sa Cavite. Madami ding tao at parang laging fiesta sa dami ng palamuti sa daan. Napapangiti ako habang naiisip ko na nagkakaganito lang sa Manila kapag pasko o kaya pag may okasyon.

“Tanga ka ba? Tingin mo talaga pababayaran ko sa’yo yan? Dali na, kainin mo na .” sabi ni Kyle at saka iniabot sakin yung nips.

“Maka-tanga naman. Matalino ka?” natatawa kong sabi sa kanya. Binuksan ko na rin yung nips at saka kumuha ng isa.

“Oo. Top 2 nga ako last year e.” mayabang na sagot ni Kyle. Kinuha niya sakin yung nips at saka kumuha/binuhos sa palad niya. Andami makakuha e.

“Weh. Top 2 lang? Sino yung top 1?” curious kong tanong sa kanya at saka ko kinuha pabalik kyung nips. Tutal binigay niya naman na sakin e.

“Sino pa nga ba? Edi si Vince. Oy wag mong ubusin.” sabi niya at saka inagaw yung nips. Binuhos niya ulit sa palas niya yung laman at nang ibalik sakin ay wala ng laman.

“Akala ko ba bigay mo ‘to sakin? E bakit inubos mo?”

“Kasalanan ko bang ambagal mong kumain ha? Hayaan mo, bibili kita ng isang box niyan. Tignan ko lang kung di ka magsawa.” yun lang at nagsuot na siya ng shades at umayos ng pagkakaupo. Mukhang matutulog.

Di ko na lang pinatulan at baka masira pa yung mood niya. Tinuloy ko na lang yung pagtingin-tingin sa labas ng bintana. Nakakatuwa talaga dito sa lugar na ‘to. Andaming tao at saka may nadaanan pa kaming parada,mga santao yata yung iginagala. Ang cute tignan :)


“Bakla ka ba?” naitanong ko bigla sa kanya.

“Ha?! Bakit mo naman nasabi?” gulat na tanong niya.

Snob Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon