"Nak, kaninong camera gagamitin natin?" Tanong ko kay Fredlyn habang nabyahe kami papunta sa San Gabriel III Elementary School. D'on namin napagpasiyahan na gawin ang shooting. Yun kasi ang pinakamalapit na school na may mini forest at nakakatakot na ambiance. Trailer ng isang horror movie ang pinagagawa samin.
"Di ko pa alam mommy. Walang may DSLR satin eh. Pero tatanong ko kay Jennifer kung may digicam sila. Pwede na s'guro 'yon mommy." Ngumuso si Fredlyn. Anak-anakan ko s'ya sa room but I'm treating her like she's my long lost sister.
Tumango ako. Ang bahay ni Jennifer ay malapit sa San Gabriel III kaya d'on kami magpapalipas. Buti na lang at meron kaming pwedeng stay-an.
"Sab, try natin puntahan sila Yonell. Baka pwede natin i-shoot d'on yung ibang part ng trailer." Ani ni Jude. Sumang-ayon ako. Hindi namin ka-group si Yonell pero baka pwede namin s'ya mapakiusapan. Mabait naman 'yon.
Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number ni Jennifer. Agad n'ya naman itong sinagot.
"Hello Kirs. 'San na kayo?" She asked.
Tiningnan ko ang labas ng jeep. "Malapit na 'Fer. Nasa Umping na kami."
"Osige, pagbaba n'yo diyan sumakay kayo ng tricycle. Or kung gusto niyo gapangin nyo na lang. Pero mas maganda kung tricycle. Sabihin n'yo sa Barangay Salud kayo ibaba. Alam ni Fredlyn bahay namin. S'ya na bahala." Tumingin ako kay Fredlyn. Nag-thumbs up s'ya at ngumiti.
"Sige 'Fer. Ihanda mo na ang lechon. " I joked at tumawa lang s'ya. Maya-maya ay naputol na ang call.
Ng makarating kami sa bahay ni Jennifer ay agad naming sinet-up ang mga gagamitin namin. Mabuti na lang at may digicam sila Jennifer.
"Tama na ba tong pagka-red n'ya?" Tanong ni Jude habang hinahalo ang pinagsamang cornstarch at food color na red.
"Hindi mukhang dugo be. Masyadong brownish. Add some water. " I recommend.
Maya-maya ay sunod sunod ang pag-beep ng phone ko. More than five messages from Axl.
Axl:
Soleil? Kumain kana ah. Wag kang magpapalipas.
I deserve you. Salamat at pinayagan mo 'ko.
Mag-iingat ka d'yan.
Text mo naman ako please?
Kahit blank message lang mula sa'yo happy na 'ko. :)
Kinilig ako sa pang-limang text n'ya. Jusme.
He's too clingy and I kinda' like it. And yes, pumayag akong magpaligaw sa kan'ya. I don't know pero iba yung naramdaman ko kagabi nung nabasa ko yung message n'ya. No man has ever told me that he wants to court me and own me. Sa tanang buhay ko wala. Sadyang pangit lang talaga ko at walang nagkaka-interes sakin or manhid ako at hindi napapansin ang mga nagpaparamdam.
I don't know what to feel last night. Para sa isang NBSB na tulad ko na hindi pa nakakaranas maligawan, bago sakin ang pakiramdam na may manliligaw sakin. Though it's not really me but my fictional character, Soleil. Kaya pumayag ako, ng kahit sa text man lang ay maramdaman ko, and wala naman s'gurong masama 'di ba?
Halos puyat ako kagabi dahil 1 am na ko nakatulog. Pa'no kasi, nagpalitan kami ng mga tanong about saming mga operator at andami kong nalaman sa kan'ya. Taga Laguna lang pala s'ya. Nagulat ako dahil hindi naman pala s'ya kalayuan. Parehas rin kaming Grade Eight. And may mga kamag-anak daw s'ya dito sa Cavite. I asked him kung bakit gusto n'ya kong ligawan, I mean my FC, Soleil, though ako pa rin naman 'yon.
Axl: Hindi ka katulad ng mga babae dito sa FCW na nanununggab at uhaw na uhaw magkaroon ng relationship. Iba ka Soleil. Gusto ko ang pagiging suplada mo. Na-love at first text yata ako sa'yo. *smiles*
BINABASA MO ANG
She's A Roleplayer
RomanceTrue love na may makulay na kwento na sana, naging bato pa. Sa isang mundong hindi mo malalaman kung sino ang totoo, how long can you stay? About a girl who never get tired of giving unlimited chances, and a man who never get tired of wasting it. ...