*Andrea's POV*
*Kring kring*
Bigla akong nagising dahil sa pag'ring ng cellphone ko.
"*yawn* Hello?"
"Good Morniiiiing!"
Nawala yung antok ko ng 'di oras dahil sa lakas ng pagsigaw ni Meghan sa cellphone. Ito talagang babaeng 'to. Kaaga-aga -.-
"Aray! Sakit sa tenga hah!"
"Ayy! Napalakas ba? Hehe peace!"
"Ewan ko sa'yo. Oh, ba't napatawag ka?"
"Naisipan ko kasing magMall ngayon. At himala sasama si Anna! Hahaha! Papunta na ako dun sa kanila. Maligo ka na dahil susunduin ka namin jan!" Sagot nya.
"Eh, ayoko. Kayo nalang muna. Next time naman ako."
"Tinatanong ko ba kung gusto mong sumama? Ang sinabi ko maghanda kana. Dahil sa gusto mo o sa gusto mo, sasama ka samin!"
Hanudaw?? -.-" Ano pa ba naman ang ie'expect ko kay Meghan Johannah Reyes? -.-
"Sige na nga! As if naman na may magagawa pa ako. -.- "
Totoo naman eh. Kasi itong si Meghan, sa barkada sya yung nagpaplano ng mga gala. Magugulat nalang kami ni Anna na may pupuntahan kami. At kung hindi namin gusto sumama gumagawa talaga sya ng paraan para sumama lang kami. Kung hindi talaga namin gusto magagalit nalang sya at magtatampo.
"Yeeeeey! Sige maligo kana jan. Naamoy ko kasi hanggang dito na ang baho mo na eh. Hahaha!" Loka talaga tong babaeng to.
"Che! Opo maliligo na!"
Bumangon na ako at nagcharge ng phone ko. Maliligo nalang agad ako kahit ang 'papunta na ako' ni Meghan eh actually 'naliligo pa lang ako'. -.-
Pipili pa kasi ako ng susuotin.
Kinuha ko na yung tuwalya ko at pumunta na sa banyo. May pumasok bigla sa utak ko at napahinto ako...
It's been one month na pala.
One month since my first ever heartbreak. Oo, inaamin ko. Nasasaktan parin ako hanggang ngayon. Ewan ko ba. Hindi ko magawang kalimutan ang mga nangyari. Alam ko na marami pang iba jan, pero hindi ko pa sya magawang kalimutan.
Hay nakoooo! Kaaga-aga yan naman iniisip ko. Nu ba yan!
Shinake-shake ko nalang yung ulo ko at pumasok na sa banyo at naligo.
Pagkatapos ng isang oras ay sa wakas nakatapos na rin akong maligo at mag-ayos.
Bumaba na ako mula sa kwarto at pumunta sa kusina. At dun ko naabutan si kuya.
-.- Kainis. Ang aga nya nagising. Iinisin nya naman ako nito. >.<"Oh san punta mo?" Tanong nya sakin.
Nakaupo sya sa upuan sa may dining table at yung paa nya nakatungtong sa isa pang upuan. -.-"
Ang taong 'to talaga. Pagnakita naman siya ni Nanay na ginagawa yan, sigurado ako hahampasin talaga sya nun.
"Gagala." Tipid na sagot ko sa kanya.
"Lakwatsera ka talaga. Dalhan mo ko pagkaen ah!"
Wow -.- Sanabihan ako ng lakwatsera, tapos papadala pa ng pagkaen."Yoko nga! Bibilhan kita basta bigyan mo ko ng pera" Asa naman sya na ililibre ko sya noh! Hindi nya nga ko nililibre eh -.-
"Wag na nga lang! Tss. Andamot."
"Bleeeeeh :-p "
Umupo ako kasama sya at kumain nalang ng breakfast. Maya-maya pa naman siguro dadating si Anna at si Meghan eh.
*ding dong*
Ayy. Andito na pala sila. Pero kakain parin ako! Hahaha, bahala silang maghintay.
"Andreaaaaaaa! Let's go!" Sigaw ni Meghan nung pumasok palang sila.
