Part 8

20 2 0
                                    

....

Alex POV

"Thrixie, pumasok ka dito sa office." Rinig kong sabi ni Mycho sa intercom.
Wala pang ten seconds nandito na siya.

"Ano yun Mycho?" Tanong ni Thrixie.

"Ngayon ba yung lunch meeting ko with Mr.Chua?" Tanong niya.

"Oo,11 am.bakit?" Tumingin naman si Mycho sa kanyang wrist watch.

"Wala,yun lang,remind me later nalang."yun lang naman pala ang tatanungin

"Ok."nasa kalagitnaan sila ng pag uusap ng magring ang phone ko.

"Oh bat ka napatawag?" Tanong ko kay Fiel sa kabilang linya.

(Namiss lang kita.ikaw ba?) Sabi niya sa kabilang linya.Paniguradong nagpapacute na naman tung damulag na to.

"Muka mo.Sige na may gagawin pa ako.Bye!"sabi ko at di ko na hinintay pa na sumagot. Pinatay ko ang phone ko.At tumingin sa gawi ni Mycho.Nakatingin din pala ito sakin.

"Bakit?" Tanong ko. Pero nanatili parin siyang nakatitig sakin.anong problema nito.

"Hoy,payatot,bakit pala di mo ako pinapansin ha? " pranka kong saad.totoo naman di niya ako pinapansin nitong mga nakaraang araw.

"Hindi mo talaga ako papansinin?" Tanong ko. Pero para lang akong hangin dito.

"Problema mong payatot ka ha? Bakit di mo ako pinapansin?" Naiinis na ako.

"Umuwi kana,"nasabi lang niya.At bakit niya ako pinapauwi. Pero bago niya ako sagutin kinuha niya ang cellphone niya.

"Stay where you are,pupuntahan kita diyan.----what?" Parang nagulat siya at tumingin sakin.
Bago paman magsalita ulit si Mycho bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang babae at nasa likuran din niya si Thrixie na parang galit.

"Ano ba Kylee umalis kana, marami pang ginagawa si Mycho." Paghihimutok ni Thrixie.Bakit parang ayaw niya sa babaeng nakangiti lang ngayon.Maganda siya,pero syempre mas maganda ako.

"Stop it Thrixie,si Mycho lang ang kailangan ko.Kaya pwede ba bumalik kana lang sa trabaho mo." Mataray na saad ng babae. Feeling ko hindi kami magkakasundo nito.Sino ba siya?

When My Angel Turns Into evil(maldita)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon