"Papa gusto ko sa birthday ko dapat may clown din ako kagaya po dun sa clown nina maggy" saad ng anak ko na nakapagpatigil ng tibok ng puso ko ano itong nararamdaman ko meron ba akong trauma sa clown or phobia bakit wala akong maalala shit----- shit ---- shit ..
"Papa nakikinig ka po ba!?" Takang tanong ng bata wala akong mahugot na salita nanunuyo kasi ang kalamnan ko at parang humihina ang pangrinig ko may nagflashback na pangyayari sa utak ko ngunit agad itong nawala...
"Gerald tigilan mo muna ang papa mo, hon sumasakit ba ang ulo mo!?" Tanong sabay lapit saamin ng asawa ko
Napahilot ako ng sentido
"Hindi hon!.. Labas muna ako" tumayo na ako at hindi na hinintay ang sagot niya
Noong gabing yun ano nga ba ang nangyari wala akong maalala ni isa man lang ganun na ba kalaki ang impact ng aksidente saakin
Inilabas ko ang cellphone ko at tinawagan ang kaibigan kong pulis
"Hello pare, napatawag ka may problema ba!?" Sagot nito
Lumingon lingon muna ako sa paligid bago sumagot...
"Pre patulong naman, wala akong naaalala sa nangyari noong gabing naaksidente ako maari bang malaman ang findings niyo sa kaso..!" Saad ko
"Sige ba pre kita tayo sa malapit na coffee shop bukas busy kasi kami ngayon..!"
"Maraming salamat!" Ibinaba ko na ang tawag at tsaka naman lumitaw mula sa likod ko ang aking asawa
"Hon -- sigurado ka bang okay ka lang " tanong niya sabay lapit saakin
Nginitian ko lang siya to assure na okay lang ako
Pero hindi ko pa masabi sakanya itong weird feeling na nararamdaman ko towards something feeling ko may missing piece na nawawala sa memorya ko something creepy like mystery a very weird feeling tuwing maririnig ko ang salitang "CLOWN". I need an answer soon dahil feeling ko mawawala na ako sa katinuan...
