Chapter 2- PAST

410 15 1
                                    

This chapter is dedicated to @kikaychuchu.

Jessi POV

"I love you Jessi! Kahit ano at sino kapa, ipagmamalaki kita! MAHAL NA MAHAL KITA!"

Tila nagulat ang dalaga sa sigaw ng isang lalaki habang siya ay papalakad sa kanilang campus.

Grade 10 ang dalaga sa paaralang Don Antonio Lee Integrated School o mas kilalang DALIS.

Nagulumihanan siya at hindi alam kung ano ang kanyang gagawin sa ginawa ng kanyang nobyo.

"Bes! Una na ako! Bago pa man makalapit yang si Joshua. Ayokong masama sa kahihiyan niyo!" Sabay tawa ni Cheska.

"Osige Bes! Ingat ka pauwi ha? Text mo ako kapag nakauwi kana." paalala ni Jessi.

Tumango lamang ito at umalis na.

Lumapit ang binata at akmang bibigyan na niya ito ng yakap ngunit sumenyas si Jessi na "tumigil."

"Hi Babe!" masigasig na bati ng binata.

"Pede ba Joshua! Ano nanaman tong pakana mo?" Ani Jessi.

"Gusto ko lang malaman ng buong campus na Akin ka lang at wala nang iba."-Joshua.

Napa-ismid ang dalaga sa sinabi nito.

"Alam mo! Gutom lang yan! Halika na nga at kumain na tayo." -Jessi

11 months na nanligaw ang binata upang makamit niya ang matamis na "Oo" ni Jessi.

Legal din itong nanliligaw, kaya masaya sila sa tuwing magkasama sila.

Hindi nila kailangan magtago kagaya ng iba.

Desididong-desidido talaga ang binata. Kung ano ang sinasabi nito, talagang pinaninindigan niya.

Papunta sila sa parking lot ng paaralan dahil nandun ang sasakyan ni Joshua.

"Nga pala babe. Saan mo gusto kumain?" tanong ni Joshua.

"Kahit saan basta yung makakatipid tayo. Please lang Joshua! Sinasabi ko sayo. A! YO! KO! sa mamahalin na Restaurant kung saan mo ako dinala dati. I swear, hihiwalayan talaga kita kapag dinala mo ako ulit sa kahit anong mamahalin!" Banta ng dalaga.

Paano ba naman kasi, gusto ni Joshua na maging espesyal ang pagsagot ng dalaga sa kanya. Kaya dinala niya ito sa Five Star Restaurant.

Pumasok muna sila sa sasakyan at nagsimula na magsalita si Joshua.

"Awww! Gusto ko kasi maging espesyal ang lahat. Malay mo diba? Anytime soon, magbago isip mo at sasagutin mo na ako. Isa ang araw na iyon sa mga hindi ko makakalimutan! Sobrang saya ko nun dahil akala ko noon magiging pinagtakluban ng langit at lupa ang araw ko. Pero kabaligtaran pala." Magana nitong sabi habang binabalikan ang nakaraan.

Labis ang pag ngiti ng dalaga sa mga kwentong kanyang naririnig.

Dahan-dahang lumapit ang mukha ng binata.

Pumikit ang dalaga at naramdaman niya ang pagdampi ng mga labi ng kanyang nobyo.

Nakaramdam ng libu-libong boltahe ang dalaga sa kanyang buong katawan. Tila nakuryente ito dahil bago lamang siya sa mga ganitong bagay.

First Kiss.

Gumalaw ang labi ng binata at mabilis na napaurong si Jessi dahil sobra-sobra na ang mga pangyayari na kanyang nakakalap.

Lust, Love is like a DrugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon