Prologue

38 1 1
                                    

"Shut up Aileen. You know I'm not fond of joining clans and interacting through texts." Inirapan ko siya.

"C'mon dear. Hindi lang 'to basta basta text. This is so fun." Ani niya at ngumiti pa ng napakatamis na may kasamang pagkindat. Jusko. She looks like she's been selling something. Sunod sunod ang pag-beep ng phone niya dahil sa natatanggap niyang texts. Napairap ako. I won't let myself.

"See? You can fling here all you want without getting caught." Kumindat pa siya at kinakalikot na naman ang cellphone niya.

Kanina niya pa ko niyayaya na sumali sa clan. Oh wait, a text clan? Fictional Character World daw yung name. Agad ko namang na-gets kung anong meron doon. You know, interacting with roleplayers, sharing stuffs, acting like you're the antagonist of your beloved story and such. I know there would be no advantages kung sasali ako, pero wala nga ba talaga? I don't know. You can't harm someone through texts, or hindi nga ba talaga? Hindi ko rin alam. And hindi pa naman ganon ka-boring ang buhay ko para patulan ang mga ganyan.

"You won't regret it." Ani niya habang nakatingin sa kan'yang cellphone.

"Naka-ilang boyfriend ka na doon?" I asked her mocking. Tumawa lang s'ya ng malakas.

"Baka girlfriend Kirs?" Nanlaki ang mata ko. Ohmygod. Is my bestfriend a lesbian? I looked at her. She looked so pretty today at naka-dress pa siya. Hindi naman s'ya mukhang lesbian. So? Ohmygod! Something worst?!

"Fuck you bebe! Kailan pa 'yan?!" Sigaw ko. Parang naiiyak ako. Hindi ko matanggap na isang lesbiana ang bestfriend ko!

"Huh? Anong kailan pa?" Taka niyang tanong.

"Ikaw! Kailan ka pa naging lesbian?!"

"Wtf?! Anong pinagsasabi mo?!" Sumisigaw na din siya.

"You've got a lot of girlfriends 'ayt?!" Tinitigan n'ya ko ng masama at bigla siyang tumawa ng napakalakas. Siguro inabot ng mga limang minuto bago s'ya matapos.

"I have something to tell you." She said. Omg! Ito na 'yon. Aamin na s'ya!

"In this world' I mean in FCW, kahit babae ka, you can still operate a boy character." Kumindat siya. Tumango tango ako. So ganoon pala 'yon.

"Look, I have five girlfriends and they are all going crazy over me." She said smiling.

"Kawawa naman pala 'yong mga nabibiktima. "

"It's their fault. Masyado silang tanga." Tumawa siya na parang demonyo. What happened to you my bestfriend?

"Sumali ka na kasi." Hindi ko na lang s'ya pinansin at nagpatuloy ako sa pag-inom ng frappe ko. Maya maya ay umalis na din s'ya dahil may lakad pa daw sila ng mama niya. Napagdesisyunan ko na ring umuwi. Sobrang kalat ng bahay at parang binomba. Kuya Krev, isn't really good in maintaining cleanliness.

"Yuck ka talaga kuya." Bulong ko ng makitang may condom sa upuan. Naglinis na lang ako at nagluto na ng dinner.

"Swimming tayo!" Kyla said two weeks bago ang bakasyon. Tumango tango ang mga kaklase ko.

"Dagat o Pool?" Abram inquired.

"Batya." Matipid kong sagot at tumawa silang lahat. Nagplano na sila and for sure hanggang drawing lang 'yan. Kilala ko mga kaklase ko. They're not good in making things happen. Katulad na lang ngayon, wala pa sa kalahate ng klase ang nakikinig at sumasama sa planning.

"Sure kang sasama ka, huh?" Ani ni Angela at tumango ako.

"Basta siguraduhin n'yong sure 'yan!" I laughed. Umismid siya.

"Pakiramdam ko nga hanggang drawing lang to Kirs." Oh, So parehas pala kami ng iniisip.

Napagdesisyunan nilang gawin ito mga bandang March. Serves as a farewell party na rin kung ganon.

My phone beeped and it was a message from Aileen.

Fr: Aileen

Bebe, I miss you na.

Napatawa ako. I texted her back, saying I missed her too.

"Alis muna ko bunso. Nagpapasundo si Claire." Kuya Krev said playing with his car keys. Tumango ako. Maiiwan na naman ako dito sa bahay, mag-isa na naman. Pwede ko naman papuntahin si Aileen pero busy ang bruha. May mini store kasi sila. Mag-isa kong nag-movie marathon ng puro romantic movies. At halos mamatay ako sa kilig. Gano'n siguro talaga pag NBSB. Madali kang kiligin kahit simpleng usapan lang. Ng maubos ko na lahat ng movies sa USB ko, parang gusto ko na patayin ang sarili ko sa sobrang boredom.

I wanna play badminton, pero wala akong kalaro. I wanna text my friends, pero tinatamad akong kalikutin phone ko.

Oh, what should I do? I ended up sleeping. Nakatulog ako sa couch at nagising ako mga bandang 11:30 pm. That was so long. Nakauwi na sguro si Kuya dahil naka-lock na ang pintuan. Pumunta ako sa kwarto ko at tinanggal ang phone ko sa pagkaka-charge. Ang haba na ng tinulog ko kaya wala akong maramdaman kahit katiting na antok. Wala akong magawa, wala akong makausap and so I wanna kill myself. I'm so fucking bored. Nag-iisip ako ng pwedeng kainin ng biglang may ideya na pumasok sa isipan ko. Oh no Kirsten. You told yourself that you're not gonna join that fucking clan. But I'm so bored. and besides I wanna know what it feels like to have your phone beeping every second.

And so I ended up texting Aileen.

Me:

Hey bess, I think I wanna join the clan.

Wala pang isang minuto ay nag-reply kaagad s'ya. Bilib talaga ko sa puyatan skill nya.

Aileen:

Oh fuck, I told 'ya. HAHAHAHA. <3 Wait, what's your fictional character's name?

Me:

Soleil Alastier.

Aileen:

Wait. 'ayt. You're now a member of Fictional Character World. *wink*

What's with the asterisk? Agad ko namang nagets ito. I looked at the shining clock on my wall. Eksaktong 12 am. February 9, 2015 and I officially become a roleplayer.

At dito magsisimula ang masalimuot kong kwento.

She's A RoleplayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon