The Revenge is Mine (M.G.A.)

132 2 4
                                    

The Revenge is Mine

-White Dash

              M.G.A.

Ako si Athena Paragoso fourth year student. Nagmahal, nabigo, at MAGHIHIGANTI. Minahal ko naman siya dati pero, ewan ko! Bigla siyang nagbago at iba na ang pagtrato niya sa akin. Una ko siyang nakita sa tricycle, weird no? sa tingin ko nga kaya rin weird ang relationship namin. Ok balik tayu dun. Pogi naman siya at magara magdamit . Nakaka-inlove siyang titigan, parang he has the moves like jagger at gusto ko nang magpaturo pano magdougie. JKLng. Gusto ko lang tumawa. Haaay! Buti nalang at isa lang school naming at blue ang cord ng i.d. niya! Ibig sabihin, pareho kaming fourth year! OMG! Pero sa tingin ko, hindi na kami magkikita dahil halos tatlong taon na ako dito eh, ngayon ko lang siya nakita. Think positive gurl! Nasabi ko nalang sa sarili ko habang naglalakad sa hallway. Late na yata ako at kailangan ko nang bilisan

Phew! Maaga pa ako! Sa next subject at nagkatao na may mahirap na assignment. Haay.  Mag-isa lang ako ng naka-upo sa garden ng Fourth year bldg.

Kring! Kring! Kring!

Sus! Andun nasanaang moment eh! Nasa climax na ako ng pagsagot eh tumawag pa ang gaga.

Hello gurl?

Oh, Ano?

Ahm, pwede favor?

Ano na naman?

Gawan mo naman ako ng…

AHHHHHHHHHHHHHH!

Tumingin lahat sa akin dahil sa pagkalakas ng sigaw ko.

Gurl? Ano nangyari sayo? Ni-rape ka ba?

Gaga nakita ko si M.G.A.!

Huh? Sino ba yan?

Bagong crush ko, nakita ko kanina sa tricycle! Sa tingin ko transferee. Ang gwapo niya talaga gurl!

Oh! Sige sige malapit na ako. Iniintriga mo ako. San ka…

- CALL ENDED-

Di ko na siya pinatapos, ang ingay kasi. Nagkita kami ulit ni M.G.A. Sana maulit pa ito! Ang guwapo niya talaga!

KRIIIIIIIIIIING!

Tapos na ang klase namin at pauwi na kami ni Yasmien, ang gaga.

“Pabili po ng turon, isa at isa pong juice. Eto po bayad.”

Madaming tindahan dito sa school naming.AngInternationalSchoolfor the Arts. Oo, sa sining. Madami naman akong talent pero mahilig talaga akong kumanta. Kaya sa Vocals ako pumasok, pero ang gagawin pala ay tumugtog ng mga instrumento na pinapatugtog gamit ang hangin. Buti nalang at huling taon ko na ditto. Si mama kasi gusto talaga na dito ako, pero sulit naman at nandito naman si M.G.A.!

Gurl sino ba si M.G.A.?

Ahh. Yun? Di ko siya kilala kaya nga M.G.A. tawag ko.

Eh, Ano ba ibig sabihin ng M.G.A.?

My Guardian Angel. Alam ko kasing pinadala siya ng langit at ako’y paiibigin.

Ang baduy mo te!

Baduy na kung baduy basta ang gwapo niya talaga!

        -ITUTULOY-

The Revenge is Mine (M.G.A.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon