soooo, here's the song. Make sure to listen to it while you're reading. :) at sabay sabay tayong mag imagine :p
********
Nilalamig ako pero unti-unting nawala yung pakiramdam na yun nang maramdaman 'kong unti-unting hinaplos ni Evo ang mga braso ko mula sa balikat pababa hanggang sa mga kamay ko. hinawakan nya ng mahigpit ang mga ito. Naramdaman ko siya sa likod ko niyakap niya ako mula sa likod..
"Mahal na mahal kita" napangiti ako habang nararamdaman ko ang pagbulong niya malapit sa tenga ko.
"Sobrang saya ko.. natatakot ako"
"Natatakot? wala ka dapat ikatakot love, ano ba 'yang ikinakatakot mo? halika nga dito"
Nakaupo si Evo sa couch, at sinenyasan nya akong lumapit at umupo sa tabi niya. Pag upo ko niyakap niya ako ng sobrang higpit mga ilang segundong walang nagsasalita sa amin and finally nagsalita na siya at bumitaw na sa pagkakayakap "Ano bang ikinatatakot ng mahal ko?"
"Hayyy nagpapa-cute ka nanaman eh!" ayan nanaman siya sa mga pa-cute niya sakin. Hindi ko alam pero sobrang effective. Ewan ko ba pero everytime na ginagawa niya 'yun para akong nanlalambot
"Ano bang ginagawa ko?"
"Ikaw kasi eh"
"Tignan mo 'tong babaeng 'to, wala naman akong ginagawa sa'yo ah bakit ba kasi?" pangungulit niya. Grabe ang cute cute niya talaga
"Ikaw kasi eh. Masyado akong masaya ayoko ng ganito"
"Wow lugi ka pa teh?" hahaha abnormal talaga
"Ay nako ang epal mo talaga. Seryoso ako eh" tapos nag pout ako
"Osige na, game na. Bakit ka nga ba kase natatakot?" Ayan sa wakas seryoso na siya
"Eh baka kasi sobrang saya ko ngayon tapos bukas hindi na na" na sad naman ako dun tapos napatungo nalang
"Baliw ka talaga. Wag mo kasi isipin yan, lagi ka nalang ganyan eh. Diba sabi ko sa'yo dapat lagi lang tayo masaya? Dapat wag mo muna isipin yang mga bagay na magpapalungkot sa'yo pag kasama mo ako kasi alam mo naman na gagawin ko lahat wag ka lang malungkot diba?"
Medyo natameme ako dun ah.
"Oo na. Sige na nga hmp!" Ako pa galit eh no?
"Arte mo, pakiss nga"
"Utot mo blue! Neverrrrr" pang aasar ko. Actually, gusto ko naman talaga kaso syempre strict parents ko no. bwahahaha
Natameme ako. Hala nanigas na ata ako di ako magalaw tapos feeling ko may gustong kumawala sa mga tiyan ko. Ang weird pa kasi parang kinikilabutan ako. Nagulat ako nang bigla dumampi sa mga noo ko yung mga labi niya.
"At dun na nagtapos yung Panaginip ko." Kaya naman pala naging posible lahat ng 'to panaghinip lang pala walanjo.
"Ano ba yan ang ikli naman kainis" At mas affected pa talaga si Nadine sa'kin baliw talaga 'to
"Mas affected pa te? kaloka ka. Ayos na yung at least sa panaghinip nahalikan niya ako"
"Nahalikan nga sa noo naman. Ano ka lola?" Lakas mang asar ng bruhang 'to
"Grabe ka naman, ang sweet kaya palibhasa yang jowa mo manyak"
"Hoy ang sama mo sa cupcake ko ha FO na tayo"
"Wow nads ha, talagang kaya mo ako ipagpalit jan sa pervert mong jowa? sobra ka"
BINABASA MO ANG
Akin ka sa'king Imahinasyon
Teen Fiction"Akin ka sa aking imahinasyon sana nama'y hindi lang hanggang doon kailan kaya ang aking pagkakataon sa panaginip ko'y mahal mo 'ko 'ron.. Gustong gusto kita ba't ba di mo makita? na iniibig ka puso, salita't gawa. Kailan ba may tayong dalawa?" I su...