Chapter 2

33 5 0
                                    

** Angel's Cake Shop

Pagkapasok ko sa cake shop ay bumungad sa akin ang kulay pink na theme, adik tlga sa pink si Angel. She's a pink monster. May mga malalaking lollipop din na naka tayo sa bawat gilid ng entrance door at mga malalaking candies na nakasabit sa ceiling. At may mga ibat-ibang flavor ng cake na nakaguhit sa wall...

Of course, all sweets are in here kaya expected ang ganitong theme kaya mostly kids ang mga nandito since nakaka-attract ang theme nito. By the way, Angel is also a friend of mine which is the owner of this cake shop.

Alam kong ang cheap pakinggan ng cake shop niya, yung parang mga nasa kanto lang. Pero hindi, even though it sounds cheap, her cakes taste really delicious, it's like heaven and her cake shop is popular worldwide kaya mostly mga anak mayaman lang ang mga nakakapasok dito, ginto kasi ang presyo eh =______=++ Talagang nakakalaglag ng bulsa. Pero hindi ako anak mayaman, oh wag nang pumalag.

"KRAY!" nagulat naman ako dahil may tumawag sa akin mula sa counter.

I looked at the girl trying to recognize her face.

O______________O Si Angel!

"Angel?" sabi ko at agad akong lumapit sa counter at niyakap siya.

"The one and only!" nakangiting sabi niya habang nakayakap ako sakanya.

"Kailan ka pa nakabalik?" sabi ko ng maka-recover na ako, 6 months na kasi itong hindi nagpaparamdam si Angel, business of course. Ka edad ko lang siya pero puro business na ang inaatupag niya, though she's still studying pero minsan umaabsent siya just to attend some business meeting or trip. I pity her.

"Last week lang, hindi muna ako nagparamdam coz I need to rest, limang araw kasi akong walang tulog." sabi niya, kaya naman pala. Nakakapressure tlga pag ikaw ang tagapagmana. Sana hindi ako makaranas nito, okay na ako sa pagbabasa ng libro everyday.

"At eto ka ngayon nag ca-cashier? Akala ko ba you need rest? Wag mong sabihin na namumulubi ka na kaya nag pa-partime ka sa sarili mong cake shop?" nagbibirong sabi ko.

"Hindi ah! Tinutulungan ko lang sila, tsaka okay na saken ang 1 week na pahinga no!" sabi niya, kaloka naman, eh ako nga na walang ginagawa sa bahay eh nagrereklamo pa ako sa 3 weeks na sem-break.

"K." sabi ko

"Aba! Nagiging mataray ka na naman ah?" sabi niya, I just rolled my eyes

"Kakatapos ko lang basahin ang Avah Maldita kaya kasalukuyang tumitira muna si Avah sa katawan ko ngayon, nakakahawa kamalditahan niya eh." sabi ko

"Whatever you say." sabi niya, kita mo to! Siya nga itong nagtataray!

"Hay nako Angel! Anyway, sleep over tayo sa bahay mamaya?" nakangiting sabi ko

"Sleep-over?" nakakunot-noo na tanong niya...

"Ay hindi, game-over." walang gana na sabi ko, may saltik din to sa utak eh.

"Ha-ha-ha, very funny Kray." nang-aasar na sabi niya

"Eh ano na nga kasi!?" sabi ko

"Before that Ma'am, may I ask what's your order?" biglang sabi niya, at saka ko lang naalala ko ano ang ipinunta ko dito =___________=++

Magaling, nakalimutan ko.

"Caramel Cake." sabi ko, it's Papa's fav

"Oh, for your dad eh? Hahaha! It would be 2,500 ma'am." sabi niya, see? sabi ko ginto ang presyo, and to think na 5 slices lang yon.

Kumuha na ako ng 2,500 sa wallet ko at ibinigay yun sakanya.
Shet, ang sakit sa bulsa. 3000 nalang ang pera ko T_________T

"Thank you ma'am, kindly wait in table 12, your cake will arrive soon." sabi niya, kung maka 'maam' ang isang to parang hindi kami magkakilala =______=++

That GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon