"Angel, my angel~♥"————————————————
Dear Bias,
Aba, ginawa mo pa kong instant anghel mo. Pero kung sayo naman, why not? ;) WAHAHAHAHAHAGAHA
Tapos na test. Ez lang naman! Hahaha pero feeling ko talaga, wala akong alam kapag engrish owem aym so hangal sa engrish owmay. Sarreh bh3
Medyo badtrip ako, pano ba naman yung kaklase ko parang ewan, ang drama sarap supalpalin e. Tapos wala pa si chingu ko huhu absent siya.
Ganto kasi 'yan. Yung si classmate #1, nagmumukmok. Lumapit ako sa kanya kasi wala akong magawa, wala rin naman kasing pinapagawa samin kasi katatapos lang nung long test. Edi ayun, tinanong ko anong problema. Sabi niya yung mahal daw niya malayo sa kanya, namimiss na niya. Cinomfort ko siya, kasi naisip kita, LDR TAYO E WAHAHA. Nung tinanong ko kung nasaan yung mahal niya, aba't tumingin sa kabilang classroom at sinabing andun! Napawalk out tuloy ako.
At ayun bumalik ako. Kausap ko ulit si classmate #1. Hindi ko alam kung bakit, pabayaan na. Nagkukwentuhan na, nakamove on na kasi ako nun sa kadramahan niya.
Sabi ko sa kanya, buong araw tayo nagtititigan. Kinilig naman siya at nainggit, HA! Sabi niya san ka raw ba nakatira at buong araw tayo nagtititigan. And when reality hits me hard, sagot ko sa kanya "Sa dingding", i cri. At siya po ay tumawa. Ayun binato ko ng tissue, badtrip e. Kaya ayun, yung tissue na binato ko sa kanya binigay niya sakin ulit.
At sa wakas uwian na rin.
Medyo boring noh, pero pagdating ko sa bahay hayahay. Computer on, wifi on, spazzing na hayahay! Kaya happy na ulit ako :D
Love,
Your Cheonsa
BINABASA MO ANG
Dear Bias
FanfictionIto ang mga mensahe ng isang Fangirl kay Bias. I can relate You can relate Kpop fans can relate