"Hi Ma!"
Greet ko sa kanya pagdating ko ng bahay. Hay nako, naglalaro na naman sa iPad niya. Si mama talaga, adik na adik sa Cooking Fever at Candy Crush. Hanggang ngayon ba naman!
At aba, dumaan na ko di man lang ako pinansin. Wait nga..
"May pizza pa naman akong dala pero iaakyat ko na lang sa room ko. Dun ko kakainin.." Tinignan ko kung anong gagawin niya at ayun! Biglang napatayo! Hahaha!
"Hi anak! Bat ka kakain sa taas? Dito tayo kumain dali." Sabi ko na nga ba e. Kunwari pa 'tong si mama.
"Talaga naman. Kung di ko pa sinabing pizza di niya ko papansinin." Binaba ko sandali yung bag ko at umupo sa may table.
"Sus ito namang anak ko. Alam mo naman pag naglalaro ako.. Hihi! Nga pala, may sinabi sakin ang ate mo. Nakita mo ba yung post ni Mark?" Hanggang dito ba naman yun ang topic?
Uminom na lang ako ng tubig na binigay ni mama. "Di ko nakita Ma pero sinabi na sakin ni Ria the moment na pumasok ako ng school."
"Ah oo! Tinawagan din ako ni Ria kanina at nako! Inis na inis talaga kami sa lalaking yan." Ramdam ko naman yung inis ni mama.
"Ma, hayaan na natin. Wala na tayong magagawa dun. Yun yung pinili niya e. Okay na ko. Masaya na ko." Tinignan ko si mama at ngumiti. Totoo naman 'tong sinasabi ko, ewan ko lang kung maniniwala sila.
"Alam ko naman yun anak. Sige na nga tama na! Kain na lang tayo. Namiss ko 'tong pizza!" Si mama talaga. Basta pizza, game na game.
"Sige Ma, kain ka na muna dyan. Or better, hintayin mo na si papa nagtext siya sakin e pauwi na daw siya."
"Ay bakit di man lang nagtext sakin si mylabs? Tampo na ko.." Ay pabebe na naman nanay ko! Hahaha!
"Ma naman! Sige po akyat muna ko. Maliligo na ko at malapit ng mag-7." May dinner pa pala kami at di ako pwedeng ma-late. Lagot ako kay Ma'am Faith.
Pagpasok ko ng kwarto, humiga muna ko sandali. Ahhhhh, namiss ko 'tong kama ko!
*kriiiiiiiiing kriiiiiiiiing*
Ay! Nag-riring pala phone ko. Nasan na ba?
Ayun! Kasi naman single kaya kalat kalat lang ang phone..
Calling.. Ria Alva
Ang bruha pala ang tumatawag..
"Hello?"
"Hello Sam!"
"O bakit?"
"Nakabihis ka na ba?"
"Di pa. Maliligo palang ako."
"Hay nako! Ang tagal mo naman Sammy.."
"Aba! Sino po kaya ang susundo sayo?"
"Ayyy.. Hehe! Joke lang girl! Sige take your time. Text mo ko pag papunta ka na ha?"
"Ayan magaling! Hahaha! Sige text na lang kita. Bye!"
"Bye Sam!"
Binaba ko na ang phone at dumiretso na sa CR. Maliligo na nga ako.
After 2 days..
Joke! After 30 minutes natapos din akong maligo. Ano kayang susuotin ko?
Mag-dress na nga lang ako. Nakakatamad mag-mix and match. Ayoko ding mag-make up so lipstick na lang. Red lipstick nga ako tonight. Wala lang! Feel ko lang.