Prologue

147 8 1
                                    

Masaya kaming naglalakad sa field, lunch break kasi namin. Nang biglang may lumapit sa amin na lalaki.

"Hey! Wanna play?" sabi sa amin nung lalaki, hindi ko siya kilala.

"Uhh..." tiningnan ko muna siya, baka kasi ayaw niya. Pero tumango lang siya sa akin at ngumiti ... He's so beautiful. The word handsome is not enough to describe him.

"Sige, game kami. Ano bang laro?" tanong niya dun sa lalaki habang hinahawakan ang kamay ko. Bumilis naman agad ang tibok ng puso ko.

"Simple lang, kung sino ang mauuna dun sa flag pole ang panalo." tumango-tango naman siya habang ako nakatingin lang sakanya, pinagmamasdan ang bawat parte ng mukha niya.

"Sige, game kami. Paunahan ah?" sabi niya dun sa lalaki.

Pumwesto na kami, paunahan kami pumunta sa flag pole.

"Ready ... set ... go!"

Tumakbo na kami ng mabilis pero dahil babae ako ay nauna siya saken ... Nilagpasan niya ako at parang slow mo siyang ngumiti saken ... Ngayon kami nalang dalawa ang nag unahan papunta sa flag pole, hindi ko alam kong nasan yung lalaki kanina...

"Ang daya! Hinay-hinay naman!" sigaw ko habang tumatakbo, ang bilis niya kasing tumakbo.

Tiningnan niya ako saglit at ngumiti. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

Dahil nakauna siya saken ay kitang-kita ko ang magandang pagkakahubog ng kanyang likod. He's like a God.
Di ko napansin ang malaking bato kaya napatid ako...

"Ah!" impit ko pero hindi ko naramdaman yung sakit. Bakit ganito?

Napahinto naman siya sa pagtakbo at nagmamadaling lumapit sa akin.

"Ayos ka lang?" nag hahabol-hininga na sabi niya. Pinagmasdan ko na naman siya, medjo mahaba ang buhok niya at natatakpan nito ang kaliwang mata niya... Singkit ang mga mata niya at mahaba ang kanyang pilik mata... Mapupula ang labi niya at dahil sa sinag ng araw ay pumula ang kanyang mga pisngi at bigla siyang ngumiti.
.
.
.
.
.
.
.
Pero alam kong hindi totoo ang lahat ng ito, alam kong panaginip lang to ... Ayaw ko ng magising, gusto ko siyang makasama... kahit sa panaginip lang.

That GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon