Prologue:
"Nakakatakot nakakakilabot at nakakasuklam ang krimen na nakita noong nasa hospital ako 3 years ago
Na confine ako dahil sa isang car accident na kinasangkutan ko noon at halos dalawang linggo din ako walang malay noon at nag dalawang linggo pa akong nagstay sa hospital bago ako makalabas ng tuluyan .
Nagigising ako noon tuwing alas tres ng madaling araw sa hindi ko maunawaang rason
At para patayin ang pagkabored ko ay naglalakad lakad ako sa corridor ng hospital
May napansin ako isang araw habang naglalakad lakad ako sa corridor malapit sa ER may napansin akong lalaki na nakaupo sa waiting area nakasuot ito ng pang clown at nakayuko lang na tila nanalangin..Gusto ko sana siyang lapitan ngunit tila may kung ano ang nagpipigil sa akin kaya nilagpasan ko siya at hindi nalang siya pinansin..
Sa paglagpas ko sakanya ay nakita kong gumalaw ang balikat niya at ang ulo
nilingon ko siya ulit at labis ang pagkabigla ko ng makita ang itsura niya . .At sa pagkakataong iyon ay nagtama ang mga mata namin nangilabot ang buo kong katawan at tila di na ako makagalaw
Hindi ko alam kong pano ako nakaalis sa lugar na yun pero pagkagising ko ay nasa kwarto na ako ng ospital sabi nila ay nakita raw nila akong nakahilata sa sahig malapit sa ER
Nang makalabas ako ng hospital ay feeling ko nakaligtas ako sa bingit ng kamatayan....