Sa lahat ng TORPE, ikaw ang PINAKA . (My SHY Prince)

243 2 7
                                    

Characters :

= Janna Chua Beltran

_ Juliene Palaez Cruz

- Maeleen Monreal Delos Reyes

~ Sam Ashlee Muñoz

> Alvin Sy Gomez

} Neil Diaz Saberon

+ Jeeno Palaez Benzonan

* James Nuñez Vilarde

Epilogue

Napansin niyo ba kung gaano na kagulo ang mundo ngayon ? Minsan hindi mo na maintindihan ang mga pangyayari .

Haaay naku ! Eto nanaman. Nag-uumpisa nanaman ang words of wisdom ng aming Filipino Professor.

Oo. Tama nga si Prof. Marami na akong hindi maintindihan sa mundo ngayon . Matalino ako pero naguguluhan na ako. Not on my lessons but on my life.

Kung sino 'tong panget, siya pang malakas ang loob na manligaw, mambabae, at magdulot ng heart ache . Kung sino pa 'tong panget, siya pang Heart breaker !

Ang mga gwapo naman nagiging bakla. Kung hindi bakla, TORPE ! Mahirap maging babae kung torpe ang lalaki . Hindi iyan basta-basta kanta lang . Natumbok lang talaga ng Parokya ni Edgar ang nararanasan ng mga babae .

At dahil naman TORPE itong si lalaki, ang rami nang malalanding babae . Oo, malandi ! Hindi kasi makapaghintay . Ang babae, dapat naghihintay, hindi gumagawa ng First Move ! Pero dahil hindi kaya ni boy ang first move, hala sige ! Si girl ang didiskarte .

Ang pangit na ng mga pangyayari.

Sabi pa nila, mahirap magkagusto sa isang gwapong lalaki, marami kang kaagaw .

Naku ! Ang mas mahirap, magkagusto sa isang gwapo pero tahimik, mahiyain at TORPE na lalaki .

Haaaaay ! Hindi mo malaman kung may gusto rin ba siya sa iyo o wala . Titingin nga pero hindi mo alam kung malagkit ba iyon o matalim .

Aaaaah ! Bakit kasi naging babae ako . Ang hirap magmahal kapag babae ka . Hindi siya 50-50 chance lang . 90-10 . 10 % sa babae at 90% sa lalaki.

Mas malaki ang chance na masaktan ang babae . Ang lalaki kasi pwedeng manligaw sa kahit na sinong mapusuan nila . Ang babae, kahit libu-libo ang crush ay mahina pa rin ang pag-asa dahil 'di pwedeng manligaw .

Sa panahon ngayon, uso pa ba ang MARIA CLARA na babae ? Nakakatakot mapaglipasan ng panahon. Ah basta ako, handa akong magmahal ng palit-ulit, masaktan ng paulit-ulit  basta maghihintay ako para sa taong mahal ko . Handa akong masaktan para sa taong mahal ko . At hihintayin ko siya no matter what .

Hindi ko alam kung hanggang kailan .

Tititgil lang ako kapag nag-asawa na siguro siya .

Martyr na kung Martyr .

Minsan na akong nagmahal at nasaktan .

Ngayon, maghihintay na ako sa tamang panahon para hindi na maulit ang nakaraan .

Maghihintay ako .

Sa lahat ng TORPE, ikaw ang PINAKA . (My SHY Prince)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon