Chapter 10

13 1 0
                                    

SEAN?

"Pappsie?"

Napahinto kami ni Ken ng marinig namin ang boses na yun. Nakakahiya ang itsura ko, naka sandal ako sa ref nasa harap ko si Ken na hinahalikan ako at nakapasok ang kamay niya sa damit ko at ako naman na nakapalupot ang hita ko sa bewang niya.

"Pappsie" at tuluyan na kaming nagkalayo ni Ken at nagkatinginan kaming dalawa.

"Hmmm! Sean. What are you doing here?" sabi ni Ken na ilalabas si Sean sa kitchen kung nasan kami.

"I want water." sabi naman ni Sean.

"Ah.... Ken a-ano a-ko na lang kukuha ng wa-water." utal-utal kong sabi sa kanya.

Tumingin siya sa akin na namumula "osige. Sa living room kami."

"O-ok."

Napahawak ako sa table at napalunok ako ng bonggang-bonnga. Hindi ko maimagine yung itsura namin ni Ken ng makita kami ni Sean. Bago ako bumalik sa sala, inayos ko muna ang sarili ko at kumuha na ako ng tubig.

"Sean? Pappsie mo?" Tanong ko habang binibigay ko sa kanya yung water niya.

"Umakyat po kay Mommy." nakatuon lang ang mga mata ni Sean sa Cartoons na pinapanuod namin kanina.

"Ah ganun ba?" aakyat sana ako pero tinawag ako ni Sean

"Ayaw niyo na po ba manuod ksama ako Mammsie?" napahinto ako at napatingin sa kanya.

"Of course not. Akala ko ayaw mo na ako kasama." sabay umupo na ako sa tabi niya.

Unting oras lang nakatulog na si Sean sa lap ko. Anong oras na rin pala 9pm na rin. Naisip ko hindi ba marunong kumain ang mga tao dito? haha . Anyways! Inaantok na rin ako sinandal ko ang ulo ko sa sofa at nilalaro kung buhok ni Sean.

"Lucy?"

"Hmmm?"

"Nakatulog na pala si Sean. Akyat ka sana muna kay Lara gusto ka niya makausap."

"Ha?"

"Sige na. Isuot mo to, ako muna magbabantay kay Sean."

"Ah ok." kinuha ko na yung hospital gown at mask kay Ken.

*knock knock*

Binuksan ko ang pinto ng sabihin ni Lara pasok. Kahit naman ganito ang sitwasyon namin malaki pa rin ang respeto ko sa kanya.

"Lar's, kamusta?" sabi ko sa kanya na nakatayo lang malapit sa pinto.

"Lucy. Ang ganda mo naman. Mas lalo ka pa lang gumaganda." sabi niya sa akin na pinipilit niyang umupo sa kama niya. Nakahiga kasi siya.

"Wait. Tulungan na kita." sabi ko sa kanya ng makita kong nahihirapan siya.

"Nakakahiya sayo. Andami mo ng natulong sa akin. Pati itong simpleng bagay hindi ko pa kaya. Tinutulungan mo pa rin ako."

"Ano ka ba wala yun." sabay lumayo na naman ako sa kanya.

"Upo ka Lucy." sabi niya skn. Kaya umupo ako sa sofa sa gilid ng bed niya. "gusto ko sana magpasalamat sayo. sa lahat ng ginawa mo. sa mga gagawin mo pa lang, I thank you alot. Lalo na sa pag aalaga mo kay Sean, now alam ko na, na pwede ko na siyang iwan."

"Don't say that. Sean needs you."

"Hindi na niya ako kailangan ngayon Lucy."

"Ha?"

"Ikaw na ang Mammsie niya. Ikaw na ang hinahanap niya."

"Nagseselos ka?"

Tumawa siya "No, bagkus masaya pa ako. Ayun nga ang gusto ko eh mapalapit siya sayo. Kasi anytime iiwan ko na siya."

Till Death Do Us Part (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon