Chapter 11

9 0 0
                                    

Matapos yung kasal nila Gail nagdecide na kaming mag gala nila Ken sa Palawan since andoon na rin naman kami. Gusto niya rin daw kasing makabawi sa akin.

"Thank you for always taking care of me mahal. Akala ko susukuan mo na ako sa mga nangyari." Sabi sa akin ni Ken habang naka yakap siya sa akin. Nasa veranda kasi kami ng hotel sa reception ng kasal ni Gail.

"Wala yun! asawa mo ko Ken kaya dapat lagi lang akong nasa tabi mo."

"No, I know na marami akong pagkukulang sayo. Magsisimula pa lang nga sana tayo ito naman yung nangyari. Nagkaroon naman ng instant baby."

"Ken, ok lang yun. Tanggap ko si Sean and now alam kong sa atin siya la-laki."

"Of course! kasi sa atin na siya. I know kung nasaan man si Lara ngayon is happy siya dahil naiwan niya si Sean sa mga magulang niya."

"Ken, thank you and I'm sorry."

"Sorry? for what?"

"Sorry kasi naging childish ako sa relasyon natin. Hindi kita inintindi na nagiging isa pa ko sa pinoproblema mo. Hindi ko man lang naisip na asawa mo ko na ako dapat ang aalalay sayo."

"Babe, as long as I know your here kahit awayin mo pa ako ayos lang sa akin except na sasabihin mong hihiwalayan mo na ako. Ibang usapan na yun."

"Ken, do you still love me? kahit ganito ako sayo."

"Lucy, umpisa pa lang minahal na kita. It doesn't matter who you are all I know is I love you and I accept you kahit sino ka pa."

"Minsan Ken iniisip ko iwan kana lang habang tulog ka. Kasi lagi pumapasok sa isip ko na balang araw magsasawa ka rin sa akin. Iiwan mo rin ako at hahanap ng totoong babae."

"Lucy, oo inaamin ko nagkamali ako noon. Kaya nagkaroon ng Sean maybe good karma ko yun kasi tignan mo naman si Sean ang gwapo-gwapo nagmana sa akin pero you know what kahit nagkamali ako ikaw pa rin ang iniisip ko."

"Bola!"

"Totoo, kasi alam mo mahal kung hindi kita mahal sana si Lara na lang ang pinili ko at hindi ikaw."

"May possible ba?"

"Meron. Kasi nagka anak ako sa kanya, she can give me what I want but kahit ganun pa man ikaw lang lagi andito mahal."

Tinuro niya ang puso at isip niya "anjan ka lang palagi di na maalis yun kasi nagsumpaan tayo di ba? Ikaw lang ang mamahalin ko till death do us part."

"Ken, sorry kaya I try my best para baguhin ang sarili ko. I want to be a light in this house. Gusto ko matutunan kung paano maging asawa at ina."

Hinalikan ako ni Ken sa labi at niyakap.

"You never know how lucky I am to have you."

"Thank you for always making me feel so special."

"Special ka naman talaga eh!"

"Positive or negative?" tapos nagtawanan kaming dalawa.

"Do you believe in magic?" tanong sa akin ni Ken habang nakayakap pa rin sa akin.

"Magic? hindi."

"Bakit hindi?"

"Eh hindi ako naniniwala eh."

"Bakit hindi ka naniniwala eh na magic mo nga ako."

"Ano?"

"Magic."

"Hay! ewan ko sayo Kenn."

Till Death Do Us Part (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon