Skye
Nagpunta ako sa isang beach to have some relaxation. I think its time to have my next part.
Suddenly I saw a 2 children on the tree. I think carving their names.
I remember something and give me memories of pure happiness yet bitterness.
Promises are meant to be broken...
-----
Whatever you do,I'll walk with you.
Hoping that your every dream would come true.
Anytime, anywhere I'll always be there.
Wishing you happiness because I care.
-----Meily
Bata pa lang kami may gusto na ko sa kanya. Pano ba naman siya lang ata ang close ko in my childhood days.
Kahit matagal ko na siyang kasama hindi pa rin ako makapagtapat kasi ayaw ko masira pagkakaibigan namin. After all I am one of the boys and I am his bestfriend.
"Dude kanina ka pa tulala jan! Wag mong sabihing magdadalaga ka na hahahah!!!" Frank
Bumalik na ang isip ko sa reyalidad sa sinabi niya.
"Gags!!! Wala akong panahon sa mga ganyan!!! Sus kelangan makatapos para yumaman. Sa bagay di mo kailangan yun! Mayaman ka naman."
He gave me his famous smirk. Gwapo talaga siya.
"Talaga lang ha. Sabihin mo sa akin kapag may nagustuhan ka. Para makilatis natin. Siguraduhin mo na gwapo katulad ako! Ay mali ako nga lang pala ang gwapo. Hahahaha!!!" Frank
"Sobrang hangin nadadala ko!!! He! Jan ka na nga!"
Leche yung puso ko nagwawala na!!!
Kelan ko kaya maamin yung nararamdaman ko???After a week... Parang mailap siya sa akin. Kaya kinamusta ko siya...
Pumunta ako sa spot namin sa campus yung parang secret base... Nagbabakasakaling andun siya.
Habang papalapit ako malapit sa may bench, nakita ko siya...
Pero parang may tumusok sa puso ko ng makita ko na may kasama siya...
Big deal sa akin to sobra, kasi secret base namin to! Nangako kami na, kami lang ang makakaalam nito.
Ang mas masakit pa babae yung kasama niya.
Lumapit ako sa kanila, pero deep inside gusto ng tumulo ng mga luha ko..
Sabi ko na lang, 'Matatag ka Meily!'
"Dude! Long time no see!!! Pakilala mo naman chicks mo hahaha!!!"
Ngumiti lang siya sa akin at pinatayo yung babae na ginawang regla yung bibig niya sa lipstick!
"Si Maggie girlfriend ko." Frank sabay ngiti with feelings pa!
Leche!!! Bwisit ang sakit kaya!!!
"Ah hi Maggie, Meily nga pala tropa ni Frank."
Ngumiti siya pero alam kong bitch to promise!!! Malakas radar ko sa mga ganyan!!! Babae pa rin ako!!!
Bwisit gusto ko ng paduguin ang mukha nito...
Sa mga nagdaang araw parang dinedma lang ni Frank yung existence ko sa mundo! Kasi meron na siyang Maggie katunog pa nung magic sarap na puro chemicals!!!!
Gago yun! Akala ko ba bff kami forever!!!
Letche wala nga palang forever.. (Bitter Mode)
Isang araw, dahil nga invisible na ko sa paningin ni Frank eh invisible na ko sa lahat... Parang si Frank yung light ako yung shadow (Kuroko ang peg)
Napapunta ako sa may Chemistry Lab... Konti lang ang nagpupunta dito puro Med students lang.
Ewan ko kung bakit ako napapunta diyan ehhhh Accounting major ako ehhhh...
Pero dahil feeling depressed ako, napag-isipan kong maglakad-lakad para mag-relax...
Iniisip ko pa rin yung heart break ko kay Frank at yung battery exam namin next week...
Pero dahil may narinig akong haling-hing ng isang malandi sa may liko nitong lab... Pinuntahan ko yun kasi curious ako.
Nakita ko si Maggie Magic Sarap kasama yung Football Captain na naghahalikan o nagtutukaan yung term...
Hindi ko alam ang gagawin ko pero tumakbo na lang ako...
Walang araw na lumipas na hindi ko iniisip ang mga nakita ko at paano ito sasabihin kay Frank, gusto ko lang siyang iligtas sa Maggie na yun... Na isa't kalahating malandi.
Inipon ko lahat ng lakas ng loob ko para makausap si Frank...
"Frank! Ah-- may s-sasabihin sana ako sayo tungkol kay Maggie"
Kumunot naman ang noo niya.
"Kasi Dude... A-ahh n-nakita ko siya isang araw na may kahalikan na iba."
Tuloy-tuloy kong sabi...
Tumingin ng mariin sa akin si Frank.
"Meily. Tigilan mo ang kalokohang to. Hindi ako natutuwa sa biro mo. Pwede bang wag mong siraan ang girlfriend ko."
Hindi ko alam kung anong eksaktong sasabihin ko pabalik dahil sa mga salita niya parang wala siyang tiwala sa akin.
"Alam mong hindi ko kayang magsunungaling! Sinasabi ko ang totoo!! Yung girlfriend mo isang malabdi dahil two timer siya!!!"
Lumapit siya bigla at alam kong galit na galit siya. Kwinelyuhan niya ko. Ito ang unang pagkakataon na ginawa niya sa akin ito, aaminin ko nattakot ako.
"F**k this s**t Meily! Utang na loob porket hindi kita pinapansin sisiraan mo si Maggie!!! Anong alam mo sa kanya!!! Ha!!! Mahal ko yun!!! Tapos eto ka sisiraan mo siya sa akin!"
Tumulo na ang mga luha ko...
"Hindi ko siya sinisiraan!!! Ang gusto ko lang naman ay wag kang magpaloko!!! Ang daming iba jan!!! Bakit sa kanya pa!!!"
"Wala kang pakialam kung ano ang gawin ko desisyun sa buhay!!! Bakit sinong gusto mong mahalin ko!!! Ikaw!!! T*****a!!!! Sawa na ko sa pakikisama mo! Hindi ko nga alam kung bakit kita naging kaibigan! Eh kung umasta ka para kang tomboy!"
Isang sampal lang ang naisagot ko sa kanya...
Tuluyan na akong tumakbo palayo sa kaniya na mahal ko...