"Mmm? Kumakain pakooo! Wait lang." Sagot ko sa kanya.
"Ano kaba! Kumain ka pa na aali---"
Napigilan si Meghan sa sasabihin nya nung nakita nya si kuya. Naka sando lang kasi at boxer shorts si kuya tapos tumingin sa kanya nung nagsasalita sya. Hahahahahaha! Natatawa talaga ako sa babae nato! Pahalata talaga kahit kelan.
Yes, matagal ko ng alam na may gusto ang bestfriend ko sa kuya ko. Kakatawa nga eh.
At kahit gustong-gusto ko tumawa ng malakas, pinipigilan ko nalang. Baka kasi magalit si Meghan sakin.
Nagtaka naman si kuya kung bakit naputol yung sasabihin ni Meghan. Si Anna naman halatang nagpipigil din ng tawa. Hahahaha!
And para matapos na ang awkward moment, nagsalita nalang ako.
"Teka lang kasi. Nagutom ako eh. Hintay nalang kayo. Oh, upo muna kayo. Gusto nyo kumain?" Pagyaya ko sa kanila. Actually gusto ko lang na umupo sina Meg kasama namin para mas masaya. Hahaha.
"Ah. Ehhh, D-di na Drey.
K-kumain n-na kami eh." Utal-utal na sagot ni Meghan na halatang ayaw nya lang dahil andito si kuya at nahihiya sya.Tiningnan ko naman si Anna at agad nya namang nakuha kung ano gusto kong sabihin.
"Oo nga pero dito muna tayo. Hintayin natin si Andrea na matapos." Sabi ni Anna. Hahaha, very good! Nagtinginan naman kami ni Anna at pasekretong ngumiti sa isa't isa.
Umupo na sila ni Meghan kasama namin. Kumakain parin kami ni kuya. Nagtataka nga ako dito kay Meghan eh, naka aircon na nga pati kainan namin dito sa bahay pero tuloy-tuloy parin yung pagtulo ng pawis nya. Hahahaha, tensed na tensed talaga sya kay kuya.
"Meg, okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya at nagpanggap nalang ako na parang nagtataka. Pero inaasar ko lang talaga sya. Hahahahaha
"Oo, okay lang ako Drey. KAYA BILISAN MO NA. AALIS NA TAYO." Diniin nya yung pagsasalita nya at tiningnan nya ako ng masama. Hahahahaha nakakatawa talaga to.
"Sigurado ka ba Meg? Mukhang may sakit ka eh." Pang asar din ni Anna pero kagaya ko nagpanggap din sya na nagtataka.
"Okay lang nga ako. Wag nga kayong mag-alala masyado" Tiningnan nya kami ng masama pareho. Hahahaha sobrang nagpipigil na talaga kami ng tawa ni Anna.
Maya-maya ay umupo si kuya ng maayos at tumayo.
"Oh, kuya! Tapos kana?" Tanong ko kay kuya.
"Oo. Uwi ka ng maaga ha! Kung hindi, hindi kita papapasukin. Bahala ka." Sagot ni kuya.
Ay natouch naman ako. Hahaha, ganyan talaga si kuya eh. Mapang-asar pero maalaga. Kahit palagi kaming nag-aaway.
"Che! Opo!"
Nung tumalikod na si kuya at umakyat na papuntang kwarto nya, nakasunod talaga yung mata ni Meghan sa kanya. Ano kayang nakita ng babaeng 'to sa kuya ko?
Kinain ko na ng mabilis yung natitira kong pagkain at niyaya ko na silang umalis.
A/N:
Next Chapter will be published when this chapter gets 20 reads.Thank you po ulit!
BINABASA MO ANG
Magmahal Muli
RomanceNaranasan nyo na ba'ng mahulog sa isang tao na matagal ng naghihintay ang matamis mong OO? Yung tipong kahit nanliligaw palang ay ramdam mo na kung gaano ka nya kamahal. At noong ibibigay mo na nga ang matagal nya ng hinihingi, bigla mo nalang nalam...