I looked at myself on the mirror with a big smile on my face.
Today is the day.
Matagal ko narin tong pinag-isipan at ngayon, sigurado na ako sa desisyon ko.
Dali-dali akong naghanda at ng natapos na ako, agad akong nagpahatid sa eskwelahan.
Today is the day Jake
I feel nervous and excited at the same time.
Kakayanin ko to!
"Sinasagot na kita. Oo, pumapayag na akong maging girlfriend mo."
Pagpractice ko sa utak ko. Pano ko kaya sisimulan? Ano kaya ang magiging reaksyon niya?
Nakakakaba namaaaan >.<
Maya-maya ay dumating na kami sa labas ng school. Mabilis akong bumaba ng sasakyan at pumasok sa gate ng school namin.
Patakbo akong lumalakad sa hallway at pagkatapos ng ilang minuto, may narinig akong boses ng lalake.
"Matagal ko na 'tong gustong sabihin sa'yo Bea..."
Napahinto ako sa paglalakad. Bakit parang ang pamilyar ng boses ng lalake?
"Mahal kita Bea. Mahal na mahal."
At dahil nako-curious ako, tiningnan ko kung sino yung nagsasalita. Isang lalake na nakahawak sa mga kamay ng babae ang nakita ko.
Then suddenly, a tear left my eye.
"Mahal rin kita Jake...Dati pa."
Mas dumami pa ang mga luha na nanggagaling sa mga mata ko ng marinig ko iyon.
Makikita sa mga mata nila na mahal na mahal talaga nila ang isa't isa.
Napakasakit ng nararamdaman ko ngayon. Tinakpan ko nalang ng kamay ko ang bibig ko para hindi nila marinig ang paghagulgol ko.
Pero kahit ganoon na nga ka sakit ang nararamdaman ko, hindi ko parin magawang tigilan na panoorin silang nagtitinginan at nag-uusap.
"Bea Salvador, will you be my girlfriend?"
"Yes Jake! Yes!!"
Tapos nagyakapan silang dalawa.
Napalakas ang hagulgol ko pagkatapos ng mga narinig at nakita ko. At dahil doon, napatingin sila saakin.
"Andrea?"
Nagulat si Jake noong makita niya ako. Binitawan niya ang mga kamay ni Bea at lumapit sakin.
"Don't touch me!" Sigaw ko sa kanya.
Tumakbo na ako palayo sa kanila.
Tuloy-tuloy parin ang pag-agos ng mga luha ko mula sa aking mga mata.
Mas binilisan ko ang pagtakbo ko ng mapansin ko na hinahabol ako ni Jake. Pero naabutan niya parin ako at hinawakan niya ang braso ko.
"Andrea, please. Let me explain."
Humarap ako sa kanya at sinampal siya. At pagkatapos nun, hindi na siya sumunod sakin.
Bakit ganon??
Akala ko siya na ang lalaking magmamahal sakin, ang lalaking magpapasaya ng buhay ko. I guess I was wrong. Masyado ko sigurong pinanghawakan ang mga sinabi niya sakin.
Parang kahapon lang noong sinabi niya sakin na hihintayin niya ko hanggang handa na ako. Na mamahalin niya daw ako kahit ano'ng manyari.
Tapos ngayon, naabutan ko nalang sya na umaamin ng pag-ibig sa ibang babae.
Siguro hindi pa nga siya ang 'The Right One' ko. I guess I should continue waiting for someone that will not do anything to hurt me and would continouosly love me.
Pero ewan ko ba kung pagkatapos ng mga nangyari, magagawa ko paring
Magmahal Muli.
A/N:
Hi! Nicole here. Thank you po for reading my prologue! And I'm hoping that you'll stay until my epilogue. Hahaha. Dont forget po to Vote for this story. Yun po if nagustuhan nyo :D
Comment what you think in the comment box or you could message me in my social media accounts.Chapter 1 will be published when Prologue gets 10+ reads.
Thank you po ulit! :*
BINABASA MO ANG
Magmahal Muli
RomanceNaranasan nyo na ba'ng mahulog sa isang tao na matagal ng naghihintay ang matamis mong OO? Yung tipong kahit nanliligaw palang ay ramdam mo na kung gaano ka nya kamahal. At noong ibibigay mo na nga ang matagal nya ng hinihingi, bigla mo nalang nalam...