part 9

27 3 0
                                    

...

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Fiel,nandito ako sa opisina at wala din naman si Mycho may meeting.ako na ulit ang secretary niya.at tulad ng dati di niya ako sinasama sa meetings niya.

"Manggugulo."at ngumisi ito.

"Hoy Fiel,wala akong time makipagbiruan sayo." Naiiritang sabi ko.

"Lunch?" Aya niya.yun lang pala eh.

"Ayoko.tinatamad ako." Walang gana kong sagot. Tinatamad talaga ako.

"Edi kung tinatamad ka dito nalang tayo." Sabi niya. Nakangiti ito. At hinugot ang phone niya sa bulsa.

" hoy, Pumayag na ba ako ha?" Paghihimutok ko.
Pero kinindatan lang niya ako at nagsimula ng mag order ng kakainin namin.

"Ayaw mo kasing lumabas eh." Lumapit siya sakin.

"Nga pala kumusta yung inaalok ko sayo?" Napataas ang kilay ko. Alam ko kung ano ang sinasabi niya.
Nagtapat siya sakin na kung pwede daw manligaw.Gusto ko siya dahil napapasaya niya ako. Pero parang may ibang gusto ang puso ko hindi ko nga alam kung bakit,gwapo naman si Fiel,mabait pa.makulit,pero talagang wala. Kaibigan lang siya para sakin.

"Fiel, diba sabi ko----"

"I guess it's a no.again. haay,ang hirap mong ligawan."nasabi nalang niya .

"Let's just be friends." Nakangiting sabi ko.hindi naman siya mahirap pakiusapan.pinilit niyang ngumiti.

"Ok fine.Sino ba yang tinitibok ng puso mo at di mo magustuhan ang kapogihan ko?"

"Ang laki din ng bilib mo sa sarili mo no." Nagtawanan kami.
Buti nalang at madali siyang tumanggap ng pag ka reject.hindi ko naman ni reject,naging totoo lang ako.

Habang tuloy ang kwentuhan namin.saktong pagbukas ng pinto.napatigil kami ng makita namin si Mycho na nakatingin samin.ang dilim ng mukha niya. Hindi ba naging maganda ang meeting nila.
Nanatili siyang nakatayo at nakapako ang tingin niya samin.

"Kumusta pare.binibisita ko lang si Alex."sabay akbay niya sakin.parang nailang ako dahil sa pagkakatitig niya sa pagkakaakbay sakin ni fiel.

When My Angel Turns Into evil(maldita)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon