"My Only You" - Chapter 1

8 2 0
                                    

First day of class ni Danielle sa isa sa mga kilalang University, first year siya sa kursong BSECE. Six pa lang ng umaga ay gising na siya dahil alas syete y medya ang una niyang klasi. Kinakabahang papasok siya sa unibersidad dahil hindi niya alam kung saang building siya pupunta. Wala siyang kakilala rito maliban sa kanyang pinsan na iba ang rin ang kursong kinuha.

"Miss!" Napalingon siya kahit hindi sigurado kung siya ang tinatawag. Isang magandang babae ang nakangiti ang tumawag sa kanya. "Alam mo ba kung saang room ito? Hindi ko kasi mahanap eh." Ipinakita nito ang admissions slip sa kanya kung saan nakasulat ang mga subjects at designated rooms nito.

She shook her head and smile. "Sorry miss kasi hindi ko rin alam eh. Hinahanap ko rin yan."

She smiled. "Really? Classmate pala tayo. By the way, I'm Sam, Sammantha Perez" pakilala nito sabay lahad ng kamay nito.

"I'm Dan, Danielle Lex Rodriguez" sabi niya habang tinatanggap niya ang palad nito.

Masaya siya dahil may nakilala na siyang bagong kaibagan. Magaan na ang loob niya rito kahit ngayon lang niya ito nakilala.

"Wow, pareha pala tayong panlalaki ang pangalan ah." puna nito habang nakangiti. "I'm sure na magkakasundo tayo. Halika na nga, sabay na tayo sa paghahanap ng room natin baka malate tayo" anyaya nito at sinang-ayunan naman niya.

"Sam, iyon ata ang classroom natin." sabi niya sabay turo.

"Oh, thanks God at nakita na rin natin. Kakapagod kaya maghanap."

"Oo nga. Halika na, baka nandyan na ang professor natin."

"Wait!" pigil nito sa kanya. "Hihintayin ko muna ang kuya ko, susunod nalang ako."

"Ha? May kuya ka dito?" gulat niyang tanong.

"Oo. Nakakatawa ka naman para kang gulat na gulat na may kapatid ako ah!" natatawang sabi nito.
"Hindi naman. Kasi kung may kapatid ka dito bakit hindi ka nagtanong sa kanya kung saan ang room mo?" paglilinaw niya. Napansin niyang nagulat ang magandang nitong mukha sa sinabi niya pero deneadma nalang niya ito .

"Oo nga ano? Well technically, we are not living on the same roof kasi nandoon na siya nakatira sa condo unit nito. Hindi ko na kasi natanong sa sobrang excited ko na pumasok sa school." paliwanag nito. "Oh my, bakit 'di ko 'yon naisip?" sabi nito.

Natawa siya. "Ahh, kaya pala."

"Sam!" tawag ng isang tinig na nagpalingon sa kanila.

"Kuya!" sagot naman ni Sam. Habang paparating ang lalaking sabi ni Sam na kuya nito ay tinitigan nya ito. Hindi maikakailang kapatid nga ito ni Sam dahil pareho sila ng mga mata. Gwapong-gwapo ito tingnan sa suot na tshirt lang at pantalon. Matangkad din ito na akalaing mong basketball player. Hindi niya maitago ang paghanga niya rito pero pinigil niya ang sarili. Naglakas loob siyang tingnan ito nang mabuti dahil hindi naman ito tumingin sa kanya. Mas gumwapo pa ito nang nakita niyang ngumiti ito. Hindi niya napaghandaan ang pagtingin nito sa kanya at alam niyang huling-huli siya nito na nakatitig. Nahalata siguro nito ang pamumula niya kaya tumingin uli ito sa kapatid.

"Here!" sabi nito sabay lahad ng pera kay Sam.

"Oh! thank you kuya" nangingiting sabi ni Sam sabay yakap sa kapatid. "Thank you for waking up early. I forgot to bring my wallet because I'm so excited here in the University. And I missed you na. hehehe!"

"Sus, hindi ka rin bolero ano! Kung hindi rin lang kita namiss ay 'di ako nagmamadali na pumunta rito" sabi naman nito na may ngiti sa labi.

"Oh, by the way kuya, this is my new friend" nahihiyang sabi nito kasi parang nakalimutan ata na andyan siya. Pero nakita niya sa mga mata ni Sam ang kislap nito na parang may ibig sabihin pero di na nya 'yon pinansin.

My Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon