4 years.
Wait. Hindi lang pala 4 years.
4 years and 6 months.
Tama. 4 years and 6 months kami.
Ganun kami katagal ni Mark. My ex boyfriend.
Pano nga ba kami nagsimula?
4th year college na kami nun. Interns na, actually. We were both assigned in the same hospital at first time ko siyang nakita sa orientation namin nun ever in my whole college life.
OA ba? Ewan. Maybe because sobrang daming students sa school at di naman ako ganun ka-friendly like others na may kakilala pa sa ibang department. Saktong estudyante lang ako. May iilang friends na kahit konti lang, alam ko namang totoo sakin. Kaya din siguro when I met him for the first time, my heart skipped a beat at dun ako naniwala sa sinasabi nilang love at first sight.
Yes. Na-love at first sight ang lola niyo. Ay wait, scratch that. Na-"crush" at first sight lang muna pala. Sobrang crush ko siya nun, orientation palang. Ang gwapo niya kasi tapos ang puti pa. At ang smile.. Nako! To die for! Tingin nga ako ng tingin sa kanya nun e at syempre assumera ako kaya iniisip kong tinitignan niya din ako.
Nung nag-start na ang internship namin (MedTech students kami), hindi pa kami close nun. Nahihiya naman kasi akong lumapit at sunggaban siya agad. Baka matakot sakin. Kaya hinintay ko na lang na tadhana ang gumawa ng paraan.
At ayun, nang dahil sa tadhanang yan, heto ako't basang-basa sa ulan. Walang masisilungan. Walang malalapitan.
"Ma'am Sam, mamayang 7pm yung treat ko ha? Wag kang mawawala dun."
Ma'am Sam?
...
Ay! Nasa school nga pala ako ngayon! Kasi naman 'tong si Ria tanong pa ng tanong tungkol sa past e.
"Ah, sige po Ma'am Faith. I'll be there." Inayos ko na ang gamit ko para sa next class. Lunch break pala, kung saan-saan na tumakbo 'tong isip ko.
And yeah, you heard it right. Professor ako sa isang university. Registered MedTech ako pero napili ko munang magturo. Na-inspire kasi ako sa favorite professor ko nung college e.
Teka, nasan na ba yung folder ko?
"Kasi naman Ria e, bakit mo pa inopen yung topic." Kasi naman every break time kung ano-anong napag-uusapan namin.
"O akala ko ba naka-move on ka na? Isang taon na ang nakalipas di ba? Don't tell me mahal mo pa rin yung bugok na yun?" Tinignan ko lang siya. Napakadaming sinasabi ng babaeng 'to. Pasalamat siya close kami.
"Sino bang may sabing mahal ko pa siya? Hindi na nga di ba? Lagi niyo na lang kasi akong tinatanong tungkol sa ex ko. Remember, 4 years kami nun e. And 6 months. Kahit ba 1 year na ang dumaan, di pa rin ganun kadaling makalimutan yun." Nakita yata ni Ria ang pag-iiba ng mood ko kaya lumapit siya sakin at niyakap ako.
"Sorry na Sammy. Ewan ko ba. Nakakainis talaga siya. Bakit kasi mag-popost pa ng ganun. Bugok siya! Buti na yun sa kanya." Talaga 'tong si Ria. Kahit naman ganyan siya, love ko siya.
Pareho kaming Prof dito sa isang kilalang university sa Manila. Almost 3 years na kami dito at since college, best friends na kami. Kaya naman affected din siya ng mag-break kami ni Mark.