Chapter 2

110 9 3
                                    

Ylla's PoV

I won the victory! Hah! Anong akala ng lalaki na yon? Porket cute, gwapo at hot sya, makakalampas na sya sa paninira nya sa kotse ko? Hell, it's Lamborghini!

Pinang-tyagaan ko na ang kotse ko kahit walang side mirror. Habang nasa kalsada ako, napa-tingin ako sa gilid. May isang matanda na tumatawid sa kalsada. Ipinark ko ang kotse ko sa gilid at nakita kong may paparating na truck. Malayo layo pa naman ito kaya tinulungan ko ng tumawid ang matanda. Hindi ko namalayan na bumilis pala ang takbo ng truck kaya paglingon ko, konting distansya nalang ang pagitan nya. Naitulak ko ang matanda papunta sa kabilang parte ng kalsada.

Mabilis ang mga pangyayari. Ang alam ko lang, pagdilat ko naka-higa ako sa kalsada. Madaming tao na naka-paligid sa akin pero isang tao lang ang pumukaw sa atensyon ko. Yung lalaking nasa mall kanina. Tumayo agad ako dahil ba kung anong gawin nya sa kotse ko. Wala akong balak mag-lakad dahil masakit ang katawan ko.

"Miss miss! Ok ka lang ba? Gusto mo dalhin kita sa ospital?" Nag-aalalang tanong nung driver ng truck sa akin. Umiling lang ako at nagma-madaling tumayo. "Sigurado ka ba?" Paninigurado nya.

Tinignan ko muna yung matanda na iniligtas ko. Naluluha sya. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba sa lakas ng pagtulak ko kaya nasaktan sya? Or dahil niligtas ko ang buhay nya? Kahit ano man yung dahilan ng pag-luha nya, masaya ako dahil nailigtas ko sya. "Oho. Ayos lang talaga." At lumakad na ako ng paika-ika. Napapa-tingin ako sa lalaki at naka-tingin din sya akin kaya lalo kong binilisan ang pagla-lakad. Nang maka-sakay na ako sa kotse ko ay agad ko itong pinaandar para maka-uwina.

---

"Anak! Anong nangyari sayo? Bat may sugat ka at bakit ang dumi mo?" Nag-aalalang tanong ni dad.

"May nangyari lang dad. Don't worry, ok lang ako. I just want to eat and rest." I lied. Ang totoo kasi, sobrang sakit ng katawan ko. Parang may naipit na ugat at sobrang hapdi ng mga sugat ko.

"Sige sige. Papadalhan kita sa kwarto mo ng pagkain. Pero anak, sigurado ka bang ayos ka lang talaga?" Worried na tanong ni dad.

"Yes po. Konting punas at pahinga lang ito. By the way where's mom?"

"Inayos nya yung business natin." Nag 'ah' nalang ako at umakyat na sa kwarto ko.

Ingat na ingat akong nag-linis ng katawan dahil ang sakit ng impact ng pagkaka-bagsak ko sa kalsada kanina. Bawat maling galaw ko it feels hell dahil sa sakit. Habang maingat kong pinupunasan ang katawan ko, biglang may kumatok.

"Señorita Ylla ito na po yung pagkain mo." Sigaw ni yaya.

"Paki-lapag nalang sa table. Tapos paki dala na din yung first-aid kit sa lamesa!" Sigaw ko upang marinig nya ako.

"Opo!"

Itinuloy ko na ang pagli-linis ng katawan ko. Pagtapos ay nag-bihis na ako at kumain habang hinihintay si yaya na may dalang first-aid kit. Kumain ako ng marami dahil parang nanghihina ako. As in yung pagkain na dinala sa akin ay naubos ko. Wala muna akong pakialam sa katawan ko. Pwede naman akong mag-gym para hindi ako tumaba. Ang kailangan ko lang ngayon ay sustansya.

Natapos na akong kumain at saktong dumating na din si yaya at ibinigay sa akin ang first-aid kit na dala nya. "Señorita, kaya nyo po bang gamutin yang sugat nyo? Tulungan ko na po kayo?"

"Salamat. Kayo ko na to." Sagot ko at kinuha na ang mga gamot na kakailanganin ko. Bumaba na din si yaya dahil nagli-linis pa daw sya sa kusina. Habang ginagamot ko ang sugat ko ay tinawag ako ni dad.

"Ylla! Ylla bumaba ka dito!" Ngumuso muna ako at kinuha ang band aid upang ilagay sa sugat ko. "Ylla!"

"Coming!" Iniligpit ko na ang mga pinag-gamitan ko at bumaba. "Wae?" Nagulat ako ng bigla akong niyakap ni dad. "D-dad? What happened? Is there anything wrong?" Kinakabahang tanong ko. I don't know kung tungkol saan yung sasabihin ni dad. Sana wag bad news.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Rich and The Bitch #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon