Matapos ang tatlumpung minuto nakalabas na ako ng bahay. At eto nga. Pinapagalitan na ako ni Reign. "Why the hell did I come here to pick you up na ba kasi? I was supposed to be early you know. Huhu. It was supposedly my first time to be early in school yet you didn't make it happen. Waaaaa! Naiiyak ako. Ako pa naman Student Council Vice President. I should be a role model to every student!" Kung maka-role model naman 'tong bestfriend ko akala mo naman mabait siya. Ang sungit sungit nga eh.
"Look. I'm so sorry. And I think you picked me up because you care for me bitch!" I told her to piss her off. Totoo naman. Bakit niya ako susunduin kung wala siyang paki sa'kin? Hindi ko nga siya sinabihan na sunduin ako ngayon eh. Ang sweet ng bestfriend ko. Nakakatouch.
"Yeah whatever. Oh my gosh. Why are you wearing that err converse shoes!? That's so ridiculous! Change that. How many times have I seen you wearing that one? Come on!" Reign told me with a disgusted look. Okay. I haven't told you how mean she is. Nahiya naman ako sa black Jimmy Choo on the knee boots niya na may five inches pointed heels. Kaya dali-dali akong pumasok sa bahay at pinalitan ko na ang converse shoes ko. Isinuot ko yung gray Stuart Weitzman on the knee boots na three inches ang tangkad. Wedge naman siya kaya hindi sumasakit ang paa ko kapag ginagamit ko ito. Iniregalo ni Reign noong last birthday ko. Ang bongga. Ang Stuart Weitzman ay isa sa pinaka-expensive na shoe brand worldwide. Pati na rin yung Jimmy Choo. Ang taray ko na. Umi-Stuart Weitzman na rin ako eh. Hahahaha.
Lumabas na ako ng bahay. "Is this okay to you now?" I told her. Wala pang isang segundo nagsalita na siya. "Yes perfect! You don't look like an old fashion lady at all. Told yah. That Stuart Weitzman boots suits you well." I answered her naman. "Oh yeah. Thanks to you."
She's Reign Aphrodite Ferrer. 5'4 ang height. She's one of the richest students in our school. Pagmamay-ari ng kanilang pamilya yung mga Ferrer Mall. Nagkalat 'yon sa buong Pilipinas. May Ferrer mall sa Cebu, Pampanga, Ilocos Norte at marami pang parte ng bansa. Sakanila lahat yun. Ang yaman yaman grabe. Ang sarap ngang maging bestfriend niya eh. Kasi kapag may nagmo-mall show na sikat na artista sa mall nila, iniimbitahan niya kami nila Peyton.
Ang taray ng pangalan ano? Queen talaga eh. Reign na nga, Aphrodite pa. Nakakainggit din lovelife nun. Yung boyfriend niyang si Ryley Van Trevon, mahigit two years na sila. Kagaya ni Reign, sa mayamang pamilya rin siya nanggaling. Kilala rin siya kasi siya ang bass guitarist ng sikat na banda sa school, ang Willamette Stone. Ang haba ng hair ni Reign. Pero hindi literal na mahaba, short hair siya. Heartthrob ang mga miyembro ng bandang ito. Magbebestfriend silang lima. Ang swerte ko nga kasi jowa ng mga bestfriends ko mga yun. Haha. Kaya medyo close ko sila. Well, except for Redley. Huhu. T_T
And beauty? Hay. Isa lang naman siyang head turner. Well, lahat naman silang bestfriends ko. Siya ang rank three sa class namin. Syempre di nila ako matatalo. ^_^ Siya ay isang Journalist. Siya ang English Editorial Writer, maybe that's the reason why she's mean. She's good on stating opinions into such things. Siya rin ang vice president ng Student Council. She's also sarcastic. Kapag sinasabi niyang "Oh I like your bracelet." Ang ibig sabihin nun napapangitan siya. Para siyang si Regina George ng Mean Girls. Siya ay isang kontrabida. Pero hindi naman sa aming apat na bestfriends niya. Sa ibang tao lang. She's mean. Kapag nanlait siya parang tumatagos sa puso mo ang mga sinasabi niya. Minsan nga sinisita ko pa siya. Tinatawag ko siyang Regina.
"You're so mean you know that? You're a lot like Regina George. I wonder if kaano-ano mo siya." I joked. "Yuck. Will you please stop comparing me to that err Regina George thingy. I'm bitchier than her. Sakay ka na nga lang sa sasakyan." She said so I followed her and entered her Lexus car. Hay. Ang gara ng babaeng 'to. Ang mahal kaya ng Lexus na sasakyan. I wish I could be like her but it's quite impossible. Ako lang naman si Reece Heather Greenprice. Nothing special.
BINABASA MO ANG
He's Out Of My League
Подростковая литератураNasa kanya na ang lahat. Kilala siya sa school dahil heartthrob siya. Makikita mo na lang araw-araw na maraming humahabol sakanya. Mapababae man o mapabakla naiinlove talaga sakanya. Mayaman sila. And all those descriptions are the total opposite of...