Chapter Two (The encounter)

55 0 0
                                    

Ako nga pala si Janna Chua Beltran and I have this two bestfriends of mine . Si Juliene Palaez Cruz at si Maeleen Delos Reyes .

Funny part is ngayong college lang kami nagging magbestfriends. Galing kami sa iba't -ibang schools nung High school pa kami .

Galing akong Don Avila Girls High , si Juliene naman galing sa St. Theresa College at si Maeleen naman ay galing sa Gothong High School .

College na kami nabuo . We are so close na akala ng iba , since childhood ay close na kami . Akala nila galing kami sa iisang High School or magkakapitbahay pero hindi talaga .

Nagkasundo lang talaga kami kaya naging close agad . Pare-pareho ng gusto , trip at lakad kaya enjoy . Kung nasaan ang isa , andun ang lahat . Walang iwanan pero our friendship is not exclusive for us lang naman .

Marami kaming friends sa campus . Every college may mga close kami . Medyo kilala na rin kami sa campus . Ahaha ! Hindi naman mayabang ano ? Pero totoo yun !

Nakakatawa nga kasi akala ko magiging loner ako . Pero first day pa nga lang nun , masaya na and then nagging maganda naman ang relationship namin sa mga schoolmates namin .

At tsaka ganyan talaga 'pag Matalino . Maraming friends . ikaw lang kasi ang pag-asa nilang makapasa . LOL ! :D

Malakas rin kami sa mga tao sa palibot . I don't know if it's just maalindog kami o mga mababait lang talaga . ^_^v

Tama na nga 'to . Masyado na sigurong mahangin para sa inyo . :)

Mga sophomore kami . College of Commerce . First day of School . At last , nasa second year na rin kami . Naka-survive rin kami sa isang taon sa college . Two years to go and graduation na namin . Yehey ! q(^_^)p

Excited ? Matagal pa naman iyon pero wala lang . Excited lang . Weeh ! :D 

Pero dahil two years pa nga ang hihintayin , alets enjoy the moment muna .

Haay ! Enjoy ? Paano pa kami mag-eenjoy nito ?

One week na rin ang nakalipas nung nagkaroon ng back to school anniversary celebration ang school namin . After nun , nagging complicated na nag lahat .

Hindi na namin nagagawa ang mga ginagawa naming magkakaibigan noon .

Wala nang gimmick after class . Bahay-school , school-bahay . Ganun na for one week pero hindi naman kami grounded . :(

Ito kasing si Juliene , umiiwas dun sa pinsan niyang si Jeeno . Nagtampo kasi sa ginawa nung program proper . Hindi ko rin naman masisisi si Juliene sa pagtatampo niya kay Jeeno . Eh talaga namang may masamang epekto ang ginawa ni Jeeno . Akalain mo yun ? after nung program proper , parang may atraso na kami sa halos mga babae rito . Ang iba , tinatarayan kami kapag nagkakasalubong . Ang iba matalim kung makatitig tapos ang rami nang chismis . Galit sila kay Juliene kasi girlfriend raw siya ni Jeeno . Kami naman , napagkamalang girlfriend nung dalawa pang guitarist . Mga mang-aagaw raw kami .

Hello ? Kami ? mang-aagaw ? Una sa lahat , hindi sila girlfriend nung mga guitarist . Pangalawa , ni hindi nga namin kilala ni Maeleen yung dalawa pang guitarist at pangatlo , pinsan ni Juliene si Jeeno . Kaya , grr ! Nakakimbyerna nga naman . Pakiramdam namin , may mga death threat na kami eh .

At dahil palagi kaming magkasama nila Juliene , kapag iiwas si Juliene , damay rin kami sa pag-iwas kay Jeeno which is weird .Wala namang ginawang mali sa amin si Jeeno para iwasan namin siya ni Maeleen . Pansin ko pa nga dito kay Maeleen na kakaiba ang kinikilos kapag nakikita si Jeeno . Para bang . . . ah basta ganun !

At dahil hindi nga kami magkasamang buo , hindi na rin kami namamasyal ni Maeleen . Unfair din sa part ni Juliene kung kami ni Maeleen nag-eenjoy tapos siya left alone . So heto , apart from each other muna kami .

Mag-isa lang tuloy ako ngayon . :(

Doon ako naglalagi sa garden . Nakikinig sa i-pod ko , nagbabasa ng lesson notes . After 5 minutes , naaalibadbaran na ako . Parang there's something moving around me .

Bzzzzz... 

Bzzzzz... 

Inalis ko ang earpiece ko and OH-MY-GOSH ! Beetle ! 

Bzzzzz... 

Bzzzzz... 

"Aaaaaah ! " napatili tuloy ako . 

Para akong loka-loka . Iikot , yuyuko , iilag tapos mangiyak-ngiyak na sinasabing 

"Stay away from me ! Aaaaaah !"

Wala akong pakialam . Kahit pagtawanan pa ako ng mga schoolmates ko . Takot ako sa beetles eh ! Lahat ng insekto ! Basta , pangalanan niyo na lahat ng may anim na paa pataas at lumilipad . Pati sa spiders , takot ako run !

Tili pa rin ako ng tili . My goodness ! Nakakahiya na 'to . Kinukumpas ko pa ang kamay ko sa hangin . Takot talaga ako as in ! Sa insekto lang nawawala ang poise ko .

Oops !

Napalingon ako sabay sabing "Sorry!" pero nakayuko at papikit .Takot pa rin kasi ako doon sa beetle . Pero wala na akong naririnig . 

"Huwag ka munang gumalaw miss" 

"huh ? Bakit?" nanginginig kong tanong . Naalala ko ang beetle ! Naging hysterical ulit ako . 

"Andiyan ba ? Alisin mo please !" nagmamakaawa at nanginginig kong sinabi . 

"Sshh! Sabing huwag munang malikot ." 

Naramdaman kong may kinuha siya sa ulo ko . 

"O ayan ! Wala na siya . Sa sunod kasi huwag mong ipakitang takot ka sa kanila . Mas lalapitan ka niyan sige ka . Tsaka 'wag ka nang tumili , mabubulabog mo ang ibang beetles ."

Ninerbyos pa rin ako . Pagdilat ko , wala nang tao sa tabi ko .

Pinagmasdan ko ang paligid . Wala palang masyadong tao . Puro babae naman . Kaunti lang ang nakakita sa akin . At least , hindi discouraging sa boys , Pero 'yung boses kanina . Sa lalaki iyon . Oo ! boy siya ! Bakit ang bilis niyang nawala ? Wala namang lalaki sa paligid . Sino kaya iyon ? Saan siya napunta ? 

Naalala ko ang boses niya . Malumanay , maginoo , malambing . Parang 'di sanay sa sigawan . Tipong pang mahiyain .

Naiisip ko , siguro payat siya . May pagka-genius tapos matangkad . Maputi and cute ang eyes . Tapos ang ngiti niya , pang close-up commercial ! haha ! Bigla akong napangiti . Kinikilig ata ako . Sino siya ?

Haaay ! Ano bang iniisip mo Janna ?

-_ "Janna !" sigaw nga pamilyar na boses . 

Paglingon ko sa may kaliwa nakita ko sila Juliene at Maeleen , tumatakbo patungo sa akin .

-_ "Ayos ka lang ba Janna ? hahh ... hahh ..." hinihingal pa nilang tanong . 

= "O? Anong nangyari sa inyo ? Bakit hinihingal kayo ?" tanong ko rin sa kanila . 

- "Narinig kasi namin ang tili mo . For sure , inatake ka nanaman ng insekto ." 

_ "Oo ! Nag-alala kami ng sobra sa iyo Janna ! Baka napaano ka na !" 

= "Over naman 'to ! Kung makapag-alala wagas!" 

- "Eh ikaw naman kasi ! Kung makatili ka rin wagas !"

Nagtawanan kaming tatlo . Buo nanaman kami . Ang saya ! :) 

= "Eh paano niyo nalamang nandito ako?" tanong k okay Juliene at Maeleen . 

- "Dito lang naman maraming insekto eh !" sagot ni Juliene . 

Oo nga naman pala .Garden ito eh . 

_ "Kasalanan ito ni Jeeno eh !" 

- "Ano ba Juliene ! 'wag mo namang sisihin ang pinsan mo . 'di niya hawak ang insekto noh!" 

= "Ano ba kayo! Tama na nga." Awat ko . 

Pero somewhat , may point si Juliene . This is Jeeno's fault . Kung 'di siya iniiwasan ni Juliene , 'di ako nag-iisa kanina at 'di rin ako inatake ng beetle . 

- "Buti naman tunigil na ang tili mo . Ano ? ayos ka na ba Janna ?" tanong ni Maeleen . 

= "Oo Maeleen . Ayo slang ako ." ... 

"Thanks to my shy prince." :)

Sa lahat ng TORPE, ikaw ang PINAKA . (My SHY Prince)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon