Chapter 1

18 1 0
                                    

"Hello everyone. My name is Ronette Tibay, running for the position of Grade Nine Representative under Magdiwang Party. Vote straight, vote wisely, vote Magdiwang Party." The bubbly girl said, smiling widely.

Narito sa harap namin ang Magdiwang Party, papalapit na kasi ang botohan para sa new set of Supreme Student Government. Kaya't nangangampanya na ang dalawang partido, Magdalo and Magdiwang.

"So good morning again Grade Eight Cadena De Amor. " Turn na ng Vice President nila. "Ako si Dan Moises Dave R. Cuesta at tumatakbo po ako sa pagka-bise presidente. " He smiled revealing his attractive dimples. Damn! This one is so handsome. Balita ko, buong section nila Aileen ay may gusto sa lalakeng 'to.

Marami pa silang sinabi, about their propagandas, goals for the school, at mga gusto pa nilang i-improve sa school. It's kinda convincing,  and it really should be. Narinig na namin ang kabilang party, Magdalo party, maganda rin naman ang mga gusto nilang mangyari sa school but we still can't decide. Sa Miting de Avance na lang magkakaalaman.

"Sino boboto natin bes?" Tanong ni Aila isang araw bago ang Miting De Avance.

"Si Wisely. Vote wisely daw eh." Humagalpak kami ng tawa.

"De, seryoso. Bet ko ang Magdalo. Mas realistic eh." Ani ni Kyla. Tumango kami. Mas realistic nga ang mga taga-Magdalo.

"Basta ako boboto ko si Dan!" Tumili pa si Whislyn. Umiling na lang ako. 'Yan tayo eh, basta gwapo, pak na pak agad! Not that I underestimate good looking man, I just hate the mentality of people na kapag maitsura, pwede na. Kaya maraming kandidato na dating artista ang agad na nakakaupo sa p'westo.

Kinagabihan pagkauwi ko ay naabutan ko si Kuya na may kausap si telepono. Hula ko ay si mama 'yon. Nasa Palawan s'ya para sa early summer vacation na binigay ng Boss n'ya. Lahat ng empleyado ay kasama.

"Pasalubong ko ma ah? Kahit bato lang from El Nido." Biro ni Kuya. Sinenyasan n'ya ko na lumapit sa kan'ya.

"Talk to mom." He whispered. Binigay n'ya sakin ang cellphone n'ya.

"Hi ma. I miss you." Malungkot kong sinabi. Miss na miss ko na si mama. Miss ko na ang mga sigaw n'ya, my mom's a nagger. At yun talaga ang namimiss ko kay mama.

Mama laughed. "I miss you too baby. Kung wala lang kayong pasok dapat sinama kita eh."

"Pwede naman akong umabsent ng dalawang linggo ma eh." Pagmamaktol ko.

Tumawa ulit si mama. "Baliw ka nak. Gusto mo ba ma-miss mga lessons mo? I bet, hindi." Tumawa din ako. Mom's right. Masyadong mahalaga sakin pag-aaral ko. Hindi ako nawawala sa Top 10.

Nagkamustahan pa kami ni Mama. Next week na pala ang uwi n'ya. And I'm so excited about it.

I was about to put some vetsin on my adobo when my phone beeped. Kasalukuyan kasi akong nagluluto ng dinner.  Text mula sa isang unknown number. Simula nung naging operator ako, hundred texts ang nare-receive ko kada araw. And I'm still not used to it. Kaya hindi ko minsan dinadala sa school ang cellphone ko. Madali akong ma-distract. Agad kong binasa ang nilalaman ng text.

Unknown :

Hi :)

Agad ko itong nireplyan.

Me: Name?

Unknown: Axl Grae Vertrouge :)

Me: Ah. K.

I saved his number.

'Yan ang palaging start ng convo sa mga FC na nakakakilala ko. Walang issue pag gan'yan kaikli ang nirereply mo. FC's are used to it. But this guy is different. 

She's A RoleplayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon