Chapter 8

0 0 0
                                    

Dave's POV

Andito ako ngayon sa isang carshop kung saan binili ni lolo itong kotse ko. Kailangan kasi itong i-check after maabot ang unang itinakdang kph na natakbo niya.

Habang tinitignan ng crew ang kotse, naupo muna ako sa isang upuan. Naisip ko si Gwen at ang plano niyang magtayo ng sarili niyang business.

Naguguluhan ako sa sarili ko. Hindi dapat ako nalulungkot at dapat nga matuwa pa ako para sa kanya dahil magagawa na niya ang bagay na magpapasaya sa kanya.

Siguro nalulungkot lang ako dahil kung sakaling matuloy yung business niya ay hindi na kami laging magkasama sa trabaho. Malalayo siya sa paningin ko at mababaling sa business niya ang atensiyon niya.

Pero kung ano ang magpapasaya sa kanya ay masaya na rin ako at kailangan ko siyang suportahan dito dahil mahal ko siya at hindi magtatagal magiging asawa ko na siya.

Naisip ko na ring maging sosyo kami sa business na itatayo niya kaya lang hindi ko rin naman maiwanan ang business nila Lolo Carlito at Lolo Ricardo? Oo nandyan nga ang Daddy ni Gwen, pero bilang representative ni Lolo Ricardo, kailangang mag-stay ako roon.

Pasado alas onse na nang matapos i-check yung kotse. Matrapik pa para umuwi at isa pa ay nagugutom na rin ako kaya napagpasyahan kong pumunta muna sa pinakamalapit na mall para doon kumain.

Ang daming tao sa mga fastfood chain dahil nga magtatanghalian na. Nakasilip ako ng restaurant na may bakanteng lamesa. Naupo ako at umorder ng pagkain.

After i-serve ng waiter yung pagkain ko ay napansin ko si Gwen na kumakain din sa restaurant na yun. "Sino at bakit may kasama siyang lalaki?" tanong ko sa sarili ko.

"Can I join?" sabi ko. Lumapit kasi ako sa kanila dahil may iba akong nararamdaman. Basta parang gusto kong magalit.

"Oh Dave, buti nandito ka?" sabi ni Gwen na napalingon sa akin. "Halika dito, gusto kong ma-meet mo si Mr. Coincidence."

Ngumiti naman yung kasama niyang lalaki. Lalo akong nainis nang ngumiti siya.

Umupo ako nang tahimik sa tabi ni Gwen.

"By the way, Yuan meet Dave, my..." pinutol ko si Gwen sa pagsasalita.

"Her fiance'." sabi ko dahil gusto kong i-emphasize sa lalaki na yun na taken na si Gwen. Basta may instinct ako na hindi maganda. Parang pakiramdam ko isa akong bata na gustong agawan ng pinakapaboritong laruan.

"Yeah right, he is my Mr. Destiny." sabi ni Gwen.

So habang kumakain kaming tatlo ay ipinapaliwanag ni Gwen kung paano sila nagkakilala pero parang wala akong naririnig.

"Oh babe! Baka gusto mong ikwento rin sa kanya kung paano naman tayo nagkakilala." sabi ko with that serious face.

Mukhang napapansin na ni Gwen na nagiging rude na ang dating ko kaya sinabi niyang next time na lang niya ikukwento.

"Ah so magkikita pa kayo ulit?" tanong ko

Hindi agad siya nakapagsalita.

"Ah okay it means yes!" sabi ko.
"CR lang ako babe!" paalam ko kahit hindi naman ako naiihi. Nakita ko kasi sa mukha ni Gwen na naguguluhan na siya sa nangyayari.
Gusto ko ring palamigin ang sarili ko dahil mukhang sasabog na ako lalo na nang nalaman kong may balak pa silang magkita ulit.

Nang bumalik na ako sa table namin, ay nagpapaalam na si Yuan.
"I guess, I consumed a lot of your time. Again, nice to meet you Dave. Mauuna na ako Gwen." paalam niya.

Bago siya umalis ay sinenyasan niya yung waiter. Gamit ang dalawang kamay, nagdrawing siya ng rectangle sa hangin. Lumapit naman yung waiter dahil sign ito na magbabayad na.

"Oh no, Yuan, ako na 'to."sabi ni Gwen.

"Okay lang, ako na bahala." sabi ni Yuan.

"Waiter ito na ang kunin mo, baka mag-away pa sila." sagot ko para matapos na ang lahat dahil gusto ko na siyang umalis sa harap namin.

Nagkibit balikat na lang si Yuan. "Okay." napangiti na lang na parang napilitan.

Napansin ko si Gwen na hindi kumikibo hanggang sa sumakay na kami sa kotse at umalis na sa mall.

"Dave, ano ang ibig sabihin nang kanina?" tanong niya.

"Teka lang huh! Mukhang ako dapat ang nagtatanong sa'yo niyan Gwen." sagot ko.

"Dave wala kaming ginagawang masama. Nakikipagkaibigan lang yung tao. Hindi mo dapat siya binastos ng ganun."

"At pinagtatanggol mo siya ngayon? Ako na ngayon ang mali. Sa pagkakaalam ko, mas maling nakikipagdate pa ang isang babaeng engage na."

"Let me clear it to you Dave, that was not a date. We're trying to be friends, mali ba yon?"

"Mali yun lalo na at pasekreto pa kayong lumalabas."

"Ngayon lang kami lumabas na dalawa. Alam mo bang kasama ko dapat si Audrey ngayon. At hindi pasekreto ang paglabas namin dahil alam ni Daddy ito dahil kilala niya si Yuan."

Sa point na yun ng aming pagsisigawan sa loob ng kotse, nagsimula nang mapaiyak si Gwen.

"Hindi mo kasi alam Gwen kung paano ako nasaktan nang makita kang may iba kang kasama. Ayokong makikipagkita ka ulit sa lalaking yun." sabi ko sa kanya.

"Bakit ka ganyan? Bakit mo ako pipigilang makipagkaibigan? Nagiging unreasonable ka na Dave! Alam mo walang pupuntahan itong pag-uusap natin na ito eh." sabi niya habang pinapahid ang kanyang luha.

"Itigil mo ito Dave!" sabi niya.

Ako naman ay parang walang narinig. Sa galit ko lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo.

"Dave ihinto mo ito. Bababa na ako." pilit niya.

Bigla kong iginilid yung kotse para huminto.

"Gusto mo nang bumaba, Gwen?" tanong ko.

"Oo gusto ko nang bumaba dahil hindi na maganda ang ginagawa natin dahil nagsisigawan na tayo."

"Gusto mong bumaba dahil nagsisigawan na tayo o baka naman dahil guilty ka." sabat ko sa kanya.

Lalong tumulo ang mga luha niya.
"You are so paranoid." sabi niya.

"Ako paranoid? Di ba bababa ka? Ayan bumaba ka na."

Bumaba siya at ibinalibag yung pinto ng kotse. Pinaharurot ko naman yung kotse palayo sa kanya. Iniwan ko siya sa daan. Habang papalayo ako sinisilip ko siya sa rear mirror. Naglalakad siya sa gitna ng lansangan sa ilalim ng tirik ng araw. Pero kailangan kong panindigan ang ipinaglalaban ko.

Sana man lang tinawagan niya ako para samahan siyang makipagkita sa lalaking yun kung talagang pakikipagkaibigan ang pakay nila.
Selos na kung selos pero iba talaga ang pakiramdam na nakikipagkita yung girlfriend mo sa iba.

Oh My Guard!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon