Chapter 2: Annoying
~*~
"What?"
Malamig na tanong ko sa babaeng ilang araw ng nangungulit sakin. If I remember it correctly, this girl named Elise Vergara.
Ilang araw ko na itong iniiwasan dahil sobrang kulit nya. I thought she wouldn't find me but I was wrong. She was annoyingly persistent on pestering my peaceful days here in University.
Nahanapan parin nya ako. Naramdaman ko din naman sumusunod ito pero hindi ko inakalang pupunta pa ito sa smoking area ng University.
I really find that girl annoying. Yeah, that described her, ANNOYING GIRL.
Bumuga ako ng usok galing sa hinihithit na sigarilyo.
"Smoking is dangerous to your health." That what's she said to me.
I smirked. "I know, I'm not noob." Humithit ulit ako sa hawak kong sigarilyo pagkatapos sabihin yon pero inagaw ni Elise ito at inapakan.
Hindi ko nalang sya pinansin kahit na naiinis ako sa inasta niya na para bang malapit kami sa isa't isa para agawin ang sigarilyong hawak ko.
Kumuha ulit ako ng isang stick ng mamahaling brand ng sigarilyo sa Hermes bag ko at sinindihan yon.
But that annoying girl interrupted me again. Inagaw ulit nito ang hawak kong sigarilyo at inapakan.
Hindi ko ulit ito pinansin at ginawa ang ginawa ko kanina pero inagaw na nito ang buong kaha pati lighter na hawak ko.
I stared at the annoying girl. Irritation was evident through my face.
Yeah, I'm not the cold girl right now. Miminsan lang ako magkaroon ng emosyon. Malas ang mga taong nakakaharap ko sa twing nangyayari yon.
Because I can be a witch at the same time a bitchy beast.
Hindi man lang natinag sa pagkakatayo ng nakakainis na babaeng kaharap ko. Parang alam na nitong ganoon ang magiging reaksyon ko sa ginawa nya.
"You're smart, right?" Mahinahon na tanong ni Elise sa'kin. Pinagdudahan pa yata ang kapasidad ng utak ko. who is this girl anyway?
"Are you doubting my capabilities, Miss Vergara?" Kanina pa ako inis na inis sa babaeng ito. She acts like we really knew each other.
"No, Miss Vergara. Nagtataka lang ako. You're the top 2 in entrance exam result. Pero hindi mo alam na masama sa katawan ang sigarilyo."
I hated the fact that J was only top 2 in entrance exam result. Pero mas ikinainis ko pa na parang pinangalandakan nitong mas matalino sya sakin.
Alam kong sya ang Top 1 dahil tumatak agad sa isip ko na Vergara pati ang first name nya ang nasa listahan. hindi ko lang in-expect na magiging kaklase ko pa sya sa halos lahat ng minor subjects ko.
"Pinapamukha mo ba sakin na mas matalino ka kasi ikaw ang Top 1?" Gusto ko na syang sampalin kaso hindi naman ako babaeng nanampal nalang bigla.
Unang kita ko palang sa Elise Vergara na ito, alam ko nang walang magandang idudulot ito sa buhay ko.
And I was right. Wala pang isang linggo, nakikialam na ito sa nanahimik kong buhay.
"No it's not that, Monique. I'm just concerned about your health." Mas lalo akong naasar.
"Bakit? Kaano ano ba kita para maging concern sakin?" I hissed. kung normal lang akong babae, baka nasakal ko na ito sa sobrang inis.
Elise mumbled something I did not understand.
"What?" Ayaw na ayaw ko na nangyayari sakin ang ganoon.
Yung may sinasabi ang tao sa harap ko pero sinasadyang hindi ipatindi sa'kin.
Mas gusto kong sinasabi ng tao sakin ang gusto nilang sabihin kahit masakit. I don't want to stab behind my back.
"I'm just a concern classmate, Monique."
Pinagmasdan ko si Elise.
Nakakaasar talaga ito. She makes me creep the hell out of me.
Pakiramdam ko kasi kilala na nya ko ng matagal dahil sa paraan ng pagbigkas nito ng pangalan ko at kung paano nya ako tratuhin.
Hindi man lang sya na-intimidate sakin na na miminsan lang nangyayari sa tuwing may makikilala akong ibang tao.
Hindi rin sya mukhang takot .
"Have we met before?" Ayoko sanang itanong sakanya ito baka kasi magsinungaling lang ito. But she was oddly familiar. Parang may kakilala akong kamukha nito.
Tango-iling ang sagot nito sakin na ikinakunot ko ng noo.
Napailing nalang ako. Nakalimutan ko na ayaw ko pala sa taong ito, bakit nagtanong pa ako?
"I met you two years ago. In m--your father's funeral."
Napaisip sya. "You're a Vergara. And you went to that old man's funeral. Kamag-anak ba kita?"
Ayaw kong magtanong pero I got curious.
Naging balisa ang mata nito. I knew Elise was hiding something.
Naging mailap ako ng maalala ko ang insidente kung kailan naalis ang paniniwala ko na may forever ang pag-ibig.
"Ano, Monique. May gagawin pa ako." Tumakbo ito palayo sa smoking area.
Doon nadagdagan ang pagdududa ko sa babaeng kaepilyedo ko.
Alam kong may posibilidad ang nasa isip ko pero binalewala ko yon.
I am not yet ready to know the truth or the consequences.
Nagkibit balikat ako.
Naglabas nalanh ako ng stick ng sigarilyo. mabuti nalang may isang kaha pa ng sigarilyo sa bag ko. This time, malaya ko nang binubuga ang usok na nanggagaling dito.
Hindi mo alam kung normal ba ang paggaan ng pakiramdam ko pagkatapos ko magsigarilyo.
Parang pinapakalma kasi ako ng nicotine kahit na ang unhealthy pang pakinggan.
"Hey."
Lumingon ako sa direksyon kung saan nanggaling ang boses.
"Blake." sambit ko sa pangalan nito.
"Nikki, nagsigarilyo ka na naman noh?" Sita nito sakin pagkatapos nya akong halikan sa pisngi.
Ngumisi lang ako bilang sagot.
"Alam mo namang masama sa katawan yan, matalino ka naman pero bakit ang tigas parin ng ulo mo." Siguro kung naging langgam lang aki, baka kanina pa ako hindi humihinga dahil kahit anong gawing pagpapayo sakin ng kaibigan kina masama ang yosi sa katawan ay hindi parin ako nakikinig sakanya.
And so kung nakakasira ng katawan pero nabibigay naman sakin ng peace of mind sa tuwing nakakalanghap ako ng nicotine.
"Know what, your advice is oddly familiar. "
Naalala ko si annoying girl a.k.a. Elise.
"Ano ka ba, kahit saan ka magpunta, sinasabi yang masama sa katawan ang manigarilyo!"
"Who cares?"
I said before I walked out.
"I care." Hindi ako lumingon kahit na sinigaw nito iyon sakin.
Ayaw ko man pero napangiti ako sa sinigaw nito.
~*~
I changed the POV from third to first. ang hirap kasi saka first person din yung VS#1, kaya dapat may consistency. I-e-edit ko din yung kay Elise. :) Mas madami din kasi akong naf-formulate na words kapag first yung POV. :D Katulad ng chapter na ito, nadagdagan ng 100+ words kesa sa original chapter. Nagmamagaling lang kasi akong mag-third. Haha. 😁
BINABASA MO ANG
Her Greatest Fear (VS#2)
RomanceFirst Generation: Series 2 Vergara Series 4 ---Reya Monique G. Vergara--- "...They say that sometimes, even the stone can break into pieces... and cold ice can melt too..." --Unknown