Chapter One

36 1 4
                                    

~*~Althea's Pov~*~

Kring!!! Kring!!! Kring!!

Nagising ako sa lakas ng alarm kaya pinatay ko ito sabay tulog ulit . Ng maya-maya ay may naramdaman akong nag bukas ng pintuan ko.Hindi ko nalang pinansin dahil sa sobrang antok ko pa talaga ng biglang may kumiliti sa mag kabila kong tagiliran...

'' Kuya ano ba?! Hahaha ang aga mo namang manira ng tulog . '' ~ Sabi ko habang tumatawa

" Look Althea , It's Already 10:00 maligo kana at aalis tayo" ~ Sabi naman ni kuya na may halong pagkainis sa akin.

Nagtalukbong ako ng kumot at nag-isip ng plano kung paano matatakasan ang gala ni kuya. Pano ba naman kasi eh!! Hindi naman ako mahilig sa mga galaan kagaya ng kuya ko..... AHH!!! alam kuna... Kunwari papayag ako sa sinabi nya at may Simpleng Plano akong gagawin...

" Ano Althea bumangon kana" ~ mahina pero may diing sabi ni kuya.

"Ahmm sige kuya pero parang nahihilo ako"~pagkukunwari ko pa.

" Bakit???May lagnat kaba???"~tanong ni kuya

Syempre umiwas ako dahil pag-kinapa nya ang noo ko at hindi mainit automatic na isasama ako nyan baka masira ang plano ko mahirap na...

"Hindi kuya wala to"~ sabi ko sa kanya

Ding Dong~ Ding Dong~

"Oh andyan na pala mga tropa ko bilisan mo ahh. Sure ka na ok kalang???"~~sabi ni kuya na may halong pag-mamadali

Ngayong wala na si kuya sisimulan ko na ang plano ko. Hindi nako maliligo kasi I'm 100% sure na matutupad ang plano ko. Idadahilan ko nalang na nag blower ako ng buhok. Agad akong nag punta sa gilid at isinaksak ang blower at tinapat ko sa muka ko para uminit ng konti. Nag suot ako ng dress at nag bagpack nalang ako tsaka tsinelas lang kasi simple lang ako...

~*~After 10 minutes~*~

" Althea tapos kana ba?bilian mo naman dyan at bumaba kana"~~naiiritang sigaw ni kuya

~*~At the Living Room~*~

Pag ka baba ko nakita ko ang mga tropa ni kuya... Busy silang lahat pwera lang kay kuya ko. Andun lang ako sa harapan nila ng biglang nagsalita yung nasa dulo habang nakatingin parin sa cellphone na hawak nya.

" Nasaan na yung kapatid mong maganda ? "~~sabi nung isa sa tropa ni kuya.

" Ayan oh! Nasa harapan niyo na "~~ sabi naman ni kuya habang natatawa.

Napatingin sa akin ang lahat ng tropa ni kuya pwera lang yung isa na mukang masungit na naka headset.

" Pre eto na yung sinasabi mong kapatid mong maganda?"~ sabi nung kaninang nagtanong kung nasaan na ako.

" Bakit pangit ba sya?"~~ tanong ni kuya

" Miss ano bang tawag diyan sa soot mo?? "~~ tanong ulit nung ka tropa ni kuya.

" B-Bakit?! Hindi ba okay?" Tanong ko na may halong pag ka kaba.

" Mag ayos lang yang kapatid ko Diyosa na yan eh hindi niyo alam ang tunay na ganda nyan nakatago lang sa salamin "~ pagmamayabang ni kuya.

At natawa nalang yung nasa dulo ng sofa . At ito na uumpisahan ko na ang plano ko...

" kuya mainit ata ako kapain mo nga yung noo ko " ~kunwaring panghihina ko.

Sinalat agad ni kuya ang noo ko ... at nag panic ...siguradong magiging success din ang mga plano ko..

" Mainit ka Althea sabi mo kanina okay ka lang"~~ pag aalala ni kuya.

The Nerd And Her Crazy Suitor'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon