13

13 2 1
                                    


"Thank you for being with me Jagi~~"

————————————————

Dear bias,

You're always welcome :)

Lol. Yan nasa taas ang sinend mo naman sakin sa mydol app. Kinilig ako, enebeh. Simula ngayon, yang laging naka quotation sa una ang pinagsesend mo sa mydol!

Medyo badtrip ang asawa mong librengtasa (korni ㅋㅋㅋㅋ) kasi ang dami kong nakikitang nagtitinda ng maraming mga merch sa maraming lugar. Pero lishi! Sa lugar namin wala! Katarungan! Diskriminasyon! Lol.

E kasi kapag online, ang mamahal ng mga shipping fee ㅠ.ㅠ hello~ wala ako sa manila e sadlayfeu.

Money, i need money~

Message ko sa mga nagtitinda ng merch worldwide:
Mga ate't kuya, ples wag niyo pong taasan ang presyo ng bilihin, hindi po kami kamag anak ni suho. Mga potato fans lang po kami. Kailangan pa po naming mag aral ng mabuti, makapaggraduated at makakuha ng trabaho.

Isipin niyo po, kapag nag ipon kami ngayon bilang mga masasaya't inosenteng mag-aaral, wala na kaming panggastos pangkain. Kapag wala kaming pangkain ay magugutom po kami. Kapag nagutom kami, wala pong papasok sa utak namin. Kapag wala pong pumasok sa utak namin na lesson, wala kaming matutunan. Kapag wala kaming natutunan, hindi kami makakapag aral ng mabuti. Kapag hindi kami nakapag aral ng mabuti, babagsak kami sa test. Kapag bumagsak kami sa test, hindi kami makakagraduate. Kapag hindi kami nakagraduate, hindi kami makakahanap ng trabaho! Kapag hindi kami nakapagtrabaho, wala kaming pera. Kapag wala kaming pera, wala kaming pambili ng merch at food. Kapag hindi kami nakabili ng merch and food, mamamatay kami. Kaya po ples, tulungan niyo kami. Magkaisa tayo! Puso!

Wahahaya akala mo talaga hindi optional e. Lels. Haha sadyang gutom lang po, nag iipon e.

Buti na lang may Cna sa mall malapit samin e, kaya lang konting mga merch lang tinitinda dun •︹•

Nampyeon, penge naman ng album oh

Love,
Your Potato Anae chos

Dear BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon