Don't feel shy to vote, follow Author and to comment if you want author to update. Kekeke.
Abby's POV
Matapos uminit ng ulo ko dahil kay Sergei na yun, napag-isipan kong dumaan muna sa isang cafē na malapit dito sa school namin imbes na umuwi. Para naman makapag-palamig muna ako ng ulo.
Ugh! Hanggang ngayon di pa rin mawala sa isip ko yung kawalanghiyang ginawa niya. Seriously? Ano akala niya sa akin? Laruan para paglaruan niya dahil trip lang niya? Tsk. Di ba niya maisip na busy rin akong tao?
Actually, wala naman akong gagawin eh sa totoo lang. Pero kahit na! Nasayang ang mahigit 1 hour ko na oras ng dahil sa kanya! Alam naman pala niya yung mga rooms eh. Bakit kailangan pang i-tour? Imbes na busog na busog ako ngayon ng pizza sa restaurant ni kuya Mark, nandito ako ngayon sa cafē nag-mumukmuk dahil sa kanya. Tsk.
Pero bakit nga ba siya nagpa-tour kung alam naman pala niya? Matanong nga bukas. Psh. Yung tao na yun? Sasagot ng matino? Spell asa. Broadsheet ka Sergei Benjamin Dela Cruz!!!
Woah. Alam ko pala full name niya? Ugh! Buseeeeet!
Tumigil ako sa pagmukmuk nang mapansin kong may nakatingin sa akin.
Ohmygoodnessgracious! Nakakahiya!
Bumalik ako sa pagkain ng sandwich ko para takpan ang kahihiyan ko. Ugh! Abot langit ang kahihiyan ko ngayon! Waaaaaaah! Lupa! Kainin mo ako ngayon din!
Pasimple kong tiningnan siya uli, just to find out na nakatingin pa rin pala siya! Waaaaaaaaah!
Bumalik ulit ako sa pagkain ng sandwich ko, just to find out na ubos na pala siya. Mygosh! Naubos ata sa sobra kong pagkatense.
"Ikaw kasi Abby eh. May pamukmuk-mukmuk ka pang nalalaman eh alam mo namang public to diba?" (Inner self) Sorry na, okay?
*Chuckles.
Tiningnan ko siya uli. Nakangiti siya! Pero, more like an insulting smile to me.
Makaalis na ng-
"Uhm. Hi."
Natigilan ako sa pagkuha ng gamit ko nang may makita ako sa peripheral vision ko na may umupo sa harapan ko.
Dahan-dahan ko itong tiningnan.
G? Bakit?? Haaay. Oo! Umupo yung lalaki na yun sa harapan ko na nakahuli sa pag-mukmuk ko! Waaaaaaaaah!
"Uhm. Hello. Sorry but I have to go-"
"Ma'am here's your cookies and cream shake." Ugh! Kung minamalas ka nga naman. May inorder pa pala ako.
"Hihi. Sorry na. Nabitin kasi eh." (Inner self) Heh!
Linapag na nang waiter ang order kong cookies and cream shake. Pagkatapos, umalis na siya.
"O, aalis ka na? Sayang naman yung cookies and cream shake na 'to." Hinawakan niya yung baso kong may laman na cookies and cream shake.
"Hey! Don't touch that!" Tinabig ko ang kamay niya sabay kuha sa baby ko. Bumalik ako sa pag-upo. Baby Cookie. Okay ka lang? May humawak sayo na iba oh.
"Grabe ha. Overprotective? Tss." *Smirks.
"I don't like it when other people touch my food." I said and took a sip on my shake.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Tragedy
Teen FictionCan you believe that a tragedy can make you feel "the best"? That when that "tragedy" happens to you, you're going to thank for it, instead of regretting that it came to your life? Can you believe that a tragedy is actually a blessing from the skie...