Chapter 13

316 8 2
                                    

Nandito na ako sa school. As usual sa tambayan namin. Hindi pa nag bebell. Kasama ko ngayon sila Annika and Julyn.

"Nagawa niyo na ba yung assignments natin sa math?"

Tanong ko. Actually tapos ko na. Ang tahimik lang kasi nila. Kaya ako na nagsimulang magsalita. Nakatitig lang sila sakin ng meaningful kanina pa.

"Bakit?"

"Ano nang nangyari sa inyo ni Aldwyn?" Tanong sakin ni Annika

Sus yun lang naman pala eh. Kaya pala kanina pa sila tahimik at nakatitig sakin. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila yung naging surpresa sakin ni Aldwyn. Maraming kaechosan yang dalawang yan eh.

"Ahh yun ba? Wala. Sinurprise niya lang ako."

"WHAT?!"

Sabay pa sila. Juice colored. Sabi ko di ko sasabihin eh. Ano ba naman tong dila ko may sarili ata tong utak eh. I'm sure tatadtadin nila ako ng tanong.

"Anong nangyari?"
"Tinanong ka na ba niya kung pwede ka nyang maging GF?"
"May nangyari ba sa inyo?"
"Maganda ba yung surprise niya?"

"STOP!!"

Sabi ko na nakataas pa talaga yung dalawa kong kamay. Sabi na eh. Maraming tanong yang dalawang abnormal na yan. Sila pa ba? Eh number one super baliw slush abormal yang dalawang yan.

"Pwede isa isa? Kita niyong isa lang bibig ko eh."

Tinarayan lang nila ako. Hmm! Nako! Ano ba naman kasi tong bibig ko!

"Ano na ngang nangyari?" Sabay pa silang dalawa tapos hinihila pa yung laylayan ng uniform ko.

"So yun na nga ti-"

*Ring ring*

Oops! Bell na. Tumawa ako sa kanilang dalawa at naglakad na papuntang room. Sumunod na rin silang dalawa. Halata sa mukha nila yung inis at the same time yung galit sa nagbell na yun.

"Naku! Sarap sabunutan nung nagbell na yun!"

"Sarap pa kamo ipahostage!"

Rinig kong sabi nila sa likod ko. Hahaha laughtrip talaga mukha nila.

"Hoy Laine! Di ka pa tapos saming dalawa!"

Sabi ni Julyn at nakapasok na rin kami ng room. Kasunod lang ng pagpasok namin yung teacher namin.

¤¤¤

Haay salamat break time na. Grabe ang bilis ng oras. Makapunta nga muna ng cafeteria. Yung dalawang baliw na maganda na mana sakin? Ayun iniwan ako. Baka nasa cafeteria.

Habang naglalakad ako nagulat ako ng may umakbay sakin. Pagtingin ko si Kian pala.

"Oh Kian? What's up? Hinahanap mo partner mo?"

I asked and I looked at him. Hmm. Nagbu-blush si KOYA! Hahaha.

"Laine naman eh. Grabe ka naman. Porke umakbay sayo at sumabay hinahanap agad si Annika?"

"Bakit? May sinabi ba akong pangalan? Wushu!! Napapaghalatan ka. Hahaha! Nasa cafeteria nauna na sakin. Sabay na tayo pupunta din ako eh."

Tumango lang siya at nakarating na rin sa cafeteria. We saw Annika and Julyn sitting on the round table. Mukha silang busy ah? Di man lang kami napansin na paparating, nagkukwentuhan ata.

"Hey girls!"

Bati ni Kian at umupo na kami. Saka lang nila kami napansin nung tinawag na sila.

"Anong pinagkukwentuhan niyo?" Takang tanong ko. Ang seryoso kasi nila.

We Will Meet Again (JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon