Chapter 3

42 6 0
                                    

Pagkalabas ko sa office ni Papa ay dumiretso na ako sa room ko, nag bihis agad ako ng pambahay at humiga muna ako sa kama.

Hindi naman siguro hunted dito, nag s-stay naman ako dito every weekend and fortunately, wala namang kababalaghan na nangyayari dito. Mabuti na lang, dahil kong pati tong kwarto ko dito hunted sa daan talaga ako matutulog.

*Kriiiiing*

Nabigla naman ako dahil biglang nag ring ang telephone.

Sasagutin ko na sana nang bigla kong maalala yung movie na Scream
T_____________T Tinatakot ko pa ang sarili ko, leche yan.

"H-hello?" sagot ko

Mahabang katahimikan ang nangyari sa kabilang linya.
Nagsimula na akong kabahan.

Paano kung biglang sabihin nung caller na 'Hello Sydney' WAAAH! >\\\\\\<

Ay, Kray nga pala ang pangalan ko. =_______=++

Kagat-kagat ko ang kuko ko habang nasa tenga ko pa rin ang telepono, leche bat ang tagal niyang magsalita, pinagpapawisan na ako.

"H-hello!? M-marami akong ginagawa ha! Kung gusto mong mang trip wag akong pagtripan mo! Sinasayang mo oras ko eh leche!" kahit kinakabahan ako ay tinry ko pa ring mag act na nagagalit. Pisti yan.

Teka, kanina pa ako nag-mumura ah =___________=++ Kung nandito lang si Mama, dumugo na siguro ang bibig ko ngayon.

Nag bilang ako hanggang sampo at wala pa ring sumasagot, ibababa ko na nang may biglang nagsalita.

"Beautiful."

Natameme naman ako, hanggang sa nadinig ko nalang na ibinaba na nung caller ang telepono, hindi pa rin ako maka react.

OH-MY-GOD!

**

Pagkatapos nung nangyari kanina ay mabilis akong bumaba sa hagdan at doon nalang ako nag stay sa sala hanggang mag 4:00 PM, nanood lang ako ng t.v. Natatakot na kasi ako sa kwarto ko, huhu.

T_____________T

Yung caller kanina, lalake siya, ang deep ng boses niya at ang lamig pa. Kinilabutan pa nga ako eh, baka mamaya may secret cam sa kwarto ko at nakikita niya ako diba? Okay, call me paranoid pero naman kasi! Sinong hindi ma paparanoid ha? Hindi ko kilala ang lalakeng yun, actually wala akong lalakeng friend, sa isang all girls school kasi ako nag-aaral kaya ANG IMPOSIBLE!

*Kriiiiiing!*

Napasinghap naman ako at napahawak ako sa dibdib.

Leche, nagulat ako dun ah, muntikan pa akong mahulog sa sofa.

*Kriiiiiing!*

Napalunok naman ako ng sunod-sunod, syet. Baka ito ulit yung caller kanina >\\\\\\\\< Ayaw ko nang sumagot pag may tumatawag sa telephone, na trauma na ata ako.

*Kriiiiiiing!*

"Yaya Eding!" tinawag ko nalang si Yaya Eding, yung maid na pinagkakatiwalaan ni Papa ng sobra, parang right hand niya na kumbaga.

"Po?" sabi niya habang hinihingal, galing pa ata siya sa 3rd floor, may hawak pa siyang walis at tagatak ang pawis niya. Nakonsensya naman ako agad, pinababa ko siya hanggang dito para lang ipasagot sakanya ang telepono =__________=++

*Kriiiiiing!*

"A-ahh.. Yaya, parang awa niyo na po... Kayo na po ang sumagot sa telepono." sabi ko at pinagdaop ko pa ang palad ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon