"My Only You" - Chapter 2

8 0 0
                                    

MAKALIPAS ang ilang araw mula noong may nakaaway siya ay tuluyan na siyang hindi pinansin ni Dean. Nalaman nalang niya kay Sam kung bakit inaway siya no'ng babae dahil ex-girlfriend ito ng kuya niya. Galit ba si Dean sa kanya? Ay ewan! Pinagtanggol lang naman niya ang kanyang sarili sa bruhang ex nito.

Hindi na niya ito inisip sapagka't naging abala siya sa paparating na pre-midterm exam at abala rin siyang nagtatry-out ng volleyball sa engineering team. Natanggap agad siya sa team dahil sa matangkad nga siya at magaling siya pagdating sa larong ito. Hilig na niyang maglaro ng volleyball simula noong bata pa siya. Naging varsity player pa nga siya noong highschool pero hindi na siya nag-apply bilang varsity player ngayon sa college.

Isang hapon ay nasa library sila ni Sam upang magreview ng kanilang mga exams.

"Hay naku Dan ha!" wika sa kanya ni Sam. "Magtatampo nako sayo dahil parati kang busy. Wala ka nang time sa 'kin. 'Di mo na nga 'ko sinasamahan sa mga meetings natin eh. Nagtatampo na rin ang mga kuya natin dahil hindi kana sumasaglit sa tambayan natin" mahaba-habang litanya sa kanya ni Sam na parang nagtatampo nitong sabi.

'Kuya' ang tawag nila sa mga kabarkadang lalaki dahil mas matatanda ang mga itong nang apat na taon. Ang tinutukoy nitong barkada ay 'yong mga barkada nang kuya nito. Naging close niya ang mga ito dahil na rin ni Sam.

"Sorry na Sam" sabi niya na may lambing. "Sige, babawi ako sa inyo, promise. Busy lang talaga ako ngayon kasi pre-midterm na natin at palagi lang kaming nagpapraktis para sa intrams." Nakangiti na siya.

"Naku! sabi mo 'yan ha" paniniyak nito. "By the way, this coming Saturday ay birthday na ni kuya Jonas" pag-iiba nito. Tukoy nito sa isa sa mga barkada nila. "Magtatampo na talaga 'yon kapag hindi ka dadalo" dagdag pa nito.

"Shoot! Wala na naman akong praktis ngayong Saturday at wala na tayong exam" sabi niya. "Kaso wala akong kotse ngayon eh. Hiniram ni kuya kasi sira 'yung sa kanya, sa Linggo pa makukuha" paliwanag niya.

"Susunduin nalang kita sa bahay niyo Sam" sabad naman ni Sherwin sa kanila na hindi nila namalayan ang pagdating nito.

"Naku, ba't ba palagi ka nalang sumasabad at nanggugulat?" Natatawang biro niya.

"O hayan! Wala ka ng problema Dan" tudyo ni Sam sa kanya. "Mabuti nalang at dumating ka" nakangiti nitong sabi. Bumaling naman ito okay Sherwin.

"Oo nga, tamang-tama ang timing mo" segunda naman niya. "At may driver na ko."

"Eh kung sinagot mo kasi ako ay araw-araw may magsusundo sa'yo" biro naman ni Sherwin.

"Eh hindi ka nga niya gusto. Napakaplayboy mo kasi, lahat nalang yata ay pinapatulan mo." sabad naman ni Sam. Tumawa sila dahil nakita nila ang reaksyon ni Sherwin na parang nasasaktan.

"Ouch! Grabe ka naman Sam, baka maniwala sa 'yo si Dan. 'Wag mo nga siyang i-brainwash. Siguro Nagseselos ka 'noh?" ganti naman nito.

"Teka pakurot nga sa mukha mo" sabi nito at kinurot nga nito ang pisngi ni Sherwin. "Ang kapal talaga!" inis na sabi ni Sam.

Ssssshh! sita sa kanila ng librarian dahil napalakas ang kanilang tawanan.

SABADO NANG UMAGA.

Good mood siya ng magising dahil natapos din ang exams nila. Dali dali siyang naligo at pagkatapos ay tumawag siya kay Sam dahil magpapasama siya para mamili ng ipanreregalo niya kay Jonas. Sumang-ayon naman ito dahil bibili rin daw ito ng ipanreregalo. Susunduin nalang siya nito dahil nga wala pa siyang kotse.

Nagpunta sila sa Power Plant sa Makati dahil malapit lang ito sa kanilang condo unit ng kuya niya. Nang makarating sila sa mall ay naglilibot muna sila bago bumili ng ireregalo nila. Habang naglalakad ay may nakita silang isang boutique ng mga damit at pumasok sila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